Chapter - 20 Review

257 9 0
                                    

Katelyn's POV

Kinabukasan, nasa bahay na ako kalalabas ko lang ng hospital kagabi at hinatid kami ni Calvin kase inasikaso ni papa ang business namin. Hindi muna ako pumasok ngayon kase magpahinga daw muna ako

Bukas pa naman ang exam namin. Kaya may kalahating araw pa ako para mag review nga pala ikinapi ako nila Vina ng lecture at pinazerox ito. Para daw may mareview ako

After ng dalawang araw na exam namin sem break na. At sabi pa sakin nila mama at papa may plano na daw sila para sa christmas. Ayaw pa nga nilang sabihin sakin. Kase daw surprise. Hay surprise surprise pang nalalaman, malalaman ko din naman

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga dito daw muna ako sabi ni mama. Habang nakahiga ako at nagcecellphone, may kumatok at pumasok si mama kaya napaupo ako sa kama

"Bakit po?" Tanong ko

"Nasa baba si, Drake. Hinahanap ka!" Sabi ni mama nangiti ako kase hindi niya ako dinalaw nung naconfine ako

"Sige po"

Nag-ayos ako ng sarili ko at bumaba na. Naabutan ko si Drake na nakaupo sa sofa at ng makita niya ako ay tumayo siya at niyakap ako

"Are you feeling ok?" Tanong niya at kumalas sa yakap niya

Tumango ako "yes" Nakangiti kong sabi

"Oh! May dala akong miryenda, paborito mo yan" Sabi niya at inabot sakin ang nakapaper bag na tapperwear

"Ano toh?"

"Carbonara, favorite mo yun diba" Drake said

"Yap! Tara kainin na natin" Pag-aaya ko sa kanya at sumama naman siya sakin naupo na kami at si nay Ava na ang naghanda ng dala niyang carbonara

Nagstart na kaming kumain at habang kumakain kami nagsalita siya "ahm! Kate, sorry kase hindi ako nakadalaw sayo nung nakaconfine ka" Sabi niya habang nakatingin siya sakin

"Ok lang ang mahalaga ay nadalaw mo ako dito sa bahay" Nakangiti kong sabi sa kanya

Natawa siya "syempre noh. Hindi na nga ako nakadalaw sa hospital hindi pa ako dadalaw sa bahay ninyo. Mali yun!" Natatawa niyang sabi

"Baliw ka talaga" Nakangiti kong sagot sa kanya

"Baliw sayo!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya at para siyang nagsisisi siya sa sinabi niya

"Este baliw ka din kako!" Natatawa niyang sabi

"Naku naku, ikaw, ha!" Pangiinis ko sa kanya natawa nalang siya

Natapos na kaming kumain kaya nagpunta kami sa garden at naupo kami sa upuan dun "bukas na ba ang test ninyo?" Tanong sakin ni Drake

"Oo! Kaso unti palang ang narereview ko, baka bumagsak ako" Nakasibangot kong sabi

"Naku, ikaw pa. Ang talino mo kaya" Nakangiti niyang sabi sakin

"Thank you"

"Wala yun ikaw pa. Ang lakas mo kaya sakin" Sabi niya sabay himas sa ulo ko

Natawa nalang ako "so, ano ang plano ninyo sa Christmas?" Tanong ko sa kanya

"Ang sabi sakin ni mama baka daw maghongkong kami or korea, do you want to go with us?" Pagaalok niya sakin

Nagkibit balikat ako "alam mo kung pwude lang sasama talaga ako sa inyo. Kaso ang sabi sakin ni mama may plano na daw sila para sa Christmas" Pilit ngiti kong sabi sa kanya

"Pero, if you want to go with us, just tell me. I tell my mom asap" Nakangiti niyang sabi sakin

"Ok"

Umuwi na si Drake kaya pumasok na ako sa loob at naupo muna sa sofa tapos na nuod ng TV. Habang nanunuod ako ng TV hawak hawak ko ang reviewer ko. Kainis ang dami naman na toh. Pano kung hindi ako makapasa hays

Tinawag na ako ni mama para maglunch "nak, tama na muna ang review kumain ka muna" Sabi sakin ni mama

Ngumiti ako at tumayo ako sa pagkakaupo ko "sige po, ma"

Naupo na ako sa upuang nakaasign sakin kami lang ni mama ang kumain kase wala si papa may inasikasong business. "Nay Ava, sabay na po kayong kumain samin" Sabi ko kay nay Ava habang nilalagyan ng kanin ang plato ko

"Naku, anak. Wag na. Mamaya nalang kami kakain" Nakangiting sabi ni nay Ava

"Sige po"

Natapos kaming maglunch at uminom na ako ng gamot. Pagkatapos kong uminom ng gamot umakyat na ako sa taas at nagsolo homework ako

Tinignan ko ang wall clock ko sa kwarto ko 1:30 na bumaba ulit ako para naman nakapaginat inat man lang ako kaninang umaga pa ako nagrereview. Takot kase akong bumagsak tapos walang sasalo sakin hahaha char

Ng makababa na ako wala si mama kaya sila nay Ava lang ang nan dun. "Nay Ava, nasan po si mama?" Tanong ko kay nay ava

"Ay, nasa kwarto nila ng dadi mo. Inaantok daw kase siya kaya matutulog daw muna siya" Pagpapaliwanag sakin ni nay Ava

"Ganun po ba, sige po salamat"

"Sige, nak"

Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa pool area ng house namin. Gusto kong magrelax. Puro ako problema hay. Nagtagal din ako sa pool area at naupo pa ako sa gilid nito. Tapos dinawdaw ang mga paa ko sa pool

Habang tahimik akong nakaupo dito sa pool area naisipan kong magsoundtrip. Habang nakikinig ako ng music na speechless ng aladdin. May nagtext sakin ng tignan ko si Calvin pala

(Heyyy, how are you?) from Calvin

(I'm fine) to Calvin

(Good, how's your review?) from Calvin

(Ok lang naman, medyo nahirapan lang ako) to Calvin

(Kaya mo yan, ikaw pa) from Calvin

(Sige salamat, ha!) to Calvin

(Sige, bye muna) from Calvin

(Ok, bye) to Calvin

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at naglakad lakad sa garden. Tapos inalala ko lahat ng nireview ko. Pumasok ako sa loob ng bahay at naupo ulit sa sofa, tinignan ko ulit ang oras 2:45 na. Grabe ang bilis ng oras hanep

Naupo ako sa sofa at nagbasa nalang ng magazine habang nagbabasa ako ng magazine at inabutan ako ni nay Ava ng juice at sandwiches

*Ff*

Nagdilim na kaya tinignan ko ang wall clock namin dito sa bahay 7:00 na katatapos lang din naming magdinner ni mama kaya umakyat na ako sa taas. Ang ginawa ko kinuha ko ang reviewer ko at inilagay sa ilalim ng unan ko. Ganun daw kase para matandaan mo lahat ng nireview mo

Nahiga na ako at maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok ko. Naghikab na ako at unti unti ng pumikit na ang mata ko

_larayxssss_

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now