Katelyn's POV
"Kate, ayusin mona ang gamit mo!!" Rinig kong sigaw ni mama
"Bakit po?" Agad na tanong ko kay mama
"Aalis tayo diba" Mama said
"San po ba kase tayo pupunta?" Nagtatakang at makulit kong tanong ko
"Anak, secret yun. Malalaman mo pag dating natin dun" Sabi ni mama
"Sige po"
Kinuha ko ang isang maliit na maleta sa ibabaw ng kabinet ko at inayos kona dun ang mga damit ko at kung ano ano. Sabado ngayon at sem break na namin. Umaga na kagigising ko lang at yun nga sumigaw si mama na mag ayos na ako ng gamit kaya nag ayos ako. Natapos kona ang inaayos ko kaya naman bumaba na ako. At pagbaba ko nakahanda na ang breakfast namin
"Nak, yan lang ba ang dadalin mo?" Taanong sakin ni papa
"Opo, papa. Ok na po to" Sagot ko kay papa
Inilagay na ni papa sa living room ang maletang dala ko tapos naupo na para kumain ng umagahan
"Ma, sino po kasama natin? At san po ba tayo pupunta?" Takang taka kong tanong kay mama at papa
"Anak, mamaya malalaman mo. Matutuwa ka pagnakita mo sila" Sagot sakin ni papa na nakangiti
Ngumiti ako ng bahagya wala talaga akong idea kung sino ang kasama namin hay "sige po, pa" Pag sang-ayon ko nalang kay papa
"Sige anak, kumain kapa" Papa said
Natapos na kaming kumain at naligo na ako. Katatapos ko lang maligo nagbihis na din ako. Bumaba na ako sa baba at naabutan ko si mama na nakaupo sa sofa
"Hi mama" Bati ko kay mama
"Hello anak, ang sweet mo naman" Nakangiting sabi ni mama
"Syempre po mana sayo" Sabi ko
Natawa si mama "naku, anak nga talaga kita" Tumatawang sabi ni mama
"Oh! Nagkakatuwaan ata ang dalawa kong reyna" Singit ni papa
"Hi papa" Bati ko kay papa
"Hello baby. So, are you ready?" Tanong ni papa
"For what po?" Takang ganong ko
"For, vacation" Papa said
"Syempre po, papa. With whom po?" Makulit kong tanong nanaman
"Anak, ang kulit, ah!" Sabi ni papa
"Sorry pa, hindi ko lang po mapigilan na cucurious po talaga ako, eh! Kung sino ang kasama natin" Pakamot ulo kong sabi
"It's okay, anak" Sabi ni papa
Nga pala sila Kenzie umalis na sila ang sabi sakin ni mama hindi na nakapagpaalam sakin kase daw nagmamadali. Kailangan nilang bumalik sa canada may nangyari daw kase. Hay mamimiss ko yung siraulo kong pinsan, buti nalang naihatid niya ako sa school kahapon bago sila umalis
*Ff*
"Nak, dun ka sa may tabi ng bintana maupo" Sabi sakin ni mama
"Sige po" Sagot ko tapos pumasok na sa loob ng van para maupo sa may tabi ng bintana
Pinaandar na ng driver namin ang van at umalis na ng bahay. Kasama namin sila nay Ava at ang iba naming kasambahay. Si papa susunod nalang daw kase may tatapusin pa siyang trabaho
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng maghikab ako "inaantok kaba?" Tanong sakin ni mama
"Opo ma" Sagot ko kay mama
"Sige, matulog kana muna" Sabi ni mama
At unti unti ng pumikit ang aking mata at nakatulog na
Calvin's POV
"Mom, where are we going?" Takang tanong ko kay mama. Habang nakaupo sa upuan dito sa van
"Malalaman mo din" Sagot ni mama sa tanong ko
Isesecret pa kase. Pwude namang sabihin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kate. Nagriring lang ang cellphone niya bat kaya ayaw niya sagutin
Hindi kona ginulo pa si Kate at nagcellphone nalang nag open ako ng IG account ko. May new post si Stacy. Tinignan ko ang post niya bumibiyahe sila papunta sa PALAWAN
Sila Kate kaya saan magbabakasyos nilike ko ang post niya at pinatay na ang cellphone ko. Kinuha ko ang earphone ko at nakinig nalang ng music piniplay ko ang music na BORROWED TIME by CUESHE
Hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako
Katelyn's POV
"Kate!" Rinig kong bulong ni mama sakin. Sabay yugyog sakin
"Mmm!" Sagot ko
"Gumising kana. Andito na tayo" Sabi ulit ni mama sabay yugyog ulit sakin
"Opo" Sagot ko
Dinilat ko ang mata ko at napanganga ako sa nakita ko. Farm nasa farm kami, bumaba ako ng van at nag inat inat "wow! Walang pinagbago ang farm ganun parin. Except sa kubo, bahay na siyang malaki ngayon!" Nakangiti kong sabi sa sarili
Pero bigla akong nasibangot naalala ko si Calvin. Syempre lagi kami dito. Hindi ko maiwasan maalala yung mga dati naming ginagawa naglalaro kami at naliligo sa batis
"Nak, ipasok muna sa kwarto mo ang gamit mo at ayusin na din" Sabi ni mama
Kaya bumalik sa reyalidad ang isip ko at kinuha sa likod ng van ang maletang dala ko tapos pumasok na sa mansion at pinili ko ang kwarto na malapit sa hagdan
Kase pag akyat mo ng hagdan may kwarto dun at nakahilera na ang iba pang kwarto sunod sunod na. Pumasok ako sa kwarto at wow ang ganda, kulay red lahat, ang saya favorite ko pa naman ang red
Inayos kona ang gamit ko at ng maayos ko pumunta ako sa balcony at naupo dun. May upuan kase dun. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog ng kanta
Ang kantang iyon ay TOO GOOD AT GOODBYES by SAM SMITH. Habang nagpapatugtog ako pumasok ulit ako sa loob ng kwarto ko at kinuha ang pang paint ko at nagpaint nalang ako ng mga bulaklak
Nakakarelax kase dito sa farm fresh air at sobrang ganda. Habang nagpapaint ako may narinig akong sasakyan na padating. Ng sumilip ako mula sa balcony ko nakavan sila. Sino kaya toh?
Maya maya pa bumukas ang pinto sa driver seat at bumaba si papa. Si papa lang pala kala ko kung sino. Nilapitan siya ni mama at nagusap sila
Dalawang oras din ang lumipas wala akong ginawa kundi magpaint lang. Wala akong maisip na gawin. Tapos tinatamad pa akong bumaba dahil alam kong wala akong kasama
Kaya ang ginawa ko niligpit ko ang pinagpaintan ko at pumasok sa loob ulit ng kwarto nagpatugtog nalang ako ng BORROWED TIME by CUESHE
habang nagpapatugtog ako hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako_larayxssss_