Katelyn's POV
Pagkagising ko naligo na agad ako at nagbihis pagbaba ko nagulat ako ng andun si Calvin nakaupo at nagiistart ng magbreakfast at kausap pa sila mama
"Oh! Hi! Good morning, Darling" Bati sakin ni papa
"Good morning, pa" Balik na bati ko kay papa
"Hi! Anak, aga ng boyfriend mo. Good morning" Sabi ni mama
Natawa naman ako "good morning din po"
Naupo na ako sa nakaasign na upoan sakin at katabi ko dun si Calvin "good morning, babe" Bati sakin ni Calvin
Ngumiti ako "good morning din, babe" Sabi ko
Kumain na kami pagkatapos naming kumain pumasok na kami at kotse na ni Calvin ang sinakyan namin papasok. Nasa parking lot na kami pero hindi pa siya bumaba may katext siya
"Babe, sino yan?" Tanong ko pero parang hindi niya ako narinig
"Babe!!" Paguulit ko
Natauhan siya "h-huh? Ay sorry. Bakit, babe?" Tanong niya
Tinignan ko siya ng masama "sino kako katext mo?" Tanong ko ulit
"A-ah s-si" Napakamot siya ng ulo "s-si Erik, tama. Si Erik" Sabi niya at ngumiti ng pilit. Kasinungaling ng gagong to. Hindi pa kami nagtatagal. Tapos kahapon may lipstick sa labi ang sabi pa dugo daw kasinungaling talaga
"At sino naman si Erik?" Taas kilay kong tanong
Napaisip siya "a-ano si Erik" Napalunok siya "s-si Erik kaklase ko nung high school" Sabi niya
"Calvin, pagnalaman kong niloloko mo ako. Hindi ako magkakamaling hiwalayan ka" Seryoso kong sabi. Naalarma siya pero hindi kona siya pinansin at mabilis na lumabas ng kotse niya rinig kopang tinawag niya ako
"Wait babe!!" Hindi pa man ako nakakalayo sa kotse niya nahawakan niya agad ang braso ko
"Hindi kita niloloko." Sabi niya sakin at parang nanggilid ang luha niya hindi ko siya pinansin at umiwas ng tingin. Niyugyog niya ako "babe, hindi nga!" Paguulit niya at niyakap na ako maya maya pa naramdaman ko sa may leeg ko na parang may tumulo
"Calvin, yung laway mo!" Natigilan ako ng harapin niya ako. Shit umiiyak siya, seryoso ba to? Or nagpapaawa lang siya sakin. Takte hindi pala laway yun luha hahaha
"H-hindi kita niloloko, babe." Paguulit na sabi niya at medyo pumiyok na siya
"Oo na, oo na" Pagsangayon ko nalang sa kanya naaawa na ako, eh!
Kinuha na niya ang bag ko at pumasok na kami sa class room. Pagpasok namin wala pa ang ibang estudyante ang andun lang ay sila Ella, Charming, Vina at si Lindsey. Bat andito si Lindsey sa kabilang building pa yung sa kanya
Ng makita nila ako nagsisigaw sila "whaa!! Kate!! We misss you!!" Napakamalakas nilang sigaw at lumapit sakin tapos niyakap ako tinulak pa nga si Calvin, eh!
Ng makita ni Ella na hawak ni Calvin ang bag ko bigla na siyang inubo at nagkasakit HAHAHA "ehem ehem ehem!!" Pagpaparining niya sakin
"Si Calvin, boyfriend ko." Pagpapakilala ko sa kanila
At ang mga gaga ay nagtatalon at naghiyawan na parang kinikilig "sabi na nga ba, eh!" Sabi ni Ella na nakangiti
"Oo na, oo na. Wag na kayong magtanong. Nga pala bat walang mga estudyante?" Tanong ko sa kanila
"Sabi ng mga teacher gawin daw muna nila lahat ng gusto nila. Kase wala naman daw gagawin ngayon." Paglalahad ni Charming kaya tumango tango na lang ako
"Pumunta kaya muna tayo sa canteen." Sabi ni Calvin
Tumango ang apat "tara!" Sabay sabay nilang sabi at isa isa na kaming bumaba
Ng nasa canteen na kami naupo na kami at may biglang dumating na tatlong lalaki at sure ako na kaibigan yun ni Calvin "hi, Kate" Bati nila sakin
Ngumiti ako "hi, sainyo" Balik na bati ko
"So, sino tong mga kasama mo?" Tanong ni James sabay tingin kala Vina
"Sila nga pala mga kaibigan ko sila si Ella Montes, si Vina Ramirez, si Charming Martin at si Lindsey Aquino." Pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko
"Guys, sila naman si Kevin Revilla, si James Estrada at si Leon Sapiandante." Pagpapakilala ko naman sa mga kaibigan ni Calvin
"Nice to meet you" Sabi ni Ella
"Nice to meet you din" Sabi din ni Kevin
Habang masaya kaming naguusap sa canteen may biglang pumasok sa canteen ng tignan namin sila Stacy pala kasama ang minions niya na sina Bella, Liza, and Amber
"Oh! May couple pala dito" Pamumuwisit ni Stacy. Hindi ko siya pinansin "don't worry, Kate. Hindi ko kayo sisirain ni Calvin. Kase matagal na kayong sira" Taas kilay niyang sabi habang nakangisi sakin. Ikinuyom ko ang kamao ko at tumayo sa kinauupuan ko
"Kate!!" Sabi ni Ella
"Oh! Lalabanan mo ko, ang lakas na ng loob mo, ah!" Seryoso niyang sabi lalapitan kona sana si Stacy ng hawakan ni Calvin ang braso ko
"Babe, wag monang patulan lalaki pa ang gulo" Bulong sakin ni Calvin
"Sumosobra na kase, babe. Nakakapanginsulto na!" Balik na bulong ko kay Calvin magsasalita pa sana siya kaso lumapit na ako kay Stacy
"What? Lalabanan mo ko? Do you think kaya mo ako, may alas ako laban sayo" Taas kilay niyang sabi
Natawa ako "bakit? Stacy, satingin mo ba ako walang alas laban sayo" Taas kilay ko ding sabi sa kanya at nawala ang ngiti niya sa muka
"Anong paki ko sa alas mo ang alas ko sayo mabigat at alam kong masasaktan ka ng sobra" Saniya
Pinapatawa ba ako nato "talaga lang, ha! Yung alas ko sayo ikakasira mo." Mabagal at madiin kong sabi. Sasampalin niya sana ako kaso biglang may humawak ng kamay niya ng tignan ko si Calvin
"Tumigil kana, Stacy. Sumusobra kana" Gigil na sabi ni Calvin habang nakatingin ng diretso sa mata ni Stacy. At para silang naguusap gamit ang mata. Anong meron kayong dalawa?
Binitawa ni Calvin ang kamay ni Stacy at kinuha ang bag ko tapos hinila ako. Hindi pa kami nakakalabas ng entrance ng canteen biglang nagsalita si Stacy
"Ano, Kate. Aalis ka?" Sabi niya at tumawa kaya naman napahinto ako
"Babe, let's go" Seryosong sabi ni Calvin. Hihilahin pa sana ako ni Calvin kaso iniwas ko ang kamay ko "babe, please!!" Calvin said
"Fight me, Kate" Sabi ni Stacy at ramdam ko ang paglalakad niya papalapit sakin at rinig ko din ang pag tayo ng mga kaibigan ko mula sa kinauupuan nila
Ng masigurong kong malapit na siya sakin kinuha ko kay Calvin ang bag ko ayaw pa nga niyang ibigay, eh! Pero pilit ko tong kinuha sa kanya kaya wala na siyang nagawa
Humarap ako kay Stacy at pagharap na pagharap ko sa kanya hinampas ko sa muka niya ang bag ko. At sunod kong ginawa ay sinampal ko siya ng kaliwa't kana "bastardo!!" Sigaw ko sa kanya at sinabunotan siya tapos tinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig "now, Stacy. Are you happy na napahiya ka" Taas kilay kong sabi sa kanya
Susugurin ko pa sana si Stacy kaso naramdaman ko ang mga braso ni Calvin na nakapalupot sa bewang ko at inawat na ako. Dumating din ang mga teacher at dinala kami sa guidance office
_larayxssss_