Katelyn's POV
Nagising ako ng maramdaman ko ang ilaw sa muka ko. Idinilat ko ang mata ko. Hindi ko pala napatay ang ilaw. At ng tignan ko ang oras "Putang ina!!" Napamura ako kase 8:00 na
Mabilis akong naligo at nagbihis na mabilis akong bumaba ng building ng condo ko at nag hintay na ng taxi na dumaan. Ilang minuto pa ang lumipas nakasakay na ako sa taxi at mabilis akong nakarating sa campus
Ng tignan ko ang relo ko hanep 8:40 na, late na ako patay ako nato. Mabilis akong umakyat sa room ko at pag akyat ko nagdidiscuss si sir. Ng makita ako ni sir napahinto siya dahan dahan akong pumasok ng room
"Miss Kate, your ten minutes late" Sabi ni sir napayuko ako. At ramdam ko ang matang mainit ang tingin sakin. Ng inilibot ko ang mata ko si Calvin ang nakatingin sakin habang galit na galit. Namumula na din ang muka niya sa inis, naguilty tuloy ako
"Sorry po sir" Sabi ko kay sir at pinaupo na ako ni sir
"Pstt! Anyare sayo?" Rinig kong tanong ni Ella
"Explain ko mamaya" Balik kong sabi sa kanya
Nagbell na it means recess na kaya lumapit sakin sila Ella at naupo sa tabi ko "Ano bang nangyari sayo? First time mong malate" Sabi ni Ella
"Chill guys, mageexplain ako" Sabi ko. Pero bago pa ako makapagsalita may biglang sumingit
"Buti pa sa kanila nageexplain ka!" Ng tignan ko ang nagsalita si Calvin pala at sure na sure ako na galit na galit na ito, napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang bag ko pati ang braso. Tang ina ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko feeling ko magkakapasa ako
"Kate!!" Sigaw ni Ella
"Calvin, nasasaktan si Kate!" Sigaw ni Charming. Pero parang walang naririnig si Calvin
"Bitawan mo nga ako. Nasasaktan ako!" Sabi ko sa kanya at nagpupumiglas pero malakas siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso
"Ano ba!! Calvin!!" Sigaw ko sa kanya
"Calvin, nasasaktan na ako!!" Sabi ko nanaman
Dinala niya ako sa isang bakanteng room dito sa campus at isinandal ako sa pader at tinignan ako ng nakakamatay "san ka nagpunta kagabi?!" Seryosong tanong niya at alam kong gigil na gigil na siya
Inisin ko nga to lalo "kala Drake" Seryoso ko ding sabi nagpipigil ako ng tawa
"Kate, seryoso ako!" Inis niyang sabi
"Kala Drake nga ako nakitulog" Sigaw ko sa kanya
"Tang ina oh. Wag mo kong buwisitin, haa!" Sigaw niya. Natawa ako kaya napakunot ang noo niya hinimatay ako kakatawa
"Kate!!" Sigaw niya
Tinignan ko siya pero natawa ako "Kate, hindi ako nakikipagbiruan sayo, haa!" Seryoso niyang sabi
"S-sorry naman" Sabi ko at natawa nanaman ako. Lumayo siya sakin at tinignan lang ako na tawa ng tawa. Habang nakahalukipkip siya, lumapit ako sa kanya at niyakap siya
"Joke lang, hindi ako nakitulog kala Drake" Natatawa tawa kong sabi
"So, where have you been?" Tanong niya
"Sa condo ko" Simple kong sagot
"Wala kang condo, Kate." Sabi niya
Naupo ako sa upuan sa bakanteng room at nagkalumbaba "meron po, babe" Sabi ko
"Ako Katelyn hindi ako nakikipagbiro sayo. Kanina pa ako inis na inis sayo!" Sabi niya at tumayo sa harap ko
Tumayo ako sa kinauupuan ko para maabot siya at medyo yumuko ako sa kanya kase medyo matangkad na ako sa kanya dahil nakatayo ako. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya "meron nga po. Gusto mo dahil pa kita dun mamaya" Taas kilay kong sabi sa kanya
"Sige." Sabi niya
"So, bati na tayo?" Tanong ko sa kanya
Tinignan niya ako ng seryoso at umiling "hindi pa!" Seryoso niyang sabi
"Pakipot kapa, ako na nga tong nakikipagbati, eh!" Nakangiti kong sabi. Nilapit ko ang labi ko sa labi niya kunyari hahalikan ko. Pero nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko at tinulak ang ulo ko at hinalikan niya ako. Nanlaki ang mata ko ng dumilat siya at kinindatan pa ako
Nagulat ako ng bigla niyang ipasok ang dila niya sa bunganga ko tinutulak ko siya pero ipinalupot niya ang braso niya sa bewang ko "Mmm!!" Ungol ko ng maramdaman ko ang mapusok niyang halik sakin. Lalo na kaming dalawa lang ang nandito sa room nato
Binigay ko ang lahat ng puwersa ko sa kamay ko at tinulak siya. Pero hindi ko siya maitulak ganun siya kalakas. Buti nalang nakahiwalay ako sa kanya siya na mismo ang tumigil "C-calvin!" Habol hininga kong sabi sa kanya at pinunasan ang labi ko
Natawa siya sa itsura ko "Your seducing me kase kanina. Kaya yun nag init ako bigla." Nakangisi niyang sabi at kinindatan pa ako kaya naman natawa nalang ako
"So, bati na tayo?"
Nag isip isip siya kunware "Sige na nga" Sabi niya at inakbayan ako tapos lumabas na kami sa bakanteng room
*Ff*
Uwian na kaya andito kami ngayon ni Calvin sa condo ko "Ano naniwala kana?" Taas kilay kong tanong sa kanya
"Oo na" Nakangiti niyang sabi "so, dito tayo matutulog ngayon?" Tanong niya
Kumunot ang noo ko "baka gusto mong sapok sapukin kita dyan. Pagkatapos ng ginawa mo sakin kanina satingin mo tatabi ako sayong matulog. Baka buntisin mo lang ako, eh!" Pairap kong sabi sa kanya
"Kung gusto mo ba, ok lang sakin" Pakindat kindat niyang sabi sakin. Tinignan ko siya ng masama kaya napatawa nalang siya
"Dito naba tayo magdidinner?" Tanong sakin ni Calvin at naupo sa kama ko
Napaisip ako "ano pa nga ba andito na tayo" Sabi ko
Nahiga siya sa kama ko "tara tabi ka" Sabi niya at hinampas hampas ang kama ng mahina
"Yuko nga ikaw nalang matulog. Wait lang. Bibili lang ako ng dinner natin" Sabi ko at tumango lang siya
Pagkabili ko bumalik na ako sa condo ko at na gulat ako ng wala siya sa kama ng katukin ko siya sa banyo naliligo siya. Palabas na ako ng kwarto ko para pumunta sana sa kusina ng biglang tumunog ang cellphone niya na nasa kama. Ng kunin ko ito nakita ko na may nagtext sa kanya nakalagay na name Erik
[Bukas, sa mall] from erik
Mall anong gagawin nila dun hay buhay. Hindi kona pinansin at nagpunta na ako sa kusina. Baka tropa lang niya yun at nag-aayang gumala, inayos kona ang pagkain sa lamesa at maya maya pa dumating na siya
Kumain na kami at pagkatapos namin kumain nag ayos na ako ng sarili ko at hinatid na ako ni Calvin sa bahay namin. Gusto pa nga niyang pumasok at dito na daw siya makikitulog dahil daw gabi ma. Sabi ko umuwi na kaya wala na siyang nagawa at umuwi na siya
_larayxssss_