Katelyn's POV
"Kate!" Sigaw ni mama
"Bakit po?!" Nagising kong sagot
"It's time for breakfast and may bisita ka." Sabi niya
"Sino po?" Tanong ko
"Secret! Basta bumaba kana lang." Sabi pa ni mama
"Ok po." Sagot ko
Ng hindi kona narinig ang boses ni mama bumangon na ako sa kinahihigan ko para maligo, so kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako pumasok ngayon it's because sabado po ngayon at sa monday pa ang first day of school namin. I'm sure pagdidiskitahan nanaman ako ng mga maaarteng babae dun. Hay bat ko ba sila iisipin
Kinuha kona ang tuwalya ko at pumasok sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng CR at kumuha ng isusuot kong damit. Tapos sabi pa kase ni mama may bisita ako, baka yung bestfriend ko lang yun
Ng matapos akong kumuha ng damit ay sinuot kona agad ito. Pagkatapos bumaba na ako, pagbabang-baba ko. Nakita ko ang one and only bestfriend ko na nakaupo sa upuan with may parents. At nagststart ng kumain ng breakfast
"Oh! Tita she's here." Rinig kong sabi ni Lindsey. Haist babaeng toh. Paenglish English pa
"Oh! Tara na kumain kana." Pagaalok sakin ni mama
"Opo"sagot ko sabay upo sa tapat ng kaibigan ko
Habang kumakain kami nagkukuwentuhan kaming dalawa ng kaibigan ko at ng matapos kaming kumain umalis na kami ng bahay para maglibot sa mall
Tutal sa monday pa naman ang start ng class namin kaya meron pa kaming ilang araw para maglibot. Nagpahatid na din kami sa driver namin para hindi na gumastos pa para magcommute
Nasa mall na kami at naglalakad ng biglang magsalita si Lindsey "hmm, sissy"
"Ahm?!"
"Pwude ba, ilibre mo ako." Sabi niya at ng tumingin ako sa kanya nakangiti ito at nakapeace ang kamay
"Wow, ha! At ano naman ang ililibre ko sayo, ha!" Sagot ko sa kanya
"Ahm!" Sabi niya sabay lagay ang kamay sa baba na nagiisip "shopping!" Dagdag pa niya
"Shopping. May patago ka, ha!" Sabi ko
"Sige na, minsan lang, eh!" Pakiusap niya
"Oo na, oo na"
"YES! LEZ GO!"
Una naming pinuntahan ay ang bench and bath. Pumasok na kami sa loob at syempre libre diba. Kaya ang ginawa ng gaga, kumuha ng basket at namili na ng damit. Hanep katapang
Una niyang pinuntahan yung mga crop top na long sleeve tapos yung crop top na sleeveless tigdadalawa lang naman hanep
So nakabili na kami at nagbayad na kami. Ang isang damit ay 499.75. Ng makabayad na kami lumabas na kami at nagpunta ulit sa isa pang shop ang sumunod naman namin ay ang penshop
Namili na ulit siya at kung ano ano pa ginawa namin. At nagenjoy kami dun sa mga ginawa. I'm so blessed to have a bestfriend like her
May ilang oras na kaming nasa mall kaya ng mag3:30 ng hapon umuwi na kami
"Tara na, uwi na tayo." Sabi ko sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/200303843-288-k905481.jpg)