Katelyn's POV
Nagising ako dahil nagulat ako ng may nagbukas ng pinto. Pero hindi kona tinignan kase baka hangin lang yun hindi ko kase naisara ang pinto ng maayos kanina. Paggising ko naupo agad ako sa gitna ng kama ko at pinunasan ang gilid ng labi ko. Tapos inamoy ko kung laway ba o ano
Tapos kinuha ko ang phone at hindi umalis sa puwesto ko. Habang nagcecellphone ako. May narinig akong magsalita. Nilingon ko
At paglingon ko sakto namang lingon nung lalaki sa labas sa nagsalita. Feeling ko si nay Ava yun "Sir, kakain na daw po." Sabi ni nay Ava
"Sige" Sagot lang ng lalaki. Pero hindi ko kilala ang boses niya. At sure ako na hindi si papa yun
Tapos pumasok si nay Ava "oh! Kakain na daw." Sabi ni nay ava
Ngumiti ako "busog pa po ako. Mamaya nalang po. Baba nalang po ako pagnagugutom ako!" Sagot ko
"Sige"
At lumabas na si nay Ava ng room ko. Ako naman ay naligo at pagkatapos kong naligo magbihis na ako at nagayos pa ng dapat kong ayusin sa sarili ko
Tinigna ko ang wall clock ko sa kwarto ko "quarter to one na?" Sabi ko. Pero hindi pa ako bumaba inayos kopa ang mga gamit ko para bukas. Bukas na kase ang pasukan namin
Ng maayos kona ang gamit ko bumaba na ako. Habang nasa hagdan pa ako napansin kong wala sila papa sa baba "Nay Ava, nasan po sila papa?" Takang tanong ko kay nay Ava
"Nasa garden sila kasama ang mga Mendoza!" Sabi ni manang
"Mga Mendoza po!"p pguulit ko sa sinabi niya. Ngumiti si nay Ava at tumango
"Edi ibig sabihin andito na si mokong." Bulong kong sabi sa sarili ko. At palihim na napangiti
Nagmadali akong lumabas at pumunta sa garden, may nakita akong lalaking nakatayo at nagsisigarilyo tapos may kausap sa cellphone
Lumapit ako ng unti "don't worry bro, hindi naman magtatagal ang relationship namin. Paglalaroan ko lang naman siya. At tyka I don't like girls, yes...... That's right.... Basta pag magbebreak na kami sasabihin ko sayo. Then i get another girl again. Pag sawa na ako bahala na siya. Yes..... I know....... I will stop breaking girls heart when I'm happy"sabi niya. What happened, Vin? Hindi ka naman ganyan dati. Nacucurious tuloy ako kung ano ang pinaggagawa mo sa states
At iend na niya ang call tapos humithit ng sigarilyo. Naramdaman niya ang presensiya ko at tumingin siya sakin natulala siya at nagsalita "K-kate, l-long time n-no see!" Nauutal niyang sabi
At hindi ako nagsalita wala akong kilalang Vin na ganyan ang ugali hindi na kita kilala ngayon. Nagbago nga ang itsura mo pati ang ugali mo. Nakukuha mong paglaruan ang mga babae, inaano kaba nila, inaano kaba namin?
Ng hindi ako magsalita napayuko nalang siya at ngumiti tapos tumingin siya sakin, seryoso ang tingin niya. At tinignan ko siya ng diretso sa mata, at tinigna ko ang hawak niyang sigarilyo
Kaya ang ginawa niya ay itinapon niya yun at nagsalita "Ah! Yun ba, pangpalipas oras ko lang yun, naiinip kase ako, eh!" Sabi niya. Hindi kona rin pinansin naiinis kase ako, eh! Pangpalipas oras pala. Hindi lang naman sigarilyo mo ang pangpalipas oras mo, eh. Pati mga babae
Hindi ko siya pinansin at aalis na sana papasok ng loob ng bahay kaso hinawakan niya ako sa braso at napalingon ako sa kanya "ano bang problema mo? Hindi kana nga sumama sa pagsundo sakin. Tapos ayaw mo pang mamasin?" Sigaw niya sa harap ng muka ko. Napapikit ako at huminga ng malalim
"Sino kaba?" Sabi ko sa kanya at napatigil siya. Para siyang ipinako sa kinatatayuan niya sa sinabi ko. At unti unti niyang binitawan ang braso ko
"Kitty ko!" Sabi niya at medyo na tatawa pa "ikaw, ah! Alam ko namang nagtatampo ka kase hindi ako tumatawag sayo ng nasa states ako. Pero andito naman na ako." Sabi niya at akmang hahawakan ang kamay ko. Pero bago pa niya mahawakan ang kamay ko tinabig kona agad ito
"Sorry, hindi talaga kita kilala!" Sabi ko at umalis na. Huminto ako sa may pinto at nilingon siya at nakita kong ikinuyom niya ang mga kamao niya. At ng tumingin ako sa labi niya bumulong siya at nagmura. Bago ako pumasok sa loob ng bahay huminga ako nga malalim. Tapos pumasok na sa loob at dumiretso sa kusina
Kumuha ako ng pagkain ko at umupo sa lamesahan at habang kumakain ako nanunuod ako ng k-drama. Tapos meron din akong libro na binabasa ko para yun sa mga ibang subject ko. Advance kase akong magisip
Maya maya pa ay pumasok na sila papa at mama, kasama sila tita at tito, syempre pati si Vin habang nakatingin ako sa kanila nakatingin lang sakin ng seryoso si Vin at parang kinabahan ako. Feeling ko tuloy may gusto siyang gawin sakin. Hayop na babaerong yun
Tinanggal kona ang tingin ko sa kanila at itinuon sa pagkain ko tapos nanuod na ulit ng k-drama sa cellphone ko.
"Oh! Si Kate naba to?" Tanong ni tita Camille mama ni Vin
Ngumiti lang ako "oo ang laki na no" Sabi ni mama
"Oo nga. Ang ganda pa!" Dagdag pa ni tito Vincent papa ni Vin
Natawa lang ako at hindi ako mapakali kase feeling ko may nakatingin sakin. Ng ilibot ko ang paningin ko nakita ko si Vin na nakatingin pa rin sakin. At ang sama pa. Ng matapos akong kumain inilagay ko sa kusina ang pinagkainan ko at inurongan kona din ito. Aakyat na sana ako ng magsalita si tito Vincent
"Oh! Aakyat kana ba? Ang aga pa, ah! Gusto mo sumama ka samin, maglilibot sa mall." Pagaaya ni tito Vincent
Umiling ako "Ahm! Wag na po may gagawin din po ako. Salamat nalang po" Sagot ko
"Sige, ikaw ang bahala!" Sabi ni tito
At nginitian kona lang sila at umakyat na, nanuod muna ako ng k-drama sa flat screen na TV ko sa sala ng kwarto ko. Ng matapos tinigna ko ang oras "3:00 na pala." Sabi ko sa sarili ko
Ilang oras din ang lumipas kung ano ano lang ang ginawa ko sa kwarto nagligpit, nanuod, kumain, magbihis ng pantulog at kung ano ano pa. Tinignan ko ulit ang wall clock ko 7:00 na gabi na pala sumilip ako sa bintana ko at ng sumilip ako kita dun ang pool side at ang garden, nakita ko si Vin na nakaupo sa gilid ng pool at nakababa ang mga paa niya sa pool
At maya maya pa tinawag na siya nila tita at bago siya makalagpas sa pool area tumingin siya sa kwarto ko dahilan para makita niya akong nakatingin sa kanya. Ngumiti lang siya sakin
Ako naman hindi kona siya pinansin at isinara ulit ang binta at nahiga na maya maya pa hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako
_larayxssss_
YOU ARE READING
A Playboy's Love |Complete| Book 1
Roman d'amourThe love that started with friendship