Katelyn's POV
Nagising ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko nakapikit kong kinuha ang cellphone ko. Ni hindi ko alam kung sino ba ang tumatawag sakin, sinagot ko ito
"H-hello. Kaaga aga" Sabi ko sa linya
"I'm s-sorry, did i wake you up?" Bigla akong napaupo ng marinig ang boses na yun medyo hindi pa ako sigurado kung siya nga. Kaya tinanggal ko ang cellphone sa tenga ko at tinignan ang screen Manloloko siya nga
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "A-anong kailangan mo, C-calvin?" Tang ina nanggilid nanaman ang luha ko. Iiyak nanaman ba ako? Oo aaminin ko na namimiss ko siya. Pero tang ina ayuko na, eh! Bat ba hindi mawala wala ang feelings ko sa kanya?
"Kate, let's meet please!" Pakiusap niya sa kabilang linya
"Madami pa akong gagawin kaya sorry hindi pwude"
"It's ok. Maghihintay ako kung kailan ka fre----" Hindi kona pinatapos ang sasabihin niya dahil pinatay kona agad ang tawag
Hindi kona narinig ang boses niya sabay sabay ng tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Habang umiiyak ako biglang nagvibrate ang phone ko
(I'm sorry, kung naabala kita. I miss you, and also i'm sorry for what i have done) from manloloko
Mas lalo akong naiyak sa text niya bat ba ayaw niya akong lubayan hindi ba niya alam na nasasaktan na ako. Sobrang sakit na, gusto kona siyang kalimutan pero hindi ko magawa. Ganun koba siya kamahal haa?! Ganun ba?
May kumatok sa kwarto ko kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko. Pumasok na siya si mama pala.
"Good morning" Nakangiting bati ni mama sakin"Good morning din po, mama" Pinilit kong ngumiti at nakangiti naman ako ng maayos
"Did you cry?" Tanong ni mama at umupo sa kama ko
Ngumiti ako. "No"
"Nga pala may bisita ka sa baba" Sabi ni mama
"Sige po" Umalis na din si mama at ako naman ay nag-ayos na pupunta kami sa company ngayon. May meeting at may presentation din, pag nagandahan ang sila sa presentation ni Stacy. Makakakuha siya ng mana kahit na 20M lang. Pero hindi ako papayag na mangyari yun
My Revenge Start Now
Bumaba na ako at naabutan ko si Drake na nakaupo sa sofa. "Good morning" Bati ko kay Drake
Ngumiti si Drake sakin "Good morning din"
Naupo kaming dalawa sa sofa at may inabot siya sakin na USB. "Eto na ang request mo" Nakangiti niyabg binigay sakin ang USB
Ngumiti ako. "Thank you"
"But I'll remind you. It's a fake video. I edit the video. Ang nakuha ko sa kaibigan niya ay isang making out scandal lang. She's kissing a guy. And it's not some sex, you know! I just edit the video with one of your dad's friend." Sabi ni Drake
Huninga ako ng malalim. "I know"
"Goodluck sayo" Nakangiting sabi ni Drake
"Thank you"
*Ff*
Nasa entrance na kami ni Drake ng company, naupo muna kami sa lobby at habang nakaupo kami. "Kate!!" Nanlaki ang mata ko sa nagsalita. Shit anong ginagawa niya dito? Ayuko siyang makita ayuko. Lupa kainin mona ako please ayuko!
Bigla akong tumayo at aalis na sana ng hilahin niya ang braso ko at bigla akong niyakap ng mahigpit. Pilit ko siyang tinutulak pero lalo lang humihigpit ang yakap niya. Nanggigilid na din ang luha ko. Ayuko ng ganto. Hindi ko kaya naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Pilit kong pinipigilan ang luha ko pero ayaw niyang papigil. Tinutulak ko siya ayaw niya talaga akong bitawan