Chapter - 49 Can You Forgive Me

172 7 0
                                    

Katelyn's POV

Ten minutes na akong andito sa starbucks pero wala pa rin ang kameet ko. Kainis naman napagtripan pa ata ako tinetext ko siya pero hindi siya nagrereply. Habang kinakalikot ko ang cellphone ko at medyo nakayuko ako

Nagulat ako ng may umupo sa harap ko inangat ko ang ulo ko at nag-init ang dugo ko sa nakita ko. Nanggigigil ako gusto ko siyang sampal sampalin at sabunutan siya ang tumawag sakin. Pero bakit? Anong motibo ng gagong to?

"Ikaw!"

"Yes, i want to talk to you" Sabi niya

"Bakit, Stacy?" Seryoso kong tanong sa kanya

"Alam kong hindi kapa tapos gumanti sakin alam ko din na anytime pwude mo kaming tanggalan ng sustento"
Sabi niya

"Buti alam mo yan" Sarcastic kong sagot sa kanya

"Etong sasabihin ko sayo kaya ko to gustong sabihin kase alam kong mali na ako. Hindi ko to ginagawa para pigilan ang pagtanggal mo ng sustento namin ni mama" Sabi niya

"Bakit mo to ginagawa, bakit ka nakipagkita sakin?" Tanong ko kay Stacy

"Patawadin mona si Calvin" Sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niya. "At bat ko naman yun gagawin?"

"Dahil wala siyang kasalanan ako lahat ang may gawa. Naalala mo nung first monthsary ninyo nung umalis siya ng maaga. Itinext ko siya nun na makipag kita sakin, tinatakot ko siya. At nung nagkita kami kumain kami at yung iniinom niyang wine nilagyan ko ng drugs." Sa sinabi niya na yun napakuyom ang kamao ko

"Dahil ang ininom niya ay drugs mabilis siyang nalasing dinala ko siya sa condo niya. At sinadya ko talaga na hindi isara ang pinto para makita mo gusto ko kayong sirain, Kate. Alam mo kung bakit? Kase naiinggit ako sayo, ewan ko kung bakit. Basta ang alam ko naiinggit lang ako sayo" Sabi niya nanggigilid na ang luha niya. Kapatid ko si Stacy at alam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Pero bakit siya umamin sa mga ginawa niya, bakit?

"Alam mo ba nagdadalawang isip ako nagawin yun, Kate. Pero nung aalis na ako hinila niya ako at alam mo ba ang sinabi niya ang sabi niya. 'Kate i love you'. Diba lahat nalang ikaw ang gusto, gusto ko lang naman na mapansin ako ni calv6in pati ni papa. Pero kahit anong gawin ko ikaw parin. Ano bang kulang sakin, ok naman ako diba? Maganda naman ako, diba? Pero kahit anong gawin ko ikaw pa rin ikaw at ikaw pa rin." Umiyak na siya siguro dapat itigil kona tong walang kuwentang paghihiganti ko

"Kaya that time kahit nagdadalawang isip pa ako tinuloy ko ang plano ko na sirain kayo. Tapos nagtagumpay ako nasira ko kayo dapat maging masaya ako diba?" Sabi niya at tumingin sakin tapos natawa siya, umiiyak na siya. "Pero ewan ba parang hindi ako masaya sa ginawa ko. Alam kong kahit napaghiwalay ko kayo, ikaw pa rin ang mahal niya." Sabi niya pinunasan niya ang luha niya at huminga ng malalim tapos ngumiti sakin

"Please forgive him, Kate" Sabi niya

"Pero pinagpustahan nila ako." Sabi ko

Tumawa siya. "Oo, tama ka. Pinagpustahan ka nila. Kaya ka niligawan ni Calvin dahil pinagpustahan ka lang nila. Pero mali ka. Ikaw ang first love ni Calvin, Kate. Ang mga kaibigan lang niya ang may gusto ng pustahan at ayaw niya yun hindi lang siya makatanggi sa mga kaibigan niya" Paglalahad niya so all this time ako pala yung mali

Dapat pala pinakinggan ko ang explanation ni Calvin edi sana hindi aabot sa ganto ang sitwasiyon. "Pero huli na, Stacy. Ipinagkasundo na ako sa iba at bukas aalis na kami pupunta na kami ng US at dun na titira" Sabi ko kay Stacy

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko natingin ako sa kanya at nakangiti siya sakin. "Kahit anong mangyari. Kahit dumating pa ang the big one. Hindi pa huli ang lahat, ipaglaban mo ang nararamdaman mo, Kate. Sundin mo ang puso mo kase magsisisi ka. Pagsinunod mo ang gusto ng iba at hindi yang puso mo" Sabi niya sakin ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko din ang kamay niya

"I'm sorry, Kate. For what i have done." Sabi niya

Ngumiti ako. "Magkapatid tayo at tayo lang ang magdadamayan sa huli." Sabi ko

"Can you forgive me?" Pag-uulit niyang tanong

"Hindi kapa man nagtatanong i already forgive you, Stacy" Nakangiti kong sabi sa kanya

Tumayo siya at naupo sa tabi ko tapos niyakap ako kaya niyakap ko din siya. "Sorry again, Kate" Sabi niya habang nakayakap sakin

"Sorry din, tstacy" Dabi ko, bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin

"Naiintindihan ko kung bakit mo yun ginawa" Sabi niya bumalik siya sa upuan niya. "Alam mo ngayon ko lang narealize na walang magandang maidudulot ang inggit. Tignan mo nga ang nangyari sakin." Dagdag pa niya

"Alam mo ako din may narealize ako ngayon"

"Ano naman yun, ha?"

"Narealize ko na wag magpapadala sa galit dahil yung galit na yun ang sisira sayo" Sabi ko nagtawanan kaming dalawa

"Sister goals!" Sabay naming sabi nagtawanan kami at umorder ng pagkain at sabay na kaming naglunch. Ang sarap sa feeling para akong nabunutan ng malaking tinik sa katawan ko

"So, aalis kapa ba?" Tanong ni Stacy sakin nakasakay na kami ngayon sa kotse ko at sasama daw siya pauwi sa bahay para magsorry kala papa

"We will see" Sagot ko

Nasa bahay na kami at pumasok kami ng bahay at huminto pa siya sa may pinto tapos humimga ng malalim. "Kaya mo yan." Sabi ko at tinapik siya sa likod. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko at magkaholding hands na kami ngayon

Sabay kaming naglakad papasok sa loob nakaupo sila papa at mama sa living room tumayo lang kami malapit sa sofa tumingin si mama samin pati si papa tumingin na din samin. Ng makita nila si Stacy nagkatinginan sila at sabay silang tumingin samin bumaba din ang tingin nila sa kamay naming magkahawak

Napahawak si mama sa bibig niya at umiyak. "Ang mga anak ko!" Sabi ni mama at tumakbo para yakapin kami ni Stacy. Ng mayakap kami ni Stacy niyakap din namin si mama pabalik

Narinig ko pang bumulong ni Stacy kay mama. "I'm sorry, tita Lynn" Bulong niya

"Una palang pinatawad na kita" Sabi ni mama kaya ngumiti si Stacy at nagtinginan kami sabay kaming ngumiti. Nanggigilid na ang luha ni Stacy

Humiwalay na si mama sa yakap namin tumingin si Stacy kay papa at tuluyan ng umiyak lumapit siya kay papa at niyakap. "I'm sorry, papa" Sabi niya

Niyakap siya pabalik ni papa. "Hindi ako galit sayo. May magulang bang nagagalit sa anak nila" Sabi ni papa at hinimas ang ulo ni sttacy

"Kahit hindi ka humingin ng tawad sakin, anak. Pinapatawad kita" Sabi ni papa sa kanya. Kaya lalong lumakas ang iyak ni Stacy

Habang nagdadrama sila dun sa living room nagpunta ako sa kusina at tinawagan si Kenzie. Nakapagdesisyon na ako. "Hello, Kenzie. I need your help for tomorrow"

_larayxssss_

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now