Katelyn's POV
6:30 na ng umaga kaya naupo na ako sa upuang nakaasign sakin para kumain. Nga pala katatapos ko lang maligo at magbihis. Pagkatapos kong kumain papasok na ako dahil maaga ang start ng clase namin
Dahil exam ngayon after ng two days na exam sem break na ayieeee. Natapos na akong kumain kaya mabilis akong hinatid ng driver namin sa gilid ng school tumakbo na ako papunta sa room ko. 7:24 na at 8:00 or 8:30 ang start ng class namin
Ng makarating agad ako sa room unang unang nakita ng mata ko ay sila Charming ng makita nila ako dali dali silang tumayo sa pagkakaupo nila at tumakbo papalapit sakin
"Kate!! We miss you!" Sigaw ni Vina
"Miss ko din kayo" Nakangiti kong sabi sa kanila
Naupo na kami sa upuan namin "so, ok kana ba? Baka naman mabinat ka naya, ah!" Nagaalalang sabi ni Charming
"Oo nga naman" Pagsangayon naman ni Ella
"Ano ba kayo guys, ok na ako" Nakangiti kong sabi
"So, maiba tayo ng usapan. What about Calvin" Pakindat kindat na suggest ni Charming
Natawa ako "fine, ikukuwento kona sa inyo"
Naupo sila ng maayos at inilagay nila ang dalawang kamay nila sa baba nila at kumalumbaba. Tapos nakinig ng maayos "yung parents namin ni Calvin magkaibigan. At business partner sila pati dito sa school. Sobrang close namin ni Calvin nung bata kami. Hindi kami mapaghiwalay, para nga daw kaming kambal tuko. Kung nasan ang isa andun din ang isa. Kaso umalis si Calvin, pinadala siya ng parents niya sa states dun siya pinagaral ng grade two at high school. Simula nun wala na kaming communications. Ngayon nalang siya nakabalik dito. At hindi na siya yung Calvin na kaibigan ko, kase ang laki ng pinagbago niya" Paglalahad ko sa kanila at tumatango tango lang sila
"Malay mo naman kahit ganun yung ugali niya may care pa din siya sayo" Sabi ni Charming, umiling ako
"Pailing iling kapa dyan bat nga nung na ospital ka ramdam kong nag-alala talaga siya sayo" Singit ni Vina
"Sana nga ganun yun, Vina. Or malay ninyo pakitang tao lang kase andun sila mama at papa" Sabi ko sa kanila napahampas si Ella sa table
"Ang nega mo!" Inis niyang sabi natawa nalang ako sa sinabi niya. Dumating na ang teacher namin ngayon kaya nagsitayusan na kami ng upo at nagdasal tapos nagstart ng magtest
Nag one sit apart kami ang nasa kanang gilid ko ay si Charming tapos sa kaliwang gilid ko ay si Vina naman. At ang nasa harap ko ay si Ella. Habang busy akong nagsasagot nagulat ako ng biglang may sumipa sakin, tumingin ako sa kanan ko
"Ano ang sagot sa number 10?" Bulong ni Charming natawa ako
"Perfect square root lang yan hindi mo pa alam" Bulong din na balik ko sa kanya
"Ano nga kase?" Kinakabahang sabi niya
"Alin ba dun kase?" Sabi ko sa kanya habang pabulong at palihim na tumitingin sa kanya
"Ano ang perfect square root ng 7 at 5?" Tanong ni Charming
"Ang perfect square root ng 7 ay 49 tapos ang perfect square root naman ng 5 ay 25" Sabi ko sa kanya nag-ok finger sign lang siya
"Yung mga mata ninyo gumagala pati yung leeg ninyo humahaba!" Biglang sabi ni maam kaya naman napatahimik ako at nagfocus sa test
Tapos na ang test sa math, english naman tapos na ang english, nagrecess na kami. Saglit lang ang recess kaya naman nagstart na ulit kaming magtest ang sunod naman na itinest namin ay literature, tapos technology
Nagbell na kaya it means uwian na, halfday lang kami ngayon kase test lang, bukas last na pasok nanamin kase sem break na. Lumabas na kami ng school nasa gilid na kami ng school ng may biglang tumawag sakin "Katee!!" Nilibot ko ang mata ko nakita ko si Drake na nakatayo sa likod namin
Lumapit siya samin nila Ella "hi! Ella"bati ni Drake kay Ella. Bagay talaga sila bat nga ba sila nagbreak
"Uuwi kana?" Tanong sakin ni Drake
Umiling ako "hindi pa. Gagala pa kami ng mga kaibigan ko"Sabi ko at biglang nagparinig si Vina
"Ehemm ehemm" Pagpaparining niya
"Hi! Ex" Natatawa tawang sabi ni Charming at tumingin kay Ella. Natawa naman si Drake sa kanya
"Ang pamuwisit mo noh!" Inis na sabi ni Ella
"Bakit? Guilty ka, my feelings paba?" Pag-iinis ni Vina
"Tama na tama na, wag ninyo ng inisin si Ella dahil magkaibigan nalang kami. Fast is fast, right Ella" Sabi ni Drake at tumingin kay Ella. Close na close sila
"Pero alam ninyong dalawa bagay talaga kayo, eh! Magbalikan nalang kaya kayo" Singit ko
"Oo nga!" Sabay na sabi ni Charming at Vina
"Sapak gusto ninyo!" Pairap na sabi ni Ella
"Sungit naman nato!!" Pabulong na sabi ni Charming. Pero rinig naman
"May sinasabi ka!"inis na wika ni Ella
"Wala, ah!"
Habang nagkukuwentuhan kami sa gilid ng school biglang dumating si Lindsey "hi! Guys" Masiglang bati ni Lindsey
"Oh! Hi! Drake" Bati niya ka Drake ng makita ito
"Hi! Lindsey" Drake said
"So, arat na gala!" Masiglang sabi ni Lindsey
"So, pwude ba akong sumamang gumala?" Tanong ni Drake
Nagtinginan kaming lima at nagtanguan "oo naman, tara." Sabi ko. Sumakay kami sa kotse niya at pumunta kami sa mall at nagpunta sa fan nation. Tapos bumili si Drake ng 200 pesos na token
Nag basketball kami at kung ano ano pa ang ingay namin para kaming mga bata na ngayon lang nakapaglaro nagpicture picture kami nagkantahan kami at higit sa lahat nagpustahan kami sa basketball syempre nanalo sila Charming kase kagroup nila si Drake
Nagsama sama kami ang kagroup ko si Lindsey at Vina ang kagroup naman ni Drake ay si Charming at Ella. Ang consequences pagnatalo ay bibili ng additional na token tig50 kami kaya 150 lahat ng token. Tapos kinuha nilang tatlo at pinamigay nila sa mga batang naglalaro. Talo daw kase kaming tatlo kaya ililibre namin ang mga bata
Dapat ang plano kaming tatlo ang manglilibre ng miryenda kaso sabi ni Drake siya nalang daw kase minsan lang daw siyang sumama samin kaya ang mga bata nalang daw ang ilibre namin ang unfair
Lumabas na kami ng fan nation habang naglalakad kami papunta sa restaurant kase lunch na. Parang nakita ko si Stacy at Calvin na papunta sa CR paliko sila kaya hindi ako sure, tapos side view lang ang nakita ko. Baka namalik mata lang ako
"Hey, are you ok?" Tanong ni Drake
"H-huh? A-ako?" Sabay turo ko sa sarili ko tumango si Drake "o-oo naman, bakit hindi ako magiging ok"
"Para ka kaseng nakakita ng multo, eh!" Natawa nalang ako sa sinabi niya
_larayxssss_