Chapter - 25 Two Family

238 7 0
                                    

Calvin's POV

"Cal, gising na. Andito na tayo" Sabi sakin ni mama sabay yugyog sakin

"Hmmm!"

"Andito na tayo" Paguulit ni mama

Dinilat ko ang mga mata ko at namangha ako sa nakita ko. Shitt nasa farm kami, ang tagal konang hindi nakapunta dito. Ang laki na ng pinagbago ng farm, yung dating bahay kubo ngayon mansion na

"Ma, seriously?" Nakangiti kong tanong kay mama. Dahil hindi pa din talaga ako makapaniwala

Tumingin sakin si mama at ngumiti "yes, my dear son"

Bumaba ako sa van sinundan si mama at si papa "ma, pa, sino kasama natin dito?" Tanong ko kala mama at papa

Hindi sila sumagot at pumasok na sa loob ng mansion "sila" Nagulat ako ng sabihin ni mama yun at nakita ko sila tita Lynn at tito Kyle na nakaupo sa sofa. Shitt kasama ko si Kate

"Hi! Tita Lynn and tito Kyle" Bati ko sa kanila at tumayo sa pagkakaupo sila tita at tito tapos lumapit sakin. Nagbeso kami ni tita Lynn at niyakap naman ako ni tito Kyle

"Ahm! Tita tito, si Kate po?" Tanong ko sa kanila

"Nasa kwarto ata Calvin" Sagot ni tita

*Ff*

Lunch na, tapos na ding kami kumain ng tanghalian pero hindi pa bumababa si Kate. Ano bang nangyayari dun? "Tita, kasama ninyo po ba talaga si Kate?" Makulit ko tanong

Tumingin sakin si tita at tumango tango "oo, Calvin. Baka nakatulog yun kaya hindi pa bumababa" Sagot ni tita

"Siguro nga po" Disappointed kong sabi

1:30 na hindi pa rin bumaba si Kate, ako nalang ang nasa baba. Dahil sila papa, mama, tito at tita ay naglibot dito sa farm. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan ang mga kaibigan ko. Pero walang signal

Buti nalang nakawifi kaya kahit papano makakapag facebook ako. Pero mabagal talaga. Habang nagfafacebook ako may narinig akong pababa ng hagdan ng tignan ko si Kate pala. Nagkukusot pa ng mata

Katelyn's POV

Nagising ako dahil tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Ella. Sinagot ko pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya putol putol. Dinilat ko ang mata ko at tinignan ang cellphone ko. Shity walang signal

Pinatay kona at tumayo ako sa pagkakahiga ko at nag punta sa balcony ng kwarto ko. Naginat-inat ako dun, habang naghihikab. Napunta ang tingin ko sa baba, bat tatlo ang van? Kanina dalawa lang yan, ah!

Sino ba kase kasama namin dito hay tinignan ko kung anong oras na napanganga ako sa nakita ko. It's already 1:40 in the afternoon. Nagmadali akong pumunta sa banyo at nagayos ayos ng pagmumuka ko at kung ano ano pa. Bat naman hindi ako ginising nila mama at papa

Lumabas na ako ng kwarto at dahan dahang bumababa ng hagdan, naghihikab pa ako. Grabe, i feel sleepy pa rin. Nag-inat nanaman

"How's your sleep?" Napatalon ako dahil sa gulat ko ng magsalit kung sino man ang hayo— "C-calvin" Nauutal kong sabi

"Hi!" Nakangiti niyang sabi

Ngumiti ako ng pilit "h-hi!" Hindi ako makapaniwala na andito siya

"So!" Sabi niya

"So, ano?" Sabi ko naman. Walang sumagot samin, shitt parehas kaming nahihiya sa isat isa

|*AWARDS SILENCE*|

"K-kumain kana nga lang" Nahihiya niyang sabi. Sabay kamot sa ulo. Kaya natawa naman ako. How cute!

Naupo ako sa upuan at nagulat ako ng ipagsandok niya ako ng pagkain. "h-hey, y-you don't need to do that" Sabi ko at akmang kukunin kona. Pero nilayo niya sakin

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now