Calvin's POV
May isang oras ng natutulog si, Kate. Grabe hindi pa rin bumababa ang lagnat niya. 40.27 pa rin ano ba kaseng nangyayari sa babaeng toh. Hindi naman siya sakitin. Haisttttt
Habang nakaupo ako sa sofa at nagcecellphone may kumatok at ang kasunod ng katok na yun ay ang pag bukas ng pinto
"Kukuhanan lang po namin siya ng dugo" Sabi ng nurse na babae na parang nasa 30s ang edad niya
Ngumiti ako at tumayo tapos tumabi kay Kate "sige po"
Ng makuhanan na ng dugo si Kate ay lumabas na ang nurse. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone niya
*kringkringkring*
Kinuha ko ang cellphone niya sa bag dinala pala ni tita Lynn yung cellphone niya kala ko hindi. By the way, yung tumatawag ay si Lindsey. Hindi ko sinagot ang tawag at pinatay ito
Maya maya pa ay nagtext siya
(Heyyyy, what happen basayo)
(I'm not Kate im Calvin. She's in the hospital)
(Oh my ghad, what happen to her?)
(Inaapoy siya ng lagnat at itinest yung dugo niya baka
daw may dengue)
(Ok, thank you calvin)After ng text inilagay kona sa bag ng mga damit niya ang cellphone niya at inayos ang kumot ni Kate "gumising kana please!!" Pakiusap ko sa kanya. Kahit hindi niya naririnig
Hindi kona namalayan ang oras sobrang bilis ng oras dumidilim na din kinuha ko ang cellphone ko sa sofa at tinignan ko ito "shitt!! It's already 5:56. Four minutes nalang nagsisix na"
Nagulat ako ng may humitak ng damit ko ng tignan ko si Kate pala "fuck! kagulat ka naman" Sabi ko at nangiti lang siya
"S-si m-mama?" Tanong niya
"May binili lang" Sagot ko at may kumatok tapos pumasok si doc
"Hi! Mr Mendoza. Yung test result para sa dengue niya ay baka bukas or sa isang araw pa makukuha" Sabi ni doc
Tumingin ako kay Kate at binaling kay doc ang tingin ko tumango ako "sige po doc, salamat" At lumabas na si doc
Kami nalang ni Kate ang andito lumapit ako sa kanya at hinatak ang upuan para makaupo ako sa gilid niya "what do you want to eat?" Tanong ko sa kanya
"Orange" Sabi niya
Kinuha ko ang orange pati yung apple binalatan ko ang orange at binigay sa kanya. Tinulungan ko din siya makaupo ng unti at binalatan din ang apple. Nilagay ko ang apple sa platito at inilagay malapit sa kanya. Naubos na niya ang orange at binigay ko ang apple. Pero umiling siya
"You need to eat this" Sabi ko iling lang siya ng iling
"Please!!" Pakiusap ko. Pero ayaw talaga niya
"Susubuan nalang kita" Sabi ko at tinignan niya ako ng masama at natawa naman ako
"C'mon, Kate. You need to eat this" Pagpipilit ko sa kanya
"W-wala akong panlas-sa" Sabi niya. Tinignan kona lang siya ng seryoso, shittt bat hindi ko naisip yun
Natawa ako ng bahagya "ahm! Sorry hindi ko alam" Sabi ko sa kanya ngumiti siya at tumango
Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si tita Lynn kaso bago ko pa madial ang number niya bumukas ang pinto at ang iniluwa nito ay si tita Lynn
"Oh! Calvin, gabi na uuwi kana ba?" Tanong sakin ni tita Lynn
"Ahm! Tita opo, eh! Babalik nalang po ako bukas. Hindi pa po alam nila mama yung nangyari kay Kate" Pagpapaliwanag ko kay tita
"Sige, hijo"
"Sige po"
Tinignan ko si Kate at saktong tumingin din siya sakin "uwi na ako, pagaling ka, ha!" Sabi ko at hinalikan siya sa noo
"Sige, s-salamat" Nakangiti niyang sabi
Lumabas na ako ng private room ni Kate at dumiretso na sa parking lot ng hospital. Tapos sumakay na ako sa kotse ko at nagmadaling umalis sa hospital
*Ff*
Nasa harap na ako ng gate ng bahay namin. At nagbusina ako para marinig nila lumabas si yaya at pinagbuksan ako ng gates
Bumababa ako ng kotse at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko sila mama at papa na nagdidinner "hi! Son, where have you been?" Tanong ni mama at tumayo sa pagkakaupo at nakipagbeso sakin
Naupo ako sa upuang nakaasign sakin at nagstart ng kumain "sa ospital po, ma." Sabi ko
"Bakit? Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ni mama
"Ma, not me"
"Then, who?" Tanong ni mama
"Si Kate po, ma" Sagot ko
"What happen to her?" Nag-aalalang tanong ni papa
"Inaapoy po ng lagnat, eh! Tapos po binangungot. Then nagdugo po ang ilong niya, tinest na po ng doctor yung blood niya. Baka daw po kase dengue" Pagpapaliwanag ko
"Sige, pupunta kami tomorrow afternoon" Sabi ni mama
"Sige po, sasabihin ko kay tita Lynn"
*Ff*
Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na din. Pagkaligo ko nagbihis na ako at nahiga na, hindi ako mapakali bakit kaya. Nakakainis naman. Bumababa ulit ako sa baba at umikot lang ako at umakyat ulit sa taas. Wala naman akong magawa nakakainis, gusto kong pumunta kay Kate kaso gabi na. Bawal na ang bumisita ngayon
Nahiga na ako at gumulong gulong, puta kakainis naman oh. Naiinip ako nagaalala ako kay, Kate. Baka bangungutin nanaman yun
Maya maya pa nakaramdam na ako ng hapdi ng mata ko at unti unti na rin akong nakatulog
_larayxssss_
YOU ARE READING
A Playboy's Love |Complete| Book 1
Любовные романыThe love that started with friendship