Katelyn's POV
It's been one year since nung muntik na akong umalis tapos si Calvin nagmakaawa sa parents ko na liligawan ulit ako. At siguro nagtataka kayo kung sino ang sumama papunta sa US wala iba ang nag-iisa kong kapatid na si Stacy
Nung araw na nagkabati kami ni Stacy dun siya natulog sa bahay magkatabi kami at nung umaga nung susunduin ako nila, Luke. Naglakas loob na akong magsalita kinausap ko sila na ayukong magpakasal kay Luke and also na mahal kopa si Calvin
Nung una ayaw pumayag ni tito Larry but in the end pumayag na din siya. Tapos sabi ni tito Larry na kailangan daw na may maipakasal ka Luke as soon as possible. Si Stacy naghahain sa lamesa ng umagahan ngayon napatingin si papa kay Stacy. Tapos nagtinginan kami lahat kay Stacy napansin naman niya yun
Tapos tinuro ang sarili niya nagtanguan kami lahat pumayag naman agad si Stacy. Tapos kinausap ni papa si tita Sarah at pumayag naman ito, nga pala bati na si mama at tita Sarah nagsorry din siya sakin. Walang problema ang pamilya namin buo na at wala ng kulang
Sumama ako papunta sa airport para ihatid sila tapos sinabihan ko si Kenzie na kausapin si Calvin. Sabihin na aalis ako at kung ano ano gusto ko kako na hanapin ako ni Calvin sa airport pati tuloy sila Ella akala umalis ako HAHAHA kaya nagsipuntahan din sila
After ng pangyayari sa airport isang linggo lang ang lumipas nagulat ako ng magpropose si Calvin sakin katulong niya sila mama tapos ang parents niya. Ang nangyari nun nasa loob ako ng bahay namin tapos sabi ni Calvin itatapon lang daw niya ang basura sa labas ng bahay ngayon si papa naman may kukunin daw siya garden. Tapos si tito Vincent naman may kukunin daw sa sasakyan nila
And then nagulat ako ng may biglang baril ang pumutok dalawang putok ang nangyari bigla akong kinabahan nun. Tapos bumalik si tito Vincent nakahawak sa braso niya nabaril daw siya kuno tapos si Calvin daw nabaril din kaya nailaglag ko ang cellphone ko at kumaripas ng takbo sa labas sila mama din tumakbo na
Ng makalabas ako nakita ko si Calvin nakahiga sa kalsada ang daming dugo ang dami na ding tao kinuha ko ang ulo niya at inihiga ko sa hita ko iyak na ako ng iyak. Tang ina bat ayaw nilang tumawag ng ambulance putang ina ninyo mamamatay yung boyfriend ko. Nagawa na ako ng ngawa tapos si mama hinawakan ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya at ngumiti siya sakin
Ng ibalik ko kay Calvin ang paningin ko nagulat ako ng wala na siya sa may hita ko ni hindi ko man lang naramdaman na tumayo siya. Tapos nagparinig siya sakin. "Ehemm!!"
Ng lingunin ko ang nasa harap ko nakaluhod siya sakin tapos nagpalakpakan na ang mga tao sa palingid namin. Pinatayo ako ni tita Camille at nginitianNakahawaka ko sa bibig ko at iyak ng iyak tapos si Calvin nakatingin lang sakin ng diretso. "Katelyn Gonzales, i know madami na tayong pinagdaanan sa buhay natin. Alam ko din na sobrang dami kong kagaguhan sa buhay ko. But still, i love you so much and you know it. Hindi ko kayang tignan na unti unti kang mawawala sakin, and i promise to you that i won't hurt you again, like what i did before, so please katelyn gonzales WILL YOU MARRY ME and stay by my side forever and ever?" Nakangiti niyang sabi sakin habang nakaluhod
Nagsisigawan na din yung mga kapit bahay naming chismosa na say yes say yes. Tapos nagpapalakpakan na sila
Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "Yes. I will marry you, Calvin Cal Mendoza" Sabi ko sa kanya at tumayo siya tapos isinuot sakin yung sing sing
Pagkasuot ng sing sing niyakap niya ako at bumulong sa tenga ko. " I love you" Bulong niya
"I love you too" Balik na bulong ko naman pinagdikit niya ang noo namin at naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa mga labi ko and i kiss him back
![](https://img.wattpad.com/cover/200303843-288-k905481.jpg)