Katelyn's POV
Nagising ako ng may kumatok sa kwarto ko dahan dahan akong tumayo at naglakad ng nakapikit para buksan ang pinto. Pag bukas ko ng pinto nagulat ako ng may biglang humalik sa mga labi ko
Nanlaki pa ang mata ko ng imulat ko ang mata ko si Calvin "Good morning, babe!" Masigla niyang sabi. Bat ng makita ko siya nawala lahat ng galit ko sa katawan. Parang mahalaga sakin ngayon na nandito siya sa tabi ko
"G-good morning din, babe." Nakangiti kong bati
"So, do you feel better?" Tanong niya
Ngumiti ako at tumango tango "of course, your here na, eh!" Nakangiti kong sabi. Oo na ako na ang marupok wala eh mahal ko eh kaya kabilis kong magpatawad
"Yieee, kinilig naman ako dun babe." Sabay tawa siya ng malakas at ginulo ang buhok ko "by the way, maligo kana baka malate pa tayo, okay!"
"Okay, boss!"
Mabilis akong naligo at nagbihis na pagkatapos bumaba na ako sa baba at naabutan ko si Calvin sa sofa na nagcecellphone at ng makita niya ako tinago niya ang cellphone niya
"Let's go" Sabi niya sakin at nilahad ang kamay niya
Tinignan ko ang kamay niya at kinuha ito "arat na"
Nasa school na kami at syempre hindi maiwasang hindi kami pagtinginan pumunta muna kami sa canteen at bumili si Calvin ng dalawang sandwiche at dalawang tubig para samin daw dalawa
Nakita din namin sila Stacy sa loob ng canteen pero hindi kona siya pinansin at baka mag away nanaman kami ni calvin dahil sa kanya. Umakyat kami sa room namin na nakaholding hands. Napanganga ang mga kaibigan ko ng makita kami at ang sama ng tingin sakin ni Ella si Vina at Charming naman ay napailing iling nalang kaya napayuko naman ako
Naupo na ako sa upuan ko at kinain ang binili ni Calvin tinignan ko ang mga kaibigan ko at iling lang sila ng iling sakin. Dumating na ang teacher namin sa first period namin at hindi naman siya nakapagturo ng maayos dahil lagi niyang pinagagalitan ang mga kaklase ko kase hikab sila ng hikab, nakakaantok kase siyang magturo
"Kate, tara na magrecess na tayo sa baba." Pagaaya sakin ni Vina
"Sige" Tumayo na ako pero bago pa ako makalabas ng pinto ng classroom namin ay biglang humarang si Stacy dito
"Problema mo?" Inis na tanong ni Ella. Kung hinahanap ninyo si Calvin sinama ni sir sa office kasama ang mga kaibigan niya dahil daw may iuutos sila kala Calvin
Nagulat kami ng biglang may bumunggo kay Stacy at napatawa kami ng si Lindsey pala "oh! Bat may kabit dito." Sabi ni Lindsey kaya naman nagtawanan kami
"Pwude ba hindi kayo ang hinahanap ko!" Iritang sabi niya at papasok na sana sa loob ng room kaso binunggo naman siya ni Ella
"Why? Guilty ba pagiging kabit mo?" Taas kilay na sabi ni Ella
"No! Never in my entire world!" Taas kilay ding sabi ni Stacy
"Sabagay, hindi talaga yan magiguilty kase nasa dugo na niya yun. At take note mana yan sa nanay niya kabit!" Nakangising sabi ni Vina. Eto naman ang gusto ko kay Vina prangka
Nagsalubong ang kikay ni Stacy "wag mong idamay ang nanay ko sa usapang to!" Galit na sigaw ni Stacy at sasampalin na sana niya si Vina pero nahawakan ko ang kamay niya
"Bakit hindi, parehas naman talaga kayong kabit ng nanay mo!" Taas kilay kong sabi at tinulak siya dahilan para matumba siya
Aalis na sana kami kaso biglang nagsalita si Charming "Ate girl! Nanghihina kana ang lamya muna. Tapos ang lampa mo pa!" Sabi ni Charming sabay tawa ng malakas kaya nagtawanan din kami. Madami na din ang nakatingin samin. Did you see that, nay Ava. Pinahiya ko siya. At paulit ulit ko yung gagawin hanggang wala na siyang muka na maipakita sakin at sa lahat. Muli ko siyang sinilayan at nagtama ang paningin namin ang sama ng tingin niya sakin. Ngumisi ako ng nakakabuwisit at bumulong sa kanya ng "Loser!"
Tapos na kaming magrecess at bumalik na sa room bago magsimula ang class lumapit sakin si Calvin at kinamusta ako. Maya maya pa nagbell na it means uwian na
"Babe!" Tawag sakin ni Calvin habang nag aayos ako ng gamit tinignan ko siya at nginitian ko siya lumapit siya sakin
"Tara muna kaya sa condo mo"
"Sige" Sagot ko. Tapos lumapit sakin ang mga kaibigan ko
"Kate, uwi na kami." Pagpapaalam ni Charming
"Pano si Lindsey?" Tanong ko sa kanila
"Kami na bahala dun!" Sigaw ni Vina at naglakad na sila kumaway pa sila maliban kay Ella. Sabi kase sakin ni Ella hindi daw niya kayang makipagplastikan sa harap ni Calvin baka daw kase mamura niya ito. Hay si Ella talaga kaya mahal na maha ko ang mga kaibigan ko
Nasa condo na kami at sabi ni Calvin maliligo daw muna siya at sabi ko naman sa kanya na bibili muna ako ng pangdinner namin bago pa ako makalabas ng kwarto biglang nagring ang cellphone niya
Ng tignan ko ang cellphone Erik is calling you nakalagay kinuha ko ang cellphone at sinigawan si Calvin "Babe! Babe! Babe, may tumatawag sayo!" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot
"Babe!!" Sigaw ko ulit
"Bakit?" Tanong niya
"May tumatawag sayo!"
"Sagutin mo nalang!" Sigaw niya at binuksan na ang shower at naligo ulit
Sinagot ko ang tawag at tinapat ko sa tenga ko hindi ako nagsalita at hinintay siyang magsalita "hello" bigla akong natuod sa kinatatayuan ko ng babae ang magsalita shitt
"Hello! Calvin, we need to meet tomorrow. Magdate tayo bukas. Maghapon kayong magkasama ng girlfriend mo. Hindi pwudeng puro siya, pano naman ako" Sabi ng babae sa kabilang linya. At napakunot ang noo ko ng marealiza na familiar ang boses niya. Right familiar nga. San koba narinig ang boses na to! Shit! Saan? Biglang nag flash sa isip ang boses ni Stacy
Sissy
Sissy
Sissy
Si Stacy hayop kayo. Bigla kong pinatay ang tawag at sunod sunod ng tumulo ang luha ko. Pero pinunasan ko iyo at bumili ng pagkain sa labas
Pagdating ko nakaupo siya sa living room ng condo ko at nagcecellphone hindi ko pinahalata na umiyak ako. Sa tamang panahon ko ibubuhos ang galit ko, not now! Gusto kong malaman ang totoo kung bakit ako niloloko ni Calvin
"Babe!" Tawag ko sa kanya at hinalikan ko siya sa labi mabilis lang. Nginitian ako ni Calvin at inakbayan
"Ihahain kona yan" Sabi niya sakin at kinuha ang binili kong isang bucket ng jollibee
Ng maayos na ang pagkain sa lamesa naupo na kami kumuha na kaming ng sariling kanin at chicken. Pero bago siya makasubo tinanong ko siya. Tignan ko kung ako ang isasagot niya sakin
"Babe, who's erik?" Tanong ko sa kanya napatingin siya sakin at napalunok
"H-huh? Si e-erik ba? He's friend of mine lang, babe." Sagot niya at ngumiti siya ng pilit
"Ganun ba, babe?"
"Oo, babe. Tara kain na tayo." Sabi niya at sabay na kaming kumain
Pagkatapos namin kumain natulog na kami dumilat ako at kita kong tulog na tulog si Calvin kinuha ko ang cellphone niya at kinuha ang number ni Erik este ni Stacying kabit
Sisirain kita Stacy katulad ng pagsira mo sakin. Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan ako "Hello, sundan mo bukas si Calvin Cal Mendoza at ang nanay ni Stacy, ha!" Sabi ko at pinatay na ang tawag. Pinagmasdan ko si Calvin, binago mo ako ng sobra
Kayang kaya konang manira ng buhay ngayon. Nasaktan ako Calvin at hindi ako papayag na hindi ka din masaktan at si Stacy. Ipagpapaparty ko kayo, pagsisisihan ninyo ang pangloloko ninyo sakin. Hindi ninyo alam ang kayang gawin ni Katelyn Gonzales
I'm starting the game now
Be ready Stacy Gonzales
Welcome to hell my beautifull sister_larayxssss_