Chapter - 23 He Likes Me

229 9 0
                                    

Katelyn's POV

Dumating na ang teacher namin at nagsimula na kami magtest. Habang nagsasagot kami hindi naiwasang mangopya ng iba

"Ehem! Tutusukin ko yang mga mata ninyo dyan!" Nagulat kami ng biglang sumigaw si maam

Napatingin kami kay maam tumayo at nag punta sa tatlong nagkokopyahan tapos kinuha ni maam ang mga test paper nila at nilukot. Hanep nagone sit apart na nga, eh. Ang gagaling ng mga mata

"S-sorry po m-maam h-hindi na po m-mauulit" Kinakabahang sabi ng kaklase kong babae

"Talagang hindi na mauulit, labas!!" Sigaw ni maam habang ang daliri ay nakaturo sa pintuan

"P-pero maa—" Hindi na nila natuloy ang sasabihin nila

"Ngayon na labas!!" Gigil na sabi ni maam

Lumabas na sila at nagbell na it means recess na namin palabas pa lang kami nila Ella sa pintuan ng may umakbay sakin. Ng iangat ko ang ulo ko, shittt bat biglang lumakas tibok ng puso ko

"Hi! Kitty ko" Nakangiting bati ni Calvin

"H-hi!" Nauutal kong sabi

"Ayiee, ang sweet lang" Nagulat ako ng bigla akong inisin ni Ella. Kaya tinanggal ko ang pagkakaakbay ni Calvin

"Baliw ka talaga, Ella" Pairap kong sabi sa kanya

Maglalakad na sana ako kaso biglang nagsalita si Calvin "sabay ako sa inyo, pwude ba?" Tanong niya samin

"Oo naman" Nakangiting sagot ni Charming

"Guyss!!" Napaigtag kami ng marinig ang napakalakas na sigaw ni Lindsey

"Ang ingay, ah!" Natatawa tawang sabi ni Vina

"Serry nemen pe" Maarteng sabi ni Lindsey

"Sasapakin ko toh. Ilayo ninyo sakin to!!" Pabirong sabi ni Ella

Kaya ang ginawa ni Charming hinila si Lindsey papalayo, natawa ako "Charming, tamana yan. Ang OA na natin" Sabi ko

Nagpunta na kami sa canteen at naghanap na ng puwesto. Si Calvin na ang umorder ng snack namin gusto daw niya. Edi hayaan. Nakaorder na si Calvin at naupo na kami habang kumakain kami tahimik lang walang gustong kumibo mga nahihiya siguro

Kaya ako na ang bumasag ng katahimikan "ehem! Calvin, tignan mo oh. Si Stacy" Pagbibiro kong sabi ng tumingin siya nanlaki ang mata niya

Kaya tumingin din ako shit andun nga si Stacy. Pero nagbibiro lang naman ako, eh! Nakita kami ni Stacy kaya napataas ang kilay niya

Lumapit siya sa table namin at hinampas ang table "oh! May higad dito pala dito. Katabi pa ng upuan ng boyfriend ko" Nakacross arms niyang sabi

"Tara na nga" Pag-aaya ko kala Ella. Tatayo na sana ako kaso bigla hinila ni Stacy ang buhok ko

"ANO!! BA!!" Sigaw ni Ella. Tapos biglang tinulak si Stacy. Kaya natumba si Stacy sa sahig. Natawa naman sila Vina

"Ayan, katangahan mo kase!" Pang iinis ni Lindsey

"What the heck! Stacy my friend!" Sigaw ni Amber at tinulungang makatayo si Stacy

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now