A Fresh But Annoying Start

4.5K 139 3
                                    

Aerin POV

Nakatulala habang nasa malayo naman ang aking isipan na nakahiga dito sa queen size bed ko sa loob ng aking kuwarto.

Habang ang mga mata ko ay mugto na sa kaiiyak at tila ba nawalan na rin ng pag-asang mabuhay. Bakit sa dinami rami ng taong pweding mawala sa mundo, bakit ang mga magulang ko pa? At ang masakit pa roon, bakit sabay pa silang kinuha at nawala sa akin?

Masyado ba akong nagkulang bilang anak nila at naging iresponsable? Dahil ba palagi ko silang sinusuway at hindi sinusunod? Dahil ba sa katigasan ng ulo ko kaya pinaranas sa akin ngayon ito ng mundo?

Why? Of all people.

Napaka perpekto nilang magulang para sa akin pero bakit hindi ko iyon nakita noon at pilit na binalewala lamang? They don't deserved it. Ako dapat. Ako nalang sana ang nawala.

Ngayon, papaano ko pamumunuan ang lahat ng negosyo, mga tao at ari-arian na kanilang naiwan? Kung sana noon pa lamang ay nakinig na ako sa kanila, hindi sana handa ako sa ganitong mga sitwasyon at pagkakataon.

Ang buhay ko ay hindi lamang isang normal buhay mayaman na katulad sa karamihan. Maraming kaakibat na responsibilidad ang dapat isa alang-alang na iniwan sa akin sina dad and mom.

Hindi lamang kami mayaman na iniisip ng iba. My family are one of the most powerful and influenced people here in the Philippines. Not just here but also in Europe.

Kami ang nag mamay ari ng isa sa mga Car Manufacturer dito sa bansa, ang Hamilton Automobile. Pag mamay ari rin namin ang ilan sa malalaking malls, na mayroong branches sa iba't ibang probinsya at lungsod ng bansa. And lastly, our biggest company, the Black hamilton whisky. Hindi lamang isang car manufacturer ang ipinapatakbo ng mga magulang ko, lalo na ng daddy, kung hindi pati narin iyon. Na mayroong branch sa Australia at Italy.

Kaya ganoon na lamang ang pagiging abala ng mga ito. Lumaki ako na wala sila palagi sa aking tabi. Nagpapasko at nagbabagong taon mag-isa na ang tanging kasa-kasama lamang palagi ay ang mga maid at bodyguards ko. Mga guwardya ng mansyon na nakapaikot rito.

Kapag birthday ko naman, hindi ko parin sila nakakasama. Wala pa akong natandaan na naging masaya ang kaarawan ko dahil kahit minsan, ay hindi naging buo ang aming pamilya. VIP treatment, money, expensive cars, clothes, shoes, jewelries and everything I want and I need. Lahat iyon. Meron ako. Lahat iyon, naranasan at naibibigay nila sa akin. Pero ang konting atensyon na bagay na gusto kong iparamdam nila sa akin sa kahit kokonting oras at panahon lamang ay paulit ulit nilang ipinagdamot sa akin.

Kapag uuwi man sila rito galing sa kanilang business trip or out of town meetings ay hindi ko parin sila nakakausap ng ganoon katagal. Hindi ko nga maalala na nagkakwentuhan kami ng masaya at umabot ng sampung minuto. Maging sa pagkain ng agahan, tanghalian o hapunan ay hindi kami nagkakasabay sabay.

Dahil doon ay lumayo ang loob ko sa kanila. Ako na mismo ang nagkusang, ilayo ang aking sarili sa kanila. Hindi ko na sinusunod ang ano mang sasabihin ng mga ito. Hindi ko na sila pinakinggan. Oo. Nag matigas ako. Pero kahit na ganoon, mahal ko sila. Umasa kasi ako na kapag ginawa ko iyon ay mapapalapit na ang mga ito sa akin. Pero...nagkamali ako. Hindi pala ganoon kadaling makuha ang mga bagay ginugusto natin. Lalo na at lahat ng desisyon na  gagawin natin ay may kaakibat na kapalit.

Ngayon...iniwan na nila ako. Gulong gulo at litong lito ang aking isipan dahil sa hindi malaman ang gagawin o kung saan ako magsisimula. I mean..anong alam ko sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo? Anong alam ko sa pamumuno ng kanilang mga tao? Lalo na at alam ko na ang karamihan sa kanila ay umaasa na ngayon sa akin. They are now expecting me as their new leader and boss. How can I lead them kung ako mismo, hindi ko alam ang gagawin?

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon