Ghosting

1.7K 63 6
                                    

Aerin POV


Nagising ako kinabukasan ng wala na si Billy sa aking tabi. Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng aking dibdib, hindi ko maintindihan pero ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Siguro dahil sa nangyari kagabi.

Napabuga ako ng hangin sa ere bago nagpasya ng bumangon at bumaba na rin sa kusina dahil medyo kumakalam na ang sikmura ko.

Hindi na rin ako nag-abala pang hanapin ang mommy ni Billy dahil alam kong maaga itong nagbiyahe papunta sa kanilang Rancho sa Tagaytay. Noong minsan kasi kaming nagkakwentuhan nito ay nabanggit niya sa akin na mayroon silang inaalagaan na mga kabayo roon. At madalas din na dayuhin iyon ng mga turista, ngunit medyo private nga lang ang lugar.

Soon, kapag hindi na magulo ang buhay ko at kapag malaya na akong makakapag lakad sa labas ay mapupuntahan ko rin ang lugar na sinasabi ng mommy nito. Napangiti ako ng maisip ko ang bagay na iyon.

Pagdating sa kusina ay sandali pa akong nagulat nang naabutan ko si Billy roon habang kumakain. Kaagad na nagtama ang aming paningin. Ngumiti ako rito bago masayang naglakad papalapit sa kanya.

"Good morning!" Masiglang pagbati ko rito.

Akmang hahawakan ko na sana ito sa kanyang balikat habang naka upo, nang siya namang pagtayo nito at walang sabi na tinalikuran na ako. Lumapit ito sa sink at inilapag doon ang kanyang pinagkainan na pinggan.

Napakunot ang aking noo habang nakatingin at pinanonood ang kanyang mga kilos. Is she mad at me?

Magsasalita na sana akong muli ng naglakad na ito papalayo. Ay? Dedma talaga? Hindi man lamang ako kinausap.

"Tss! May dalaw siguro yun." Bubulong-bulong ko sa sarili. Hayaan na nga!

-----

Lumipas pa ang isa, hanggang dalawang araw ng hindi parin ako pinapansin ni Billy. I still wondering why and what did I do wrong? She kept avoiding me. Medyo naiinis na rin ako dahil dati naman sinasalubong pa ako ng mga ngiti nito pero ngayon, kahit sulyap hindi nito magawa sa akin.

Palagi rin itong nawawala tapos gabi na kung umuwi. Medyo nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin. I mean, kung may problema sana sabihin niya sa akin, hindi ba?

Hindi ko tuloy alam kung may nagawa ba akong mali? May nasabing hindi dapat at ikinagalit niya sa akin or whatever!

Napahawak ako sa aking noo bago nangalumbaba habang nakapatong ang aking siko sa ibabaw ng lamesa. Napangiti ako sa sarili ng makita ko si Billy habang pababa ng hagdaan bago ito naupo sa pahabang sofa sa sala na natatanaw ko mula dito sa may kusina ng bahay ng kanyang mommy.

Isang buga ng hangin sa ere ang aking ginawa bago tuluyang naglakad papalapit dito. Nagbabasa ito ng dyaryo ng makarating ako sa kanyang harapan. Pinilit ko ang sarili na mangiti bago naupo at tumabi sa kanya.

Napatikhim ako dahilan upang ibaba nito ang binabasang dyaryo. Muling itiniklop niya iyon at ibinalik sa ibabaw ng glass table na nasa aming harapan.

Napahinga ito ng malalim nang bigla namang tumunog ang cellphone nito. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng kanyang jacket at kaagad na sinagot ang tawag. Ngunit bago pa man niya iyon tuluyang masagot ay sandali ko pa na nakita ang pangalan ng caller sa screen ng kanyang cellphone.

'Kristen'

Iyon ang pangalan na naka save sa kanyang telepono. Napalunok ako, it's a girl name, right? I'm not stupid para hindi malaman na ang ganoong pangalan ay para sa babae.

Hindi ito tumayo o naglakad para sagutin ang tawag. Sa halip ay nanatili lamang ito sa kanyang kinauupuan, sa aking tabi.

"Yes?" Malamig ang boses na sagot nito sa kanyang kausap.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon