Where Are You Aerin?

2.8K 69 10
                                    

Billy POV


"Billy pwede ba maupo kana muna?" Saway ni Lucas sa akin habang tinitignan ako ng masama. "Please, just calm down." Dagdag pa nito bago napahinga ng malalim.

"Calm down?" Mabilis na sagot ko sa sinabi nito bago na patingin sa kanya ng matalim.

"Lucas paano ako kakalma kung hanggang ngayon hindi pa natin alam kung nasaan si Aerin?! Ni hindi ko alam kung sino ang dumakip o kumuha sa girlfriend ko. Ngayon, sabihin mo nga sa akin kung paano ako kakalma?! Huh?!"

Kanina pa kasi ako pabalik balik sa paglakad at pumaparoon at parito, talagang hindi mapakali magmula noong tumakbo si Aerin papunta sa may kabilang banda ng isla. Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari.

Alam kong sobra itong nagulat dahil sa kanyang nagawa. Maging kami ni Lucas ay nabigla rin sa ginawa niya. Lahat kami ay hindi inaasahan na magagawa iyon ni Aerin kay Mang William. Hindi ko mapigilan ang hindi muling makaramdam ng galit sa tuwing maiisip ko ang taong iyon. Because of him, I lost her! And now, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

Alam kong higit sa lahat, kailangan ako nito ngayon. Alam kong natatakot iyon sa mga sandaling ito. And I silently prayed na sana ay wala namang masamang gawin sa kanyana ang kung sino mang kumuha sa kanya. Dahil kung hindi, pagbabayaran nila ang gagawin nilang hindi maganda sa babaeng mahal ko. Pagsisisihan nilang nabuhay sila sa mundo.

"Hayaan mong ako muna ang hahanap sa kanya. At kapag may balita na ako, sasabihin ko agad sayo." Sabi nito bago napatayo na sana at hadna na sa pag-alis ng pigilan ko siya.

"Sasama ako." Matigas na sabi ko rito. "Lucas, hindi pupwede na wala akong gagawin at maghihintay na lang sa gagawin mo. She's my responsibility, so please...let me help you to find her." Pakiusap ko rito.

Muli itong napahinga ng malalim at napatango. "Okay." Simpleng sagot nito sa akin bago tumalikod na. Ako naman, agad na sumunod din sa kanya at sabay na muling sumakay sa sasakyan papunta sa kung saan namin pweding matagpuan si Aerin.

---------

Isang araw na ang nakalipas simula ng mawala si Aerin pero hanggang ngayon wala parin kaming ma trace na balita kung nasaan na nga ba ito o kung sino ang mga kumuha sa kanya.

Kaya naman, nagpasya kami ni Lucas naghiwalay na muna upang mas madali namin itong mahanap. Hindi na rin ako nagsama ng kahit na sinong kasamahan dahil mas gusto ko ang maglakad ng mag-isa kaysa ang may kasama.

Muli kong binalikan ang lugar kung saan ito tumakbo, sa kabilang bahagi ng isla. Muli kong nakita ang iilang mga bakas ng paa na nandodoon parin hanggang ngayon sa buhangin.

Iginala ko pa ang aking mga mata sa paligid, napakunot ang aking noo at dahan-dahan na napayuko upang kunin ang aking assassin knife nang maramdaman na mayroong nanonood sa akin sa paligid at kaagad na nagkubli sa isang punong kahoy sa may hindi kalayuan mula sa aking kinatatayuan.

Mabilis na inihagis ko ang hawak na kutsilyo at pinatamaan ito sa kanyang binti kung saan hindi nito masyadong naikuble sa kanyang pinagtataguan.

Isang himpit na ungol ang nadinig ko pagkatapos at awtomatikong nilapitan ito at at pinaputukan ng hawak ko na baril sa kanyang kanang kamay na mayroon ding hawak na baril na balak na iputok din sana sa akin.

"Asshole!" Nang gigigil na sabi ko rito bago tinadyakan ng dalawang beses sa kanyang sikmura.

Yumuko ako at hinawakan ito sa kanyang collar. "Where's Aerin?" Galit na tanong ko rito bago ito muling sinuktok sa kanyang mukha.

Napa ubo ito bago napangisi pa at nailing. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo!" Matigas na sambit nito.

"Hindi mo alam ha." Wika ko bago ito hinawakan sa kanyang paa kung saan nandoon pa ang kutsilyo at nakabaon sa kanyang binti.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon