Cold-Shoulder

1.7K 73 33
                                    

Aerin POV




It has been weeks since Billy left without saying any goodbye. At sa mga linggo na iyon ay wala na naman akong ibang ginawa kung hindi ang magmukmok sa loob ng mansyon.

I really felt like unhappy without her by my side. Para bang unti-unti akong nadudurog. Hindi naman dapat hindi ba? Isa pa, hindi naman talaga niya ako gusto at ako lang ang paulit-ulit na ipinagsisiksikan ang sarili sa kanya.

Kaya lang kasi, umasa ako na siya ang taong poprotekta sa akin bukod kay Lucas. Siya iyong tao na inasahan kong magtatanggol sa akin kahit na gaano pa kahirap at ka komplikado ang maging sitwasyon.

She even gave her own life to save me that night. Iyong gabi na halos mamatay na kaming dalawa. 'Yong gabi na natamaan pa ito ng bala ng baril para lamang maprotektahan ako.

That night, kitang kita ko sa kanyang mga mata kung gaano ito ka determinadong protektahan ako. Iyong tipong hindi ito natatakot na ibigay ang sarili nitong buhay para sa akin, huwag lamang akong mapahamak. Dahil doon, naramdaman ko na pinahalagahan ako nito sa sandaling panahon.

Pero...bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin. Hanggang ngayon, hindi ko parin kayang tanggapin ang mga sinabi nito sa akin. Kahit na gaano pa kasakit ang mga salitang binitiwan nito noong araw na iyon, nararamdaman ko na may mali talaga. Maybe those things that I need to figure out by my own  Alam kong, babalik muli si Billy at ipagpapatuloy nito ang kanyang trabaho bilang bodyguard ko.

Pagkatapos kong mag-isip at magmuni muni ay nagpasya ako na lumabas ng mansyon at nag tungo sa aking tree house. Mas gusto ko na doon matulog ngayong gabi kaysa sa aking kwarto. Sobrang nasusuffocate ako sa loob dahil sa sobrang kalungkutan.

-----

Habang papunta sa tree house ay nadatnan ko pa si Lucas na abala sa pakikipag-usap sa iilang guards na nandoon. Medyo nagtataka rin ako dahil parang komonti iyong mga guwardya sa mansyon. Hindi ko rin namamataan pa si Mang William ngayon. Siguro dahil masyado itong abala sa mga naging kaganapan sa mga nangyari sa akin noong mga nakaraang araw. At masyado rin akong abala sa sarili kong problema.

Pagdating sa taas ay kaagad na nahiga ako sa kama kung saan una kong nakatabi sa pagtulog si Billy. Napayakap ako ng mahigpit sa unan bago ito inamoy pa, kahit na hindi ko naman ito naaamoy mula roon.

I'm so vulnerable right now, because of her..

Pilit na ipinikit ko ang aking mga mata upang makatulog na. Ngunit kaagad din na muling napamulat nang may napansin ako na hindi lamang ako nag-iisa at mayroong ibang tao sa loob ng aking tree house.

"W-who's that?" Medyo kinakabahan na tanong ko rito. Hindi ko kasi makita ang kanyang mukha dahil sa madilim ang paligid at nakapatay ang ilaw.

Lalo pa akong kinabahan noong maaninag ko na nakatayo lamang ito sa aking harapan malapit sa pintuan.

Napalunok ako. Alam ko kasi na kapag sumigaw ako eh pweding pwede ako nitong patayin kaagad, kung ako man ang dahilan kung bakit siya nandito.

Humakbang ako papalapit sa pintuan kung nasaan ito nakatayo, habang siya naman ay humakbang papalayo sa pintuan. Dahil doon ay mabilis na nahanap ko ang switch ng ilaw at kaagad na ini-on iyon.

Nanlalamig ang buong katawan nang makita ko kung sino ang nasa aking harapan ngayon. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at kulang nalang eh kumawala ito mula sa loob ng aking dibdib.

"B-billy!" Tila ba nabututan ako ng tinik sa aking dibdib ng makita ko ito na nasa aking harapan ngayon. After a weeks na hindi ko ito nakita, ngayon, masaya akong nasa harapan ko siyang muli.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon