Hatred

1.9K 70 5
                                    

Aerin POV



Gabi na, pero hindi pa rin nakakabalik si Billy simula noong umalis ito. Ang sabi lang naman niya may kailangan lang siyang puntahan pero hanggang ngayon hindi parin ito nakakauwi.

Naligaw ba siya? O baka naman ibang BAGAY ang inasikaso. Hmp!

Sinabi nito kanina na hindi pa kami pupweding bumalik sa mansyon hanggat hindi nito nasesegurado na safe na ako. Hindi kaya bumalik ito sa mansyon?

Kanina pa ako hindi mapakali eh. Ewan ko ba, bakit bigla na lamang din ako nakaramdam ng kaba. Wala naman sanang nangyaring masama sa kanya.

Muli akong napa tingin sa bedside table kung saan nakalagay ang orasan. Mag-aalas onse na ng gabi pero hanggang ngayon, wala parin akong balita rito. Gustuhin ko man itong tawagan, hindi ko magawa dahil hindi ko naman dala ang aking cellphone na naiwan ko pa yata sa mansyon, noong gabi na nagmamadali kaming umalis.

Kanina pa rin mahimbing na natutulog ang kanyang mommy. Pero ako? Heto, dilat na dilat pa ang mga mata dahil sa hindi parin dinadalaw ng antok.

Habang naghihintay kay Billy ay naisipan kong buksan ang isang photo album na nandoon sa ibabaw ng kanyang bedside table.

Marahan ko itong kinuha at binuklat upang tignan ang mga larawan na nasa loob.

Awtomatikong gumuhit ang mga ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang napa ka cute nitong mukha noong bata pa lamang siya. May hawak pa itong lollipop habang masayang naka ngiti.

Sa tingin ko ay nasa pito hanggang walong taong gulang lamang siya noong kinuha ang litrato na iyon. Napatingin ako sa mukha ng lalaki na kanyang katabi at masaya rin na nakangiti. Iyong para bang ang saya saya lang nila noon.

Doon ko lamang napansin na, hawig ni Billy ang lahat ng meron sa mukha nito. Magmula sa kanyang mga mata, matangos na ilong, sa labi at maging sa pag ngiti nito ay parehas na parehas sila. Animo'y isang bunga na hinati lamang sa dalawa ang kanilang mukha.

Maybe, he is her father. Right? Pero, bakit hindi ko pa yata nakikita ito? Hindi na ba sila nagsasama ng kanyang ina o nasa malayo lamang ito. Maraming katanungan ang unti-unting nabubuo sa aking isipan.

Hindi naman kasi nagkukwento si Billy sa akin eh. Isa pa, ayoko naman na ako ang tanong ng tanong, ano? Dahil alam ko parin naman ang privacy ng isang tao. At inirerespeto ko iyon.

Dahil kung gusto nitong magkwento ay siya ang magkukusa 'non, not because I ask her, but beacuse she want to. Pero minsan, masarap din sa pakiramdam ang nagkukusa ang isang tao ng hindi mo na kailangang magtanong pa sa kanya. Hindi ba? Patunay lamang iyon na, she wanted to open up to you and want to share her life with you.

Kaya maghihintay na lamang siguro ako na dumating ang tamang araw na iyon para sa amin ni Billy. We are still in the process. Alam kong darating at darating din kami sa bagay na iyon.

Nang matapos kong matignan ang lahat ng litrato na nasa loob ng album ay maingat ko rin ito na muling ibinalik sa ibabaw ng lamesa.

Napapakunot na lamang ako ng aking noo, dahil  mula sa first page hanggang last page ay puro litrato lamang iyon ng kanyang ama kung saan kasama siya.

Well, maaring namimiss niya lamang iyon. Tama? Baka nga marahil tama ako ng hinala na nasa malayo lamang iyon.

Napahikab ako pagkatapos kaya naisipan ko ng patayin ang ilaw at matulog na. 

Darating din naman siguro iyon. Sabi ko sa loob ko. At sana naman ay safe itong makakabalik dito.

Pabalik pa lamang sana ako sa ibabaw ng kama ng halos kamuntikan na akong mahimatay sa sobrang gulat.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon