Drunk Kiss

3.9K 134 24
                                    

Aerin POV


"Where are we going?" Nagtataka na tanong nito sa akin habang naglalakad kami papunta sa likod ng mansyon.

Buhat buhat din nito ang isang box na naglalaman ng mga beers in can.

"To my favourite place." Nakangiting sabi ko rito na tila ba nag nining-ning pa ang mga mata.

"Favourite place, huh?" Mapang-asar na sabi nito sa akin.

"Yup." Kaagad na sagot ko rito. "Taraaaan!" Masayang pagbanggit ko rito habang parehong nakadipa pa ang mga kamay sa ere.

Kunot noo at may pagtataka parin itong naka tingin lamang sa mukha ko. Ikinampay ko ang kamay sa ere bago napatingala sa itaas.

"Ang hina naman ng utak mo." Sabi ko rito bago napa irap.

Nailing lamang ito sa akin bago napatawa. "I am not stupid Aerin. I know what you're talking about. You want to show me your tree house." At siya na naman ang napairap this time.

"Seriously?! How did you know that" Pagtataka na tanong ko rito. Nakakapagtaka lang kasi, pati ba naman iyon alam din niya? Talaga bang lahat nalang alam na nito tungkol sa buhay ko?

Nagkibit balikat lamang ito. "I don't know. I just knew about it." Pagkatapos ay nauna ng umakyat sa hagdanan ko paakyat sa aking tree house. Kaagad ko rin naman itong sinundan pagkatapos.

Hindi na ako magtataka. Malamang sa malamang, lahat ng bagay tungkol sa akin at sa pamilya ko ay talagang pag-aaralan nito bago pa man siya pumasok sa kanyang trabaho.

Ito kasi ang paborito kong lugar noon. Kapag walang wala na akong mapuntahan. Kapag alam kong hindi ako naiintindihan ng mga magulang ko pati na rin ng mga taong nasa paligid ko, ito ang tinatakbuhan at pinupuntahan ko.

Kapag nagtatampo ako sa mga magulang ko noon. Alam nila kung saan ako hahanapin kapag nawawala ako. Hanggang ngayon. Ito parin ang paborito kong lugar dito sa buong mansyon.

Pagdating namin pareho sa taas, sa loob ng tree house ay kaagad na hinanap nito ang switch ng ilaw. Habang ako naman ay pinanonood lamang ito sa kanyang mga ginagawa.

"What?" Tanong nito sa akin. "Stop looking at me like that." Dagdag pa niya bago ito naupo sa silya na nandoon.

Mayroon ding kama sa loob na ang kakasya lamang ay isang tao. Noong maliit pa lamang kasi ako, dito talaga ako natutulog kapag alam kong masama parin ang loob ko sa mga magulang ko. At hindi ako bumababa hanggat hindi pa ito muling umaalis papunta sa kung saan naman silang bansa dapat pumunta.

At isang maliit na lamesa at dalawang upuan sa magkabilaan nito sa sumakto naman para sa aming dalawa. Dahil dati rin, kapag ganoong ayaw kong bumaba, ang mga maid na ang pumupunta dito mismo para hatiran ako ng makakain. Sila na rin mismo ang naglagay ng lamesa na iyon dito at mga silya para sa akin. At hanggang ngayon nga ay nandidito parin ang mga ito.

"I'm sorry. I've already been here the first day I came here in the mansion." Paliwanag pa niya. Hindi ko naman siya tinatanong.

Hinila ko ang isang silya na nasa harapan nito kung saan siya nakaupo. Pagkatapos ay tahimik na napaupo lamang din ako rito habang may nakakalokong ngiti sa aking mga labi. "Can I ask you something?" Diretsahang tanong ko sa kanya.

Napatango ito. "Are you...really stalking me?"

Isang malutong natawa ang pinakawalan nito pagkatapos kong itanong sa kanya ang bagay na iyon. Napapahawak pa ito sa kanyang dibdib. "Oh, my heart Aerin." Wika nito pagkatapos tumawa. "Are you fcking serious?"

"No. Wag ka masyadong assuming Billy. I'm just only asking you. Nagjojoke lang ako." Napairap na sabi ko rito. "Nandito tayo para uminom. Para makalimutan mo na yang pagiging broken hearted mo. Kaya simulan na natin." Sabi ko sa kanya bago binuksan ang buhat buhat nitong box kanina na punong puno ng beers.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon