Black Rose

1.8K 69 6
                                    

Aerin POV



Simula noong araw na nag kaaminan kami ni Billy ng nararamdaman sa isa't isa ay wala ng palya ang aming tawagan at text sa tuwing hindi kami nito magkasama.

Minsan inaabot na kami ng madaling araw sa pag-uusap lamang sa telepono. Iyong tipong kahit antok na antok na kami, pinipilit parin namin na gisingin ang aming mga sarili huwag lamang matulugan ang isa't isa.

Pero kung minsan naman, may mga araw ito na hindi ko macontact. Iyon bang isang araw, hanggang dalawang araw itong hindi magpaparamdam sa akin. Pero kapag ka ganoon ang nangyayari, kaagad na bumabawi rin naman ito sa akin.

Dahil rin sa kanya, marunong na akong magluto ng tama. Iyong hindi na sunog at hilaw. Naaalala ko pa noong unang beses ko itong lutuan kasama ang kanyang mommy, akala ko noon sarap na sarap talaga siya sa luto ko...pero noong natikman ko na iyon, pati yata ako nasuka at sumakit din ang tiyan dahil sa niluto ko. Ang panget ng lasa!

Sa mga araw na hindi ko ito nakokontak o maging nakakausap ay wala akong ibang ginagawa noon kung hindi ang magluto at mag-aral pa ng maraming putahi mula sa youtube. Isa pa, wala naman akong ibang maaasahan dito sa islang ito na magluluto para sa akin kung hindi ang sarili ko. Wala kasing chef dito, hindi katulad sa nakasanayan ko sa mansyon na mayroong sariling chef. At araw-araw ay iba iba ang inihahandang pagkain sa lamesa.

Masyado namang abala si Lucas sa trabaho para lamang ipagluto pa ako, hindi ba?

Nakakahiya naman kasi kay Billy. Hindi na nga ako iyong tipo niyang babae, hindi pa ako marunong magluto. Syempre dapat maging wife material din ako 'no? Iyon bang kapag pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya eh' yong mapapahanga ko talaga sila. Hindi dahil sa isa akong Hamilton, kung hindi dahil may mga kakayanan din ako, na kayang ipagmalaki sa kanila.

At ngayon nga, first monthsary na naming dalawa. Wala na yatang mas isasaya pa sa pakiramdam na maging kayo ng babaeng pinagpapantasyahan mo. Iyong ka una-unahang babae na niligawan ko sa tanang buhay ko, ngayon ay girlfriend ko na.

Hindi ko maitago ang malawak na ngiti habang naka sakay sa aking lambo papunta sa lugat kung saan kami dapat magkikita ngayon ni Billy. Si Lucas ang nagmamaneho ng sasakyan dahil gusto lang daw nito na masiguradong buhay akong makakarating kay Billy mula sa isla.

"Ang lawak ng ngito ha. Hindi ka rin naman excited, eh ano?" Panunukso nito sa akin bago nagpalipat lipat ang kanyang mga mata mula sa akin at sa aming dinadaanan.

Napakagat ako sa aking labi ngunit napapairap namang napatingin sa kanya habang nagmamaneho.

"Of course! Ngayon lang ako makakapag celebrate ng normal na date kasama ang girlfrienda ko 'no?" Pagmamayabang ko naman sa kanya.

Natawa lamang ito sa sinabi ko bago napailing ng ilang beses. "I didn't see you like that before." Komento pa nito.

Napakunot ang noo ko. "What do you mean?" Agad na tanong ko rito bago napatingin na rin sa unahan.

"I'm happy for you, Aerin. There's something glow in your eyes now. And your smile...it's full of happiness and pure of joy." Napalunok ako bago muling ibinaling ang tingin sa kanya.

"Thank you Lucas." Nakangiting sabi ko rito. "Kung hindi dahil sayo, hindi ko makikilala si Billy. Hindi mo ako makikitang ganito ka saya ngayon."

Tama naman ako hindi ba? Dahil kay Lucas, mas nakilala ko ng lubusan ang babaeng nagligtas sa buhay ko noong una pa lamang. Noong mga panahong hindi ko pa ito nakikilala. At si Lucas, siya ang naging daan upang pagtagpuin kaming muli at mas pag lapitin ng tadhana.

Isang gawad na ngiti lamang ang ibinigay nito sa akin, ini-extend nito ang kanyang kanang kamay upang abutin ang aking ulo bago ginulo ang buhok ko.

"You're always welcome Aerin. Always remember that, I will do everything for you lil' sis." Matamis na wika nito sa akin. Pagkatapos ay muli kaming binalot ng nakaka bingi na katahimikan hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.


HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon