Aerin's Birthday

1.9K 65 1
                                    

Aerin POV



Ngayong araw na ito, mukhang walang pinagkaiba sa mga nakaraang araw at taon na nagdaan sa buhay ko. Mas lalo ko pang naramdaman ang pangungulila ngayong wala na talaga ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

Sobrang na iinggit ako sa iba na kahit walang wala sa buhay eh, buo at masaya ang pamilya. Iyon bang kahit na walang maraming handa eh, masaya parin silang nag cecelebrate ng kaarawan nila. Hindi katulad ko. Pinanganak nga na nasa akin ang lahat pero wala namang gustong iparamdam sa akin ang normal na buhay.

At si Billy...bigla ko itong naalala. Ilang araw na rin kasi simula noong huli beses kaming magkita. Hindi parin kami nakakapag-usap tungkol sa mga narinig at nalamang ko noong araw na nasa mall kami. Lalo na iyong tungkol kay Kristen at sa itim na rosas, kung bakit ako nito pinadadalhan.

I need to know what was really happened to her but I can't. I can't because she might be worry about me. And I don't want her to worry. So...today, on my birthday..I really don't know if she will here for me.

Tinanghali na nga ako ng gising eh, umasang pagising ko ay may Billy na akong madadatnan dito sa bahay sa Isla. Pero kahit na hindi pa man ako lumabas ng kwarto, alam kong walang sign na kahit na ano mula kay Billy na darating siya.

And it doesn't matter anymore. Mas gugustuhin ko nalang ang intindihin siya ngayon at hayaan sa kanyang mission lalo na kung mas importante 'to. Mas mabuti na narin na dito lang muna ako sa apat na sulok ng kwartong ito. And besides, I have Lucas. The person who will be with me here today. To celebrate my birthday.

Napahawak ako sa aking tiyan ng makaramdam ng gutom. Kaagad na tumawag ako kay Lucas mula sa intercom na konektado sa kanyang kwarto. Ngunit natapos na lamang ang pag ring ay hindi parin nito iyon sinasagot.

Baka nasa labas na ito at abala sa pakikipag usap sa mga guwardya. Kung kaya't, sa pilitan na lumabas na lamang ako mula sa loob ng aking kwarto para siya ay hanapin.


"Lucas?" Una kong pinuntahan ang pool area, mahilig kasi ito na doon manigarilyo eh. Pero wala akong nakita ni-anino nito roon.

At saan naman kaya iyong lalaking iyon? Tanong ko sa sarili.

"Guard?" Pagtawag ko naman sa kung sino mang guard ang makakarinig sa akin ngunit wala ring sumasagot sa kanila kahit na isa. Nakakailang tawag na ako pero wala paring lumalapit sa akin.

Napahinga ako ng malalim sa sarili dahil sa malapit ng maubusan ng pasensya.

"Damn it! Nasaan ba kayo?!" Naiinis na sabi ko kahit na hindi ko alam kung may nakakarinig ba talaga sa akin o wala.

Hindi ko na talaga makayanan pa ang kagutuman kaya, padabog na pumasok na lamang akong muli sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina. Baka may pwede pa namang makain sa ref, iinitin ko nalang. Nakakapang hina na kasi kung magluluto pa ako bago kakain.

"Thanks God!" Pagpapa salamat ko ng may makita pa akong dalawang slice ng pizza mula sa loob ng ref. Hindi na ako nag-abala pang initin ito dahil mas lalo lamang kumulo ang tiyan ko noong makakita ako ng pagkain. Kaagad na kumagat na ako mula sa isang slice ng 'non.

"Hmmmmm.." Napapa hmm na lamang ako dahil sa sobrang kagutuman.

Nakakailang subo pa lamang ako ng may maramdaman ako na may biglang tumutok ng matulis na bagay sa aking tagiliran, mula sa aking likuran. Awtomatikong napalunok ako at nabitiwan ang hawak na pagkain dahil sa gulat.

Akmang haharap pa sana ako sa kanya upang tignan ang kanyang mukha, nang bigla ako nitong tinakpan ng panyo sa aking ilong at...unti-unting nawalan ng malay.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon