The Cold Hearted

2.6K 80 4
                                    

Aerin POV





Kanina pa ako pabalik balik dito sa sala sa loob ng bahay habang kagat-kagat ang dulo ng daliri ko. It's been five days since we had...ehem! Alam niyo na yun. But after that day, hindi na ako muling kinakausap pa ni Billy.

What's her problem? I mean, medyo bother ako dahil baka nagsisisi na ito dahil ginawa namin ang bagay na iyon. Napalunok ako sa aking sarili ng bigla iyong sumagi sa isipan ko.

Huh! Nakakainis lang kasi bakit niya ginawa 'yong bagay na pagdating naman pala sa huli eh pagsisisihan naman niya.

Atsaka...ewan ko, hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng pagtatampo at ang masaktan dahil  kung hindi niya ako hinalikan noong araw din na iyon ay wala namang mangyayari. Baka sakaling okay pa ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ba?

Pero ayoko namang sisihin ang sarili ko pati na rin siya. Isa pa, baka masyado lamang kaming nadala ng sobrang emosyon noong araw na iyon kaya nangyari ang dapat na hindi dapat na mangyari.

But the only thing na alam ko sa sarili ko ay, hinding hindi ko iyon pinagsisisihan. At never kong pagsisisihan.

Napakagat ako sa sarili kong mga labi ng biglang maalala ang hubad na katawan nito. At lihim na napangiti sa sarili. I am not virgin anymore. And yes! I am that so much happy dahil sa alam kong deserve ni Billy iyon. Kahit pa iniiwasan man ako nito ngayon.

I mean..napakurap ako. I don't know why she deserved it. Alam ko lang, para talaga sa kanya ang bagay na iyon. Ang bagay na pilit na ipinagdadamot ko dati sa iba.

Napahinga ako ng malalim bago napatingin sa paparating na si Lucas.

"Lucas." Pagbanggit ko sa pangalan nito.

"Napansin mo ba si Billy?" Kaagad na tanong ko rito ngunit tinignan lamang ako ng nakakaloko sa aking mukha.

Napairap ako. "Pwede ba sagutin mo nalang 'yong itinatanong ko sayo?" Nagkibit balikat ito bago naupo sa pahabang sofa na nandoon.

"I don't know. Bakit hindi mo nalang siya tawagan. O hindi kaya ipahanap sa mga guards?" Dire-diretsong sabi nito bago napa cross legs pa.

Nahihibang na ba siya? Malamang, unang-una wala akong mobile number ni Billy. At pangalawa, kung ipahahanap ko pa siya sa mga guards edi, nahalata ako na gustong gusto ko talaga siyang makita palagi. Ayoko naman na isipin niya 'yon sa akin. Kahit naman papaano eh may hiya parin ako sa kanya 'no?

Kahit na nakita na nito ang lahat ng akin. Dagdag pa ng aking isipan na kaagad kong iniwaksi.

"Hindi na. Ako na ang gagawa." Sabi ko rito. Akmang aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Pwede bang maka kwentuhan ka muna kahit ngayon lang?" Tanong nito sa akin dahilan para muli akong mapalingon sa kanyang direksyon.

"Medyo matagal tagal na rin kasi noong huli tayong nagkausap eh." Dagdag pa niya.

"Nagkakasalubong tayo at nakatira sa iisang bubong na hindi nagpapansinan at parang hindi magkakilala."

Napahinga ako ng malalim bago naupo sa kanyang tabi sa sofa. "Ano ba ang gusto mong pagkwentuhan?" Pagsusungit-sungitan ko at sarkastikong tanong sa kanya ngunit may naka silay naman na ngiti sa aking mga labi.

Napatikhim ito. "Kumusta kana?" Biglang tanong nito sa akin. Napatawa ako.

"I'm fine?" Patanong na sagot ko rito. "What about you?" Ganting tanong ko naman sa kanya.

"And how was you and Billy?" Dagdag na tanong niya bago ako nginitian na para bang may tumatakbong hindi maganda sa kanyang isipan.

"Teka, para saan ba talaga bakit mo'ko gustong makausap?" Biglang pagtataka na tanong ko rito. Out of nowhere kasi bigla bigla na lamang ito magtatanong ng tungkol sa akin at kay Billy.

"Wala naman. Chill, I'm just asking, okay? Napapansin ko lang kasi medyo napapalapit kana sa kanya." Sabi nito bago napatingin sa ibang direksyon.

"At sinasabi mo bang mali 'yon? Ang makipag kaibigan sa kanya?" Nakataas ang kilay na tanong ko rito.

"Nope. I don't think na it's only a friend thing." Napangisi ito at muling napatingin sa mukha ko.

"I can see it in your eyes. And the way you look at her. And I know, na alam din 'yon ni Billy. She's not stupid para hindi iyon makita Aerin. She's your bodyguard. Know your limits." Bigla akong napa nganga sa sinabi nito.

"At kailan ka pa naging tatay ko Lucas?" Sarcastic na tanong ko rito. "Alam ko kung ano ang ginagawa ko. At labas kana doon." Napatayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at tinignan ako ng seryoso sa mukha.

"Concern lang ako sayo. Para na kitang kapatid. At malaki ang utang na loob namin ng aking ama sa sa pamilya mo. Natural lamang din siguro na protektahan kita, hindi ba?"

"At kanino mo naman ako gustong protektahan? Kay Billy?" Medyo nauubusan na ako ng pasensya. Hmp! Alam ko naman ang ginagawa ko eh. At mas lalong hindi ko kailangan ng mga panenermon niya.

"YES." Simpleng sagot nito ngunit alam mong seryoso siya. "She's not what you think she is, Aerin. So you better stay away from her. Sooner or later, you will find out. Ayaw ko lang ding masaktan ka sa huli."

Pagkatapos ay tumalikod na ito at mabilis na naglakad papalabas ng sala. Habang ako naman ay naiwan doon na naka nganga at tulala dahil sa kanyang sinabi. Is he insane? Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'yon? At kung makapagsalita siya, para bang kilalang kilala na nito si Billy.

Muli, ay napahinga na naman ako ng malalim bago napahawak sa sintindo ng aking ulo. Ayaw ko nalang isipin si Lucas. Baka dala lang yun ng stress sa trabaho. O hindi naman kaya ay masyado lamang talaga itong concern sa akin. To the point na, kung anu-ano ng naiisip nito na mga bagay sa akin at pati na rin kay Billy.



------- 

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon