Temptation

2.8K 96 4
                                    

Aerin POV




The next morning, nagising ako na magaan ng muli ang pakiramdam ko. Wala ang lagnat at pati na rin ang nakakainis na sakit ng ulo ko. Hindi na rin ako giniginaw katulad ng nararamdaman ko kahapon.

In fairness ang galing ng mga yakap at katawan ni Billy. Dahil doon gumaling na ako kaagad. Nyahaha.

Napangiti ako at ibinaon ang aking mukha sa malambot na unan. Naalala ko kasi ang nangyari kagabi kung bakit hanggang ngayon ay wala parin akong saplot.

Uy, wag na nga kayong ano dyan. Wala namang nangyari sa amin ni Billy. Natulog lang kami. Yun lang yun. Nakakainis nga eh! Sabi ko sa loob ko. Pakipot kasi 'yong nililigawan ko. Ang hirap kunin yung puso. Grrr!

Nang alam ko na okay na ako ay tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita ko nasa lapag pa rin ang damit na hinubad kagabi at iyon ang isinuot kong muli. Pagkatapos ay naglakad papunta sa may likod ng bahay kung saan ang gym.

Yup. May gym kami rito. Para sa mga guards at lahat ng taong gustong magwork out na hindi na kailangang pumunta pa ng bayan para lang makapag work out.

Hindi ko rin alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko. Maybe, I have something to do with here. Magpapawis na lamang siguro upang mas mabawi ang lakas na nawala sa katawan ko dahil sa buong araw lamang akong nakahilata kahapon.

Papasok na sana ako ng entrance ng gym ng natigilan ako dahil may naririnig ako na parang may tao sa loob. Kaagad na ipinilig ko ang aking ulo dahil baka isa lamang iyon sa mga guards na nagwowork out. So I walked in.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay nakita ko na kaagad ang abalang-abala at panay pawis na si Billy habang nagwowork out.

Isinandal ko ang sarili sa frame ng pintuan habang tahimik itong pinagmamasdan. Nasa punching bag ito na abala sa pagsuntok at pagsipa roon. Panay din sa pag-unahan sa pagpatak ang kanyang pawis, kaya hindi ko na napigilan ang sarili na hindi mapalunok lalo na noong tumigil ito sa kanyang ginagawa at uminom ng gatorade.

Napapakagat labi na lamang rin ako bago napanganga dahil sa hindi ko mapigilan ang sariling hindi maakit sa kanya. Dahil ang sexy din nito sa suot na sports bra at boxer short naman sa ibaba.

Kaagad na nagbawi ako ng aking paningin noong makita ko itong napatingin sa aking direksyon.

Ibinaba nito ang kanyang iniinom bago kinuha ang towel na nandoon lamang din sa kanyang tabi bago marahan na ipinunas sa kanyang mukha at mga braso.

Napangiti ito sa akin noong makita ako bago ako nilapitan. "Good morning! Kanina ka pa ba nandiyan?" Tanong nito sa akin.

Akala ko aasarin na naman ako eh. Sabi ko sa sarili.

Napatikhim muna ako bago tuluyang nagsalita. "G-good morning. Hindi naman. Actually, kadarating ko lang nga eh." Pagsisinungaling ko.

"Hmmmm.." Tanging na sabi nito na para bang hindi naniniwala. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Lumapit ito sa akin bago at hinawakan sa noo at leeg. "Wala ka ng lagnat." Nakangiting sabi nito na parang proud na proud.

"I'm glad effective naman pala yung ginawa ko kagabi." Dagdag pa nito bago ako kindatan.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi ko magawang makapag salita ngayon. Ano na Aerin? Tatanga tanga ka nalang ba sa harap ng nililigawan mo?

Ngunit imbis na magsalita ay napahinga na lamang ako ng malalim sa sarili at mas pinili na panoorin na lamang at bawat kilos na ginagawa nito.

"Are you done?" Kunot noo na tanong ko rito dahil mukhang handa na ito sa pag-alis.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon