Escape

3.5K 127 32
                                    

Aerin POV

I hate her! I hate her so much! Naiinis na sambit ko sa aking sarili habang pumaparoon at pa rito sa loob ng aking kwarto.

"She kissed me. She...fcking kissed me!" Hindi parin makapaniwala na sabi ko sa sarili. "Nasisiraan na ba talaga siya ng bait?!" Dagdag ko pa. Bago napahawak sa aking labi na hanggang ngayon yata ay nararamdaman ko parin ang malalambot nitong labi roon.

Anong karapatan niya na halikan ako ng ganon? I mean..nakakainis lang din kasi bakit hindi ako kaagad nagprotesta sa ginawa niya at hinayaan ko lamang ito na inexplore ang aking labi. Damn her!

Dahil nagagandahan ka sa kanya. Yiiiee. Tuyo pa ng aking isipan. Isa pa, ginusto mo naman iyon, hindi ba? Dagdag pa niya.

No way! Nagagandahan ako sa kanya, yes. Dahil hindi naman talaga maitatanggi iyon dahil maganda naman talaga siya. Pero...bakit kailangan umabot sa ganoon?

Ang lakas lakas din ng pintig ng puso ko na tila ba gusto nitong kumawala at magtatatalon. Napakagat ako sa aking labi. Bigla rin tuloy akong nakaramdam ng pang iinit sa katawan at tila ba pinagpapawisan pa kahit na, naka bukas naman ang aircon.

Ano bang nangyayari sa akin?

Kaagad na hinubad ko ang aking suot na sando, jeggings at sapatos na ginamit ko mula sa pag jogging. Basta ko na lamang din hinubad ang suot kong underwear at bra pagkatapos. Wala namang makakakita sa akin. Diba? Kulob kaya masyado itong kwarto ko.

Napa paypay ako sa aking mukha gamit ang aking palad. Ang init sobra! Muling pagmamaktol ko sa sarili.

Kaagad na dumiretso at pumasok ako sa loob ng aking banyo. I need a cold water. Para naman mawala itong init na aking nararamdaman sa loob at labas ng katawan ko.

------

Buong araw yata akong nag kulong sa kwarto. At sa buong araw na iyon ay wala akong ibang maisip gawin kung hindi ang manood sa Netflix ng paborito kong series. And I'm so fcking bored!

Namimiss ko ang buhay ko noong nabubuhay pa ang parents ko. Namimiss ko ng gumimik. Isa pa, nagkulong talaga ako sa kwarto dahil iniiwasan kong makita o makasalubong ang babaeng pinaka ayaw kong makita.

Sometimes, I wonder kung wala ba itong nobyo. Dahil nakakapag taka naman kung wala, dahil sa ganda na angking taglay nito? I doubted. And the way she kissed me earlier, masasabi kong she's such a good kisser. At mahahalata mong madami na itong napa ibig at nawasak na puso dahil sa kanyang kagandahan.

Ang hot at sexy pa! Pang aasar naman ng aking isipan.

Napailing ako ng sandaling sumagi iyon sa aking isipan. Ehem! Tama, sexy nga siya. Pag sang ayon ko naman sa kabilang banda. Pero...ang hindi ko maintindihan eh kung bakit napaka weirdo ng aking nararamdaman sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari kaninang umaga.

Stop it Aerin! That was JUST a kiss. Nothing more. And she's a girl for pete's sake! Pag suway ko sa sarili.

Kaagad na napatingin ako sa wall clock na nasa loob ng kwarto ko. Biglang may pumasok na ideya sa saking isipan ng makita kong mag aalas syete na ng gabi.

Susubukan ko na lamang sigurong tumakas muli. Iyong tulog na ang lahat upang walang makakakita sa pag-alis ko. Tama! Nakakabagot na kaya dito sa loob ng mansyon. Kailangan ko rin namang maglibang kahit paano 'no? Isama mo na rin na gusto kong mawala ang kung ano mang nararamdaman kong kawerduhan ngayon sa Billy na iyon.

Excited na muling nagtungo ako sa banyo upang makapaglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagpalit na rin ako ng damit. Pinili kong suotin ngayon ay fitted jeans and strapless tube, crop top. Kung saan nakikita ang aking pusod sa ibaba at pati na rin ang aking sexy collar bone sa itaas.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon