Mad Heart

1.7K 57 5
                                    

Aerin POV



Kahit inaantok pa at bigat na bigat pa ang aking mga mata, ay walang nagawa na napamulat na lamang ako noong maramdaman ko ang isang mainit na halik na dumampi sa aking noo. Kaagad na gumuhit ang mga ngiti sa aking mga labi at mas nagsumiksik pa at ibinaon ang aking mukha sa leeg ni Billy.

Naka unan ako sa kaliwang braso nito habang ang kanyang kaliwang kamay naman ay nakayakap sa aking beywang. Natatakpan naman ng kumot ang aming hubad na katawan. Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng kiliti mula sa loob ng aking tiyan.

She really made me the happiest woman, last night. She also made our night an extra special. Kaya medyo napuyat din ako dahil hindi yata ako pinatulog nito sa dami ng kanyang kwento. Hanggang sa, inabot na lamang kami ng madaling araw at humantong sa...alam niyo na. Ang lamig kaya dito sa may dalampasigan. Kulang kung mga yakap lang. Haha. Lol.

"I'm still sleepy.." Mahinang sabi ko rito bago inamoy ang kanyang balat at muling ipinikit ang aking mga mata.

Hindi ito umimik o nagsalita man lamang ngunit nararamdaman ko ang mga titig nito at pati na rin ang kanyang pag ngiti. Muli ako nitong niyakap at ikinulong sa kanyang mga bisig. Sandali ko pang naramdaman ang malambot na hinaharap nito na tumatama mismo sa dibdib ko. Kahit na tinatalo ng antok ay napalunok parin ako.

Pagkaraan ng ilang sandali, ang mainit na katawan nito ang siyang dahilan ng muli kong pag tulog ng mahimbing.

Napahikab ako bago kinusot ang mga mata. Napatingin ako sa aking tabi, ngunit wala na rito si Billy. Marahil nagising na iyon kanina pa, o kung hindi naman ay abala na naman sa kanyang ginagawa at trabaho.

Kinuha ko ang kumot at agad na itinakip iyon sa hubad kong katawan. Lalabas na muna siguro ako ng tent, medyo mainit na rin kasi mula dito sa loob dahil may kataasan na ang sikat ng araw.

Kusang gumihit ang mga ngiti sa aking labi ng madatnan ko na mayroong nakahain na pagkain sa lamesa, kung saan kami kumain ni Billy kagabi.

Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko iyon at naupo sa isang silya. Napadila ako sa aking labi dahil sa mukhang masarap ang pagkain na nakahain.

"She's so sweet." Bulong ko pa sa sarili.

Dahil sa excitement na nararamdaman ay hindi ko na inisip pa kung may saplot ba ako o wala sa aking katawan mula sa loob ng kumot na nakabalot sa akin.

Agad na kumuha ako ng kutsara bago tinikman ang nakahain na pagkain. "Hmmmmm. God! This is sooooo good!" Hindi ko mapigilan na komento sa aking sarili.


Ilang sandali pa ang lumipas habang kumakain ako eh doon naman biglang sumulpot si Lucas. Hinihingal ito sa pag takbo ng makarating sa aking harapan.

"Lucas." Pag banggit ko sa kanyang pangalan bago napa ngiti. Ngunit hindi niya iyon sinuklian. Mabilis ang kilos na pumunta ito sa may tent at tinignan ang loob, pagkatapos ay muli ring bumalik kung saan ako nakaupo.

"Nasaan si Billy?" Tanong nito sa akin na para bang nagpapanic. Napailing lamang ako sa kanya bago nagsalita.

"H-hindi ko rin alam. Baka nasa bahay lang." Tukoy ko sa bahay dito sa isla. "O kung hindi naman---

"Shit!" Biglang pagmura ni Lucas dahilan para natigilan ako. "Magbihis ka at aalis tayo. Ngayon na! Wala na tayong oras." Mabilis na sabi nito sa akin. Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya.

"Teka nga, ano bang nangyayari?" Tanong ko bago napatayo mula sa pag upo. "At bakit mo hinahanap si Billy? May nangyari ba?"

Pumasok ako sa tent bago isinuot ang damit na hinubad ko rin kagabi. Habang si Lucas naman ay nasa labas lamang at hinihintay akong matapos.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon