Sudden Truth

1.8K 78 20
                                    

Billy POV



Habang nag-iinuman ang mga kasamahan ko dito sa loob ng isang bar, ako naman ay lumabas muna pansamantala upang lumanghap ng sariwang hangin.

Kanina, pag galing namin sa mall. Pinagbubugbog ko iyong mga ulupong na kasamahan ko dahil sa sobrang galit.

They don't have right to talk to Aerin like that. I mean, ako lang ang pupweding gumawa noon sa kanya.

Pero...sa lahat ng mga ginagawa at mga sinasabi ko sa kanya, alam kong hindi ko lang siya nasasaktan. Dinudurog ko na rin ito. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari hindi ba? Iba nga lang ang sinasabi ng puso ko.

Kaya ko ito ginagawa, dahil ito lang ang isang paraan upang maprotektahan ko siya. Minsan, hindi dahil kasama mo ang isang tao eh safe na ito sa tabi mo. Minsan, iyon pa ang dahilan para mapahamak siya. Kaya kinailangan ko munang dumistansya kay Aerin, pansamantala. I have to sacrifice for her safety.

Napalingon ako sa taong humawak sa balikat ko dahilan upang matigilan ako mula sa malalim kong pag-iisip. It's Kristen.

"Alam mo naman na kahit sandali hindi mo na siya pweding lapitan pa o puntahan. Hindi ba?" May pagbabantang sabi nito sa akin. Naramdaman ko ang pag galaw ng aking mga panga.

"Ang kapalit ng buhay ni Aerin, ay ang muling gawin ang lahat ng ipag-uutos sayo ni boss. Whether you like it or not."

"Oh shut up!" Inis na singhal ko sa kanya bago ito tinalikuran na.


Flash back:

Bago dumating ang alas syete ay nasa lugar na ako kung saan dapat na makipag kita sa kung sino man ang nagtext sa akin.

Umaasa kasi ako na baka ito na ang tamang panahon upang malaman ko ang totoong dahilan ng pagkamatay ng aking Ama.

Halos limang minuto na akong nandidito pero wala parin akong nakikita na ibang tao bukod sa akin. Nasa isang abandonado akong lugar kung saan maraming nakatambak na mga luma at sirang sasakyan.

Napabuga ako ng hangin sa ere. Darating pa ba 'yong taong iyon o hindi na? Isa pa, aware naman ako na baka isa lamang itong patibong para sa akin. Pero, para kay daddy, susugod ako kahit na gaano pa ito ka delikado.

Kaagad na nadinig ko ang mabagal na mga yabag papalapit sa akin mula sa aking likuran. Mabilis na napaharap ako rito ngunit isang sipa sa dibdib ang aking natamo dahilan upang ako ay bumagsak sa lupa.

Sandali na napaubo pa ako dahil sa lakas ng pagsipa nito sa akin ngunit kaagad din na muling napatayo at inilagan ang muli nitong pag atake. Nakasuot ito ng sombrero kaya hindi ko makita ang kanyang itsura.

Sinuntok ako nito sa mukha pero mabilis na nahuli ko ang kamay nito at nahawakan ito pagkatapos ay sinipa sa kanyang mukha. Dahilan upang tumilapon ang suot nitong sombrero at bumagsak ito sa lupa. Pero dahil nasa may bandang madilim kami kaya hindi ko parin nakita ang kanyang mukha.

Mabilis ang kilos na muling nasipa ko siya sa kanyang tiyan. Nang tuluyan na itong bumagsak ay kaagad na sinakyan ko ito at tinutukan ng kutsilyo sa kanyang lalamunan.

Napaubo ito bago natawa habang inilagay pa ang kanyang dalawang kamay sa magkabilaan kong legs habang nakapatong ako sa ibabaw ng kanyang katawan.

Natigilan ako ng marinig ko ang pag tawa na iyon dahil hindi lamang 'to pamilyar sa akin kung hindi, kilalang kilala ko pa.

"Kristen?" Gulat na tanong ko sa kanya upang makumperma kung talagang siya nga iyon.

Natawa itong muli. "Yes! It's me! And.." Mapatikhim muna ito bago nagpatuloy. "I really love this position we have right now." Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha, nahihimigan ko ang kanyang malawak na nakakalokong ngiti at isa mo na rin pag kagat nito ng kanyang labi.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon