Be My Star

1.8K 83 13
                                    

Aerin POV



Nagising ako dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at doon, nakita ko ang medyo madilim na, na paligid. Gabi na naman pala. Hindi ko man lamang namalayan, napahaba yata masyado ang aking pagtulog.

Noon ko lamang din naalala si Billy. Bigla ako nakaramdam ng kaba at kaagad na napatingin sa buong paligid upang hanapin ito. Ngunit nabigo akong makita siya. Iniwan na naman niya ako ng hindi man lamang nagpapaalam.

Mabuti na lamang at narinig ko ang pagtahol ni---hindi ko pa nga pala siya nabibigyan ng pangalan. Iyong puppy na ibinigay ni Billy sa akin. Kaagad na sinundan ko kung saan nang gagaling ang boses nito at doon, sa may unahan, masayang naglalaro ito sa buhangin habang si Billy naman ay nakaupo rin habang nakatanaw sa mga hampas ng alon.

Tila ba nabunutan ako ng maraming tinik sa dibdib bago napahinga ng maluwag at nangiti sa aking sarili.

Hindi siya umalis. Iyon lamang ang tanging nasabi ko sa aking isipan.

Napalunok ako bago inihakbang ng muli ang aking mga paa papunta sa kanya. Habang papalapit ako ay napalingon din ito sa aking direksyon, bago napangiti sa akin. Ngunit hindi iyon nagtagal ng muling ibinalik nito ang kanyang mga mata sa dagat.


Naupo ako sa tabi nito pagdating sa kanya. Hindi ako kaagad naka pagsalita at piniling damhin lamang ang malamig na simoy ng hangin pati na rin ang hampas ng mga alon. Napalingon ako sa kanya bago ito tinignan sa kanyang mukha.

Ang ganda ganda parin talaga niya. Kahit na may sugat pa ito sa labi at sa kanyang mukha. Kahit pa yata mapuno pa ng gasgas ang kanyang mga pisnge, she's still gorgeous for me.  If the stars were as beautiful as her, I swear! I would spend all the night staring up at the sky. I will never get tired even if I look at her a thousand times.

I don't know why, when I am staring at her face, lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya ay kusa nitong pinapawi. Iyong tipo na para itong magnet na kahit pilit na inilalayo ko na ang aking sarili sa kanya eh, pilit na hinihila parin ako pabalik.


I wish there is a way she could know how much I love her.. Damn! I still can't believe na nasa harapan ko siya ngayon. I am staring again right now in the goddess!

"You're so beautiful.." Hindi ko napigilan na komento dahilan upang mapalingon ito sa akin.

Napangisi ito bago sandaling napatingin sa aking mga labi. "I know." Mayabang naman na sabi nito bago napahinga ng malalim.

"Aerin.."

"Yes?" Tila ba bigla akong nakaramdam ng excitement ng banggitin nito ang pangalan ko. "Uhmm--nothing."

Natawa ako ng mahina. "What? Say it. Makikinig lang ako." Wika ko rito bago napakagat sa aking mga labi habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Ngunit sa halip na sagutin ay ginulo lamang nito ang aking buhok habang patawa-tawa pa. "Wanna swim?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Ah uh. Noooo way! Ayoko. Period." Pagtanggi ko sa kanya. Ang lamig-lamig na kaya ng pakiramdam ko tapos gusto pa niyang maligo kami sa dagat? Oh my!

"Okay, tell me what do you want? So I can---

"Ikaw lang naman ang gusto ko." Mabilis na putol ko sa kanya. "Alam mo naman 'yon diba?" Natigilan ito dahil sa aking sinabi.

Napakurap ito ng ilang beses bago napangiti at natawa. "Okay?" Sabi niya.

"Okay? Okay lang talaga ang sasabihin mo?" Anong akala niya sa akin nagbibiro lang? Hmp!

"Look, Aerin." Napalunok ito bago ibinaling ang kanyang mga mata sa malayo. "Alam mo naman na wala akong choice kung hindi ang iiwan kitang muli dito, hindi ba? Hindi ako magtatagal dito."

"Then stay." Nakangiti parin na sambit ko sa kanya, but deep inside..her words really hit me. Dahil iyon naman ang totoo. Isang araw lang ang hininge nito sa akin. At bakit hindi ko man lamang naisipan iyon kanina.


"Can you do me at least one favor?" Tanong ko pa.

"What is it?"

"Please..Stay." Napailing ito. "Pinagbigyan kita sa kahilingan mo kanina, dahil sa tingin ko kailangan mo 'yon. Now,  I want you to stay here for me even just for one night."

"You know I can't do that now.." Sabi nito bago napatingin sa suot nitong relo. Noon din tumunog ang cellphone nito dahil sa isang tawag.

Itinago pa sana nito ang screen ng kanyang cellphone ngunit huli na dahil nakita ko na naman ang pamilyar na pangalan roon. Napalunok ako.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon