Crazy Night

2K 75 16
                                    

Billy POV



"Breeze, hindi ka pa ba tapos dyan?" Naiinip na tanong ko rito dahil sa naki-usap itong ihahatid ko siya sa airport. On leave kasi ang family driver nila na si Mang Damian. Ngayon ang alis nito papuntang Paris upang sundan si Catherine.

"For a while." Tipid na sabi nito. "Okay. I'm ready. Let's go?" Tinitigan ko lamang ito sa kanyang mukha bago napahinga ng malalim. Halata na kasi masyado ang maitim na bahagi sa ilalim ng mata nito.

Ngunit makikita mo pa rin sa mga iyon ang tuwa at excitement na muling makita si Catherine. Kung bakit naman kasi kailangan pa siyang iwanan nito. Hayyy.

"Alright then." Pagkatapos ay sabay na kaming nagtungo sa garahe kung saan naman ang aking kotse.

Habang nagbibiyahe kami ay hindi parin nawawala sa aking isipan ang mga sinabi ni Lucas sa akin. Kaya as fast as possible kailangang makabalik ako kaagad sa mansyon. Hindi ko naman kasi matanggihan itong si Breeze, parang kapatid ko na ito. Isa pa, ako naman ang may ideya kung bakit siya pupunta ng Paris ngayon, hindi ba?

Hindi yata ako pinatulog ng mga sinabi ni Lucas kagabi. Kung pupwede lang nga na bente kwatro oras kong babantayan si Aerin, gagawin ko. Kung kailangan na hindi ako matulog, hindi rin ako katutulog para kang masigurado na safe ito at nakakapag pahinga parin ng maayos.

Kaya wala akong nagawa kagabi kung hindi ang matulog sa loob ng kanyang kwarto. Mahirap na, kahit naman may hidden camera sa loob ng kwarto nito upang makita ko ang mga nagiging kaganapan sa loob, eh hindi parin ako panatag. Mabuti na lamang at hindi na rin ito umangal pa kagabi at mas pinili nalang na hayaan ako sa aking ginagawa.

Ewan ko ba, hindi ko na rin alam ang nangyayari sa sarili ko. Ngayon lang ako nagkaganito. Ngayon lang ako naging concern ng ganito sa isang tao. Iyong tipo na, kahit galos hindi ko hahayaan na mangyari sa kanya 'yon. Nababaliw na yata ako.

"Billy?" Nagulat ako ng tawagin ni Breeze ang pangalan ko. "Are you okay? You're seems not fine. Is there something wrong?" Concern na tanong nito sa akin. Kaagad na napailing ako bago ito binigyan ng isang ngiti.

"We're here." Wika ko rito upang hindi na ako tanungin pa ng kung anu-ano.

"Oh, yeah right." Ang tanging na sambit lamang nito bago kami bumaba mula sa kotse. Tinulungan ko na rin ito sa kanyang mga bagahe bago nagpaalam.

Napabuga ito ng hangin sa ere. "Wish me luck." Kinakabahan na sambit nito. Napangisi lamang ako sa kanya bago napailing.

"Of course! I know you can win her back. Good luck and bring me some great news when you get back." Pampalakas ng loob na sabi ko rito bago ito binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you!" Pagpapasalamat nito bago ako pinisil sa pisnge. "I owe you one. Love youuuu!" Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay kaagad na bumiyahe na rin ako pabalik sa mansyon.

Hindi kasi talaga ako mapakali dahil sa hindi ako kampante na hindi ako ang naka bantay kay Aerin. Hindi dahil wala akong tiwala sa mga napag-iwanan kong bodyguard doon, kung hindi dahil masyado akong nag-aalala na nasa iisang bubong lang ang kaaway namin.

Pinasibad ko ang aking sasakyan pabalik ng mansyon sa pinamabilis na paraan na makakayanan ko. Isama mo pa itong matinding traffic na animo'y wala ng katapusan sa haba at bagal.

Kung bakit naman kasi alas sais ng gabi ang nakuha kong flight para kay Breeze. Hindi tuloy ako makanda ugaga ngayon para lang makabalik kaagad kay Aerin. Damn it!

-----

Pasado mag-aalas otso na ng gabi ng tuluyan akong makarating sa mansyon. Mabilis akong bumaba ng kotse at dumiretso kaagad sa kwarto ni Aerin. Ngunit isang magulong kwarto at mga nagkalat na gamit ang nadatnan ko roon.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon