Another Side Of Her

2.2K 80 6
                                    

Aerin POV





Paulit-ulit parin akong hina-haunting ng mga words ni Billy. Iyong masasakit na salita na narinig ko sa tanang buhay ko ay hindi ko aakalain na sa taong nagugustuhan ko pa mang gagaling.

What she really thinks of me? Hindi naman ako manhid para hindi masaktan sa mga sinabi niya 'no? At ang masakit pa doon, hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang boses nito habang sinasabi ang mga iyon.

Ang sakit kaya. Kung alam lang niya. Dahil doon, hindi ko alam kung tama pa bang nagustuhan ko siya. Bakit na sa dinami rami ng tao bakit sa kanya pa? Ayan tuloy. Isama mo pa iyong mga stupid rules nito. Huh! Hindi ko aakalain na mayroon pala siyang rules na sinusunod ngayon para sa kanyang sarili.

Hays.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Hindi ko na alam ang gagawin. Kahit may makausap man lamang o mapaglabasan ng sama ng loob ay wala.

Isa pa itong si Lucas na hanggang ngayon ay hindi ko parin namamataan dito sa mansyon. Kapag tinatanong at hinahanap ko ito sa guards, pareho-pareho lang sila ng sinasabi. Hindi nila alam o kung hindi naman ay abala ito.

The fuck? Wala na ba talaga akong pweding maging kaibigan? Siya na nga lang itong napagsasabihan ko ng mga rants ko sa buhay, tapos ngayon pa siya mawawala kung saang kailangan na kailangan ko kaibigan.

Pakiramdam ko tuloy ngayon, hindi lang boring ang buhay ko kung hindi napaka useless na rin. Minsan pa nga iniisip ko, sana ako nalang ang nawala at hindi ang mga magulang ko noong gabi na iyon.

Buhay nga ako, humihinga, pero wala namang silbi. Hays! Frustrated na napahinga ako ng malalim. Hindi naman pupwede na lumabas ako sa mansyon na ito ng walang kasamang bodyguard. At mas lalong hindi ko na susubukin pa ang tumakas dahil alam kong mauuwi parin ako sa apat na sulok ng mansyon na ito habang napapalibutan ng napaka raming guwardya at napakataas na pader.

"Fck! I'm so sick in this life!" Inis na sambit ko sa sarili.

Bigla akong nagulat sa pagkatok ng guard mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Hindi ako sumagot at hinintay na lamang ang susunod na sasabihin nito.

"Nakahanda na po ang inyong hapunan." Naka rolled eyes ako bago nahigang muli sa aking kama.

"Whatever." Wika ko kahit na hindi naman niya ako nadidinig. Akala ko pa naman may maganda itong balita o sasabihin. Nananaba na nga ako dahil sa panay nalang kain at tulog ang ginagawa ko rito.

"Senorita?" Muling pagtawag nito sa akin.

"Hindi ako nagugutom!" Pasigaw na sabi ko rito bago ibinaon ang aking mukha sa unan. Ilang sandali lamang din ay narinig ko na ang mga hakbang nito papalayo.

Napatitig ako sa kisame ng aking kwarto.

Ano bang magandang gawin? I mean...gusto kong maaliw. Magpa hire kaya ako ng banda, iyong pweding tumugtog dito sa loob ng mansyon, o kung hindi naman...magpaparty ako. Pero wait, diba parang ang boring din kung lahat ng makakasama ko eh yung mga tao lang din dito sa loob?

"Ah huh!" May naisip akong isang bagay. Paano kung, uminom nalang kaya ako mag-isa, iyong kahit sandali ay maaliw ko lang ang sarili ko. Pwede naman yun. Right?

Sandali akong nagcheck sa aking mini-ref sa ilalim ng aking kama kung may naiiwan pa bang beer in can. At mabuti na lamang nga ay may naiiwan pa roon na dalawa.

"Pwede na 'to." Sabi ko sa sarili bago inayos ang suot kong damit. Balak ko kasi na sa may garden na muna ako upang makalanghap din ng sariwang hangin.


----


Pagdating sa garden ay kaagad akong naupo sa may fountain na nadoon. Yup! Mayroong fountain sa gitna ng aming garden na punong puno ng iba't ibang klase ng bulaklak. At sa unahan naman ng fountain ay mayroong mini-bridge kung saan may roon ding mini river sa ilalim nito. Habang nakapalibot ang may medyo maliliit na klase ng bumbilya rito na siyang nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Kaagad na binuksan ko ang isang beer, bago isinalin ang laman nito sa baso at ininom. Pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata at idinipa ang kamay sa ere habang naglalanghap ng sariwang hangin.

"Hmmmmmm.." Ang sarap lang sa pakiramdam na tumakas sa realidad kung minsan. Hindi mo kasi mararamdaman na mag-isa ka, na walang dumadamay sayo kahit na ang totoo ay uhaw na uhaw kana sa atensyon.

"Sa atensyon ng taong gusto mo.." Bulong ko sa sarili. Napabukas ang mga mata ko ng biglang lumabas iyon sa labi ko.

Napailing ako. Ayoko na munang isipin 'yong babaeng iyon sa ngayon. Malamang sa malamang eh, nagsasaya yun ngayon kasama ang tao na gusto nito.

Napahinga ako ng malalim at muling napainom ng beer mula sa isinalin ko sa baso. Ngunit kaagad din na natigilan ng may marinig akong tunog ng gitara habang sinabayan iyon ng isang napaka gandang boses sa may hindi kalayuan mula dito sa fountain.

Kaagad na napatayo ako at naglakad papunta sa pinang-gagalingan ng boses na iyon. Nakarating ako sa may mini-river kung saan ang bridge na nabanggit ko rin kanina.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon