Quick escape with Her

2.8K 101 13
                                    

Aerin POV





Billy was the person you can't handle that easy. Lalo na kung hindi mo alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nito. At sobrang nahihirapan na akong ganito kami.

I mean..nahihirapan na ako na ganito ito ka ilag sa akin. Ilang araw na akong nagbabakasali na makausap na itong muli ngunit hindi ako makahanap ng tamang pagkakataon at tamang tyempo.

Natatakot din ako sa rejection. Yes, I am courting her now. Pero hindi niya alam. Pwede naman iyon, hindi ba? Nakakatawa pero para sa akin nililigawan ko na siya. At ang sagot na lamang nito ang hinihintay ko mula sa kanya. Which is, hindi ko alam kung papaano mangyayari yun. But I will make that possible.

Dahil pupuwede naman na maging possible ang isang impossible, hindi ba?

Napatingin ako sa screen ng aking cellphone para tignan ang oras. Dahil kanina pa ako inaantok ngunit hindi naman makatulog. Hindi ko rin alam kung bakit. Para bang may gusto akong gawin na hindi ko naman mawari kung ano.

Mag-aalas onse na pala ng gabi.

Naiinis na napabangon akong muli mula sa pagkakahiga sa aking kama, bago dumiretso sa may veranda ng aking kwarto. Ngunit ganoon na lamang ang aking pag ka gulat ng makita ko ang pamilyar na awra ng babaeng gustong gusto ko na muling makausap.

"What the hell Billy?! What are you doing here?! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Kaagad na singhal ko rito dahil sa para itong magnanakaw na nakatayo sa labas ng kwarto ko dito sa may veranda.

Naka cross arms lamang ito at naka tingin lamang ng diretso sa aking mukha. Mapapansin mo na hindi na ito katulad ng nakaraang araw na alam mong mainitin ang ulo. Teka..at saan naman kaya ito dumaan? Nakalimutan ko yata na si Billy iyong nasa harapan ko ngayon. Maraming alam na paraan.

"Pinapanood kang matulog?" Patanong at hindi sigurado na sagot nito sa akin.

"Hindi ako natutulog, istupido!" Inis na sabi ko sa kanya bago lumapit sa kanyang tabi. Kahit naiinis ako at nagulat man, but deep inside ay masayang masaya ako dahil nandito na itong muli sa harapan ko. Kagaya ng nakasanayan ko mula sa kanya.

"Pagkatapos mo akong pagtarayan nitong mga nakaraang araw, bigla ka nalang susulpot ngayon sa harapan ko na parang walang nangyari?" May hinagpis na sambit ko rito.

"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako ngayon?" Kaagad na sagot nito sa akin.

The fck! Hindi ba niya maintindihan na nagtatampo ako sa kanya? Sabagay...diba ako nga pala ang nanliligaw dito. Kaya dapat lang na ako ang maging mas mahaba ang pasensya sa aming dalawa.

Walang nagawa na napabuntong hininga na lamang ako sa sarili. Kaagad niya naman iyong napansin bago napangisi sa akin.

"When I'm pissed off don't ever try talk to me or else.." Napahinto ito.

"Or else what?"

"I'll release my anger to you and make love to you the whole night. Wanna try that?" Kusang nang init ang mukha ko sa pinagsasabi nito. Ang bastos lang talaga minsan ng bunganga nito eh, ano?

"Pervert." Bulong ko sa sarili.

"Nope. I'm not. I just admiring your body." Pag amin nito. Ngunit hindi mo alam kung totoo ba iyon o kung nagbibiro lang ito dahil sa may nakakalokong ngiti parin ito sa kanyang mga labi.

"Are you sleepy?" Tanong nito sa akin bago napatingin sa suot nitong relo.

"Bakit?" Pagtataray tarayan ko rito. Nagtatampo parin ako sa kanya 'no?Bigla na lamang ako nitong hinawakan sa aking balakang at marahan na hinila palapit sa kanya, dahilan para tumama ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ano bang gusto niyang mangyari ngayon?

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon