I'm Your Friend

2K 65 0
                                    

Billy POV




Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa katabi kong si Aerin. Kanina pa kasi ito nakangiti at hindi mawala simula pa 'nong makaalis kami sa bahay ni mommy. Na baon nito hanggang ngayon na nasa biyahe na kami papauwi ng mansyon. Panay pa rin ang pag ngiti nito na tila ba wala ng katapusan. Like, wtf? Hindi ba napupunit' yung bibig niya sa pag ngiti?

Sa totoo lang kanina pa ako na wewerduhan sa kanya. Tatawa ito mag-isa o kung hindi naman ay mahuhuli ko ito na sobra kung makatitig kay mommy.


"Anong ngini ngiti-ngiti mo dyan?" Tanong ko rito. "Ang saya mo ha." Dagdag ko pa.

"Hindi ba halata?" Napatingin ito sa akin habang nagnining-ning pa ang mga mata. "Close na kami ng mommy mo."

"So?" Pagsusungit ko bago muling ibinalik ang paningin sa kalsada.

"Anong so ka diyan?" Sambit nito bago inayos ang kanyang pag-upo paharap sa akin. "It means, sagot mo nalang ang hinihintay ko. Tapos..pwede na kitang pakasalan." Wika nito bago ininaas baba ang kanyang kilay. Bigla naman akong napa ubo sa sinabi niyang iyon.

Is she serious? Noon ko lamang naalala na may nabanggit nga pala ito kagabi tungkol sa bagay na yun.

Naiiling na lamang ako sa sarili dahil sa hindi makapaniwala sa kanyang mga naiisip. Ang lakas ng fighting spirit ha!


Pero in fairness, hindi ko akalain sa magiging ganoon sila ka close kaagad ng mommy. I mean, mas mapagkakamalan mo pa na sila ang mag-ina eh. Ganoon lang niya kabilis makuha ang loob ng nanay ko.


"In your dreams." Wika ko rito dahilan para bigyan ako nito ng isang masamang tingin.

"What? I already told you , hindi kita type. Kailangan ko pa bang sabihin sayo 'yon ng paulit-ulit?" Napa irap ito bago napatingin na lamang sa labas ng bintana, pagkatapos ay napa cross arms na parang bata.

Ngunit sa loob ko, parang gusto ko na kaagad bawiin ang sinabi ko dahil alam kong napasama ko na naman ang loob nito.

Ilang sandali pa kaming natahimik. Dahil sa hindi na ako nakapagtiis ay ako na rin mismo ang nagsalita upang alisin ang awkward na namamagitan sa aming dalawa sa loob ng sasakyan.

"Mag kwento ka naman. Hindi ako sanay na tahimik ka." Pagpapapansin ko rito ngunit hindi parin ako nito kinikibo o iniimik man lamang.

"Helloooo? Are you still there?" Tanong ko. Mukha na akong tanga. Tss!

"Can I ask you something?" Dagdag na tanong ko pa bago ito sinundot sa tagiliran para agawin ang atensyon nito pero mukhang wala paring epekto.

Mukhang hindi rin nito namalayan na nasa garahe na kami dito sa labas ng mansyon. Pati na rin ang pag bukas ng dalawang guard sa amin ng gate. Magkaiba kasi ang garahe dito sa labas at sa loob ng mansyon kung saan punong-puno roon ng iba't ibang uri ng kanilang sasakyan.

Ini-unlock ko ang seat belt bago lumapit kay Aerin at hinawakan ito sa kaliwang balikat upang iharap sa akin.

Ngunit hindi yata nito napansin ang pag lapit ko sa kanya, kaya noong napaharap ito sa akin ay kapwa kami nagulat dahil sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa.

"M-may..s-inasabi ka ba..?" Parang wala sa sarili na tanong nito sa akin ngunit hindi naman nakatingin sa aking mga mata kung hindi sa aking labi.

Dahil doon ay hindi ko napigilan ang hindi napangiti sa loob ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ng bumaba rin ang mga tingin ko sa nakaawang pa nitong mga labi bago ako napalunok at tila ba uhaw-uhaw sa mapupula nitong labi.

Sinubukan ko parin naman na labanan ang init na nararamdaman sa aking loob, kaya mas pinili ko na lamang ang mapangisi rito and choose to stare at her doll-like face, so innocent and adorable.

HBS 2: Aerin Hamilton And The Assassin Girl (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon