10: Annual Elimination

8.7K 279 16
                                    

Weekend, walang klase si Laby kaya naisipan niyang gawin ang iba pa niyang trabaho sa labas ng HMU. Nasa isang coffee shop siya habang binabasa ang ilang mga dokumento na kailangan niyang i-review habang sinisimsim ang order na espresso. Naroon siya sa sulok, katabi sa kaliwa ang glass wall at sa likuran ang dingding.

~ Second things second

Don’t tell me what you think I could be

I’m the one at the sail, I’m the master of my sea ~

Nalalapit na ang Annual Elimination at sa susunod na buwan na iyon, sa katapusan ng Nobyembre. Nakalatag na ang mga plano at hindi niya alam kung alam na ba ng mag-asawang Zordick-Zach kung paano tatakbo ang Annual Elimination sa taon na iyon. Ilang taon kasing hindi tumatapak ang mga ito sa Citadel.

~ Taking my message from the vein

Speaking lesson from the brain

Seeing the beauty through the . . . pain ~


“Helloooo, Etherin!”

Napahinto sa paglipat ng pahina si Laby at napatingin nang masama sa harapang upuan niya. Bumungad sa kanya ang matamis na ngiti at malalim na dimple ng lalaking umupo roon. Pag-angat pa niya nang kaunti ay nasalubong niya ang mata nitong halos magmukhang crescent moon na. Bumaba na naman ang tingin niya sa suot nitong smart casual attire—-simpleng folded long sleeves na kulay light blue lang. Halata na sa tingin niya ang pagmamataray dito.

“Akala ko ba, nasa GuangZhou ka?” sermon na pambungad niya.

“Na-miss kasi kita kaya di na ’ko tumuloy.” Akma sana nitong kukunin ang cup niya ng kape nang hampasin niya ang kamay nito. “Aray naman . . .” Hinawakan nito ang kamay na pinalo niya at hinimas-himas iyon. “May klase ka?”

“Mukha ba ’kong may klase, nakita mo na ngang nandito ako,” sarcastic niyang sinabi rito.

Bumalik na naman ang ngiti ng lalaki at nangalumbaba habang nakatitig sa kanya. Ang lagkit pa naman ng tingin nito.

"Masarap yung kape nila rito?" pang-uusisa nito.

"Um-order ka para malaman mo."

"Sungit."

“Nag-iipon na sila ng sponsor, kanino mo na naman ipinasa ang trabaho mo, ha?” sermon ni Laby habang patuloy sa pagbasa ng papeles na hawak. “Alam mo bang nagagalit ang Fuhrer sa mga ginagawa mo?”

“Hayaan mo nga siya. Di ko nga pinakikialaman yung mga ginagawa nila ng asawa niya.” Bigla niyang hinalbot ang binabasa ni Laby at binasa iyon.

“Alam mo, bastos ka rin e,” inis pang sinabi ni Laby.

Kumunot ang noo ng lalaki at siya na ang kumuha ng signpen sa mesa at pinirmahan iyon sa dulong pahina.

“Hindi mo pa nga binabasa—”

“I know this plan. Ako na ang hahawak,” putol niya kay Laby at ibinato na lang basta sa gilid ng mesa ang papel para ituon na ang atensiyon niya sa babae.

Nakangiwi naman si Laby dahil sa pagkakabato sa papel na hawak niya na parang napakawalang kuwenta lang niyon. “Okay, Li Xiao Ran, ano na naman ang issue mo sa mundo ngayon?” aniya at nagkrus ng mga braso saka sumandal sa inuupuan. “Ayoko ng dahilang nami-miss mo ’ko."

“Yiieee, ayaw mo ba?” nang-aasar na sinabi ni Ran.

Pagtaas lang ng kilay ang ibinigay ni Laby sa kaharap.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon