45: The Land Lady

4.8K 187 10
                                    

A/N: Sa original draft, ending na itong chapter na ito dito sa WP hahaha

Anyway, unpublish na po ang Hunting Project Arjo kaya gagawan ko muna iyon ng softcopy bago ko i-revise. Ayun, sana okay lang sa inyo ang revisions mula book 1 hanggang dito.

Tho, marami akong side stories na itinago at ipo-post ko sa different page para doon n'yo mabasa (not here in WP kasi bawat stories ko, naka-monitor na since WP Star, ayun).

Either gagawin kong PDF tapos bibilhin n'yo hahaha (ewan ko kung okay lang sa inyo ang ganito, di naman mahal, mga ten to twenty pesos lang ganun) Kailangan ko ng pera hahaha Optional naman. Bilhin o hindi, mabasa o hindi, maiintindihan pa rin ang story.

May remaining five(?) chapters pa before ending. Paki-ready ng utak sa mga scientific keme. Alam n'yo na 'to. Basagan ng brain ulit hahaha thank you sa lahat ng supporters ng TNW hanggang ngayon.

Again, if you want to read the original version, download the file sa The New-ly Weird group. Rejected ang lahat ng di sasagot sa tanong kung di pa kayo member. That's all.

-----






Martes ng umaga sa bahay ng mga Malavega . . .

Kahit walang magsalita, alam nilang hindi normal ang umaga nila sa araw na iyon. Umagang-umaga, alas-siyete pa lang, nagmamadali nang umalis ng bahay ang mag-asawa. Ang katwiran, tutungo raw sa HMU para sa kaso ni Arjo. Si Max ang inatasang bantayan ang mga kapatid sa bahay habang wala sila.

Nakasuot ng pulang suit and slacks si Armida na ipinatong sa puting long sleeves. Ipinares niya iyon sa five-inch black stiletto. Naka-high ponytail lang ang buhok niya at pulang lipstick bilang bukod-tanging makeup sa mukha. Una niyang kakausapin ang mga estudyanteng nag-trespass sa mansyon ni Erajin Hill-Miller na nai-report sa kanya. Sinabihan siyang tumungo sa conference room para kausapin ang limang estudyanteng pumasok nang walang paalam sa bahay niya.

Sinabihan niya si Josef na maghintay sa labas ng conference room habang iniimbestigahan ang kaso ng trespassing. Pumayag naman ito. Iyon nga lang, hindi niya binanggit kay Armida kung ano ba talaga ang pakay niya sa HMU sa araw na iyon.









Halos dalawang dekada na rin noong naitatag ang HMU, sampung taon na rin ang nakalilipas noong huli niyang itinago ang lihim niya sa eskuwelahang iyon.

Ilang taon na rin niyang iniwasang huwag tumira sa loob ng Grei Vale kahit pa pagmamay-ari iyon ng sariling asawa, pero wala siyang magagawa. Sakop na ng teritoryo ng Citadel ang HMU at kalahati ng populasyon nito ay binubuo ng mga Guardian. Wala siyang ibang mapagtataguan ng sikreto niya kundi doon lang.

Sa ground floor, sa likod ng HMU, naroon ang back office na mga Guardian ng Fuhrer ang namamahala. Pirmado ang opisina ng confidentiality agreement na walang lalabas na impormasyon doon hangga't hindi siya bumababa sa puwesto o hangga't hindi siya napapatay.

May kadiliman sa pasilyo dahil walang ibang bintana. Isang saradong bakal na pinto naman ang dulo. Nasa ikalimang pinto ang pakay niya.

Pumasok siya sa loob at nakita ang tatlong babaeng naka-uniporme ng staff ng HMU. Puting collar shirts at itim na pencil skirt na hanggang tuhod ang haba. Mga nakapusod ang buhok nito at paroo't parito habang may dala-dalang malalaking bungkos ng papel.

Nang malingunan siya pagsara ng pinto, sabay-sabay itong nagbigay-galang sa kanya.

Napatingin siya sa kanan at sa kaliwa. Puro file cabinets na pinapatungan ng makakapal na folders ang naroon. Para ngang tambakan iyon ng mga folder na hindi niya alam kung ano ba ang mga nilalaman.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon