hahaha nakakatuwa, dito ko lang natatagpuan mga original portrayer ng mga character ko XD
Presenting Melon hahaha
Alas-nuwebe nang umaga nang umalis sina Armida at Josef sa bahay. Ang paalam, babalik kay Rayson dahil talagang kapansin-pansin na hindi talaga maayos ang lagay ni Armida at nag-aalala na silang pare-pareho.
Naiwan naman sa bahay ang mga anak ng mag-asawa maliban kay Max na nagpaalam nga raw na pupunta sa isang meeting.
Si Zone, sa sobrang tampo kay Armida, nagkulong na lang sa kuwarto.
Si Arjo, nasa sala at nag-i-internet sa tablet ni Zone. Wala naman ang mama niya para pagalitan siya dahil nakikigamit siya ng gadget ng kapatid.
Habang online, nakatanggap siya ng chat sa kapatid.
Max Zach
Jo, bantayan mo si Zone. 'Wag kang magpapapasok ng kahit sino. Kapag may dumating na tao tapos hinanap ako at sina Mama, sabihin mo hindi diyan nakatira. Kapag ikaw ang kailangan, 'wag mong papansinin, 'wag mo ring bubuksan ang pinto. Ang gawin mo, umakyat ka sa taas, kunin mo si Zone at magtago kayo sa kuwarto ko. Kapag si Zone ang hinahanap, tumawag ka na ng pulis.
Nanlaki lang ang butas ng ilong ni Arjo dahil ang haba ng chat ng kuya niya.
Arjo Malavega
Yeah, yeah, yeah LOL
Si Arjo ang pansamantalang in-charge sa bahay. Gusto sana niyang magpa-party dahil wala ang kuya at parents niya, kaso yung mga friend niya naman, napakalayo ng location sa kanila kaya imposible ang party-party. Wala pa naman siyang ka-close sa HMU kaya wala siyang ma-invite-maliban kay Lei. Pero hindi rin naman mukhang party girl si Lei kaya useless din.
Ilang minuto rin siyang nakatunganga sa sala at makailang beses nang nag-surf sa net ng magagandang damit kaso bored pa rin siya.
Nakakatamad ang buhay niya. Gusto niyang mag-shopping kaso wala siyang budget.
Napapatanong tuloy siya, ano ba kasing mabibili niya sa ten thousand a week na allowance? Ganoon ba sila kahirap para bigyan siya ng ganoon kaliit na baon? Yung mga kaibigan nga niya, umaabot ng fifty thousand kada linggo, tapos siya sampung libo lang?
Ang kuya niya, milyonaryo na. Hindi kasi tumatanggap ng project na palugi. Magaling din sa bidding. Hindi kuripot pero marunong humawak ng pera. Naglalabas pero siguradong investment ang paggagamitan.
Ang Mama niya, ang pagkakaalam niya ay mayaman ang pamilya. Pero ang pamilyang iyon, ni anino ng kahit isang miyembro ay hindi niya nakilala. Alam niyang stockholder ang Mama niya sa stock exchange, pero hindi siya kumbinsido sa mga kinikita nito dahil kahit minsan, ni hindi niya nakitang bumili man lang ng bag o damit. Lahat ng gamit nito, puro bigay. Magkakaroon lang ito ng bagong gamit kung reregaluhan ng kuya niya o di kaya ng Papa niya. O di kaya ay mga regalo sa mga kaibigang hindi niya alam kung sino-sino ba.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Malavegas (Book 7)
غموض / إثارةWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na lang ang kanilang common denominator ngayon. Siguro nga, normal na ang buhay nila. Pero hanggang kailan? Walang lihim ang hindi nabubunyag, A...