17: Sibling Rivalry

7.8K 283 29
                                    

Hapon ng Biyernes. Si Armida ang sumundo kay Zone. At dahil masyado itong spoiled sa kanya, ipinasyal niya ito dahil naiinip daw ito sa bahay. Nasa trabaho naman si Josef at gabi pa ang uwi. Kaya naman, ang natira sa bahay ng mga Malavega ay sina Arjo at Max.

"Kuyaaa! Bakit ko kailangan magpa-tutor? Kaya ko naman e!" inis na dabog ni Arjo sabay hagis sa sarili sa kama niya.

"Kaya mo? Ni simple-simpleng introduction ng mathematical sequence, hindi mo alam, bobo ka talaga," sabi ni Max sabay bato ng pink notebook sa mukha ni Arjo.

"Aray! Kuyaaaa!" Napabangon tuloy si Arjo sabay punas sa mukha niyang tinamaan ng notebook. "Bakit ang sama mo?!"

"Bakit ang bobo mo?" balik na tanong ni Max sabay kuha ng study chair at umupo roon sa may study table ni Arjo na isang dipa lang ang layo sa higaan.

Napanganga na lang si Arjo dahil super harsh sa kanya ng kuya niya. Binato na nga siya ng notebook sa mukha, dinaot-daot pa siya.

"Why are you doing this to me?" inis na sinabi ni Arjo habang hinahampas ang higaan.

"Kung hindi ka bobo, I will not do THIS to you," sabi ni Max sabay taas ng kilay at krus ng mga braso nang harapin siya. "Now, you'll have to do what I want you to do; think what I want you to think, and keep everything I say in your bird-like mind because I hate people wasting my precious time for nothing."

Natahimik si Arjo.

Kapag naka-English na ang kuya tapos tagos sa buto ang kasamaan sa salita, ibig sabihin, super serious na ito.

At kapag serious na si Kuya Max, ibig sabihin, serious na talaga.

Kapag sinabing follow, kailangang follow na. Bawal mag-inarte.

"Basahin mo nang maigi 'to." Inihagis niya ang isang makapal na math book sa harap ni Arjo. "Intindihin mo. Tatanungin kita diyan after an hour." Tumayo na siya at naglakad papuntang pinto. "Chapter 1 to 4."

"An hour?!" gulat na tanong ni Arjo habang ini-scan ang libro. "E ang kapal nito-80 pages?! KUYA!"

"Subukan mo lang mag-inarte, yari ka sa 'kin," warning ni Max habang dinuduro ang kapatid at saka siya lumabas ng kuwarto at sinara ang pinto.

"EEEEH!" Parang isdang nawala sa tubig kung mag-tantrum si Arjo sa kama dahil sa gustong mangyari ng kuya niya. "I hate you, Kuyaaaa!"


***


5 na ng hapon, at kanina pa nagsasalita si Max na pinipilit namang pakinggan ni Arjo, kaso parang hinehele lang siya ng boses ng kuya niya. Papikit-pikit na siya dahil sa antok.

"The nth derivative is calculated by deriving function x n times-" Napahinto si Max nang makitang kaunti na lang ay yuyuko na si Arjo dahil sa antok.

BOG!

"Ay! Times!" Nagulat tuloy si Arjo at nagising nang alanganin.

Tiningnan niya ang kuya niya na binagsakan ng libro ang study table na ikinagulat niya.

"Kuya naman! Hindi ko kaya! Ayoko na!" reklamo ni Arjo at hinampas-hampas na naman ang kama

"Kaya mo. Tamad ka lang. Ulitin mo lahat ng sinabi ko, from the top."

"Eeeeh! Hindi ko naiintindihan!"

"Intindihin mo!"

"Ayaw!"

"Isa!"

"Kuyaaaa!"

Napahilamos nang wala sa oras si Max at napatayo sa inuupuan dahil sa inis. "Alam mo bang kapag nalaman ni Mama na bagsak ka sa subject ng Etherin na 'yon, hindi ka na niya papag-aralin. Gusto mo ba 'yon, ha?"

Secrets of the Malavegas (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon