Lutang na lutang si Max. Ni hindi nga niya napansing sa bahay pala ni Melon siya dinala ng kung sinong taong gumabay sa kanya patayo. Nakatulala lang siya habang nakaupo sa malambot na couch ng sala. Ni hindi rin niya napapansin si Laby na paroo't parito sa malapit sa pintuan habang kagat-kagat ng kuko. Hindi rin niya napapansin si Melon na naglapag ng isang baso ng tubig sa center table para sa kanya, para lang mahimasmasan siya.
Pareho lang ng interior ang bahay ni Melon at ng kanila, iyon nga lang, kompara sa bahay nila, kulay asul sa iba't ibang shade sa buong paligid.
"Ano'ng balita?" tanong ni Laby at sumilip sa suot na relo. "Marlon, alas-nuwebe na, dapat may update na."
Napasilip sa bintana ng sala si Melon at nakitang inaapula na ang nasusunog na bahay sa tapat. "Pawala na yung apoy. Hindi naman sobrang laki ng damage kasi naagapan agad." Ibinalik niya ang tingin kay Laby. "Nanghingi ako ng copy ng security footage sa area." Kinuha niya ang phone at binasa ang huling message doon. "Ang sabi ni Ashton, ang huling lumabas lang sa bahay ng mga Malavega, si Arjo kasama yung bioweapon. Kasunod ka saka si Max."
"Sina Armida?"
Umiling si Melon. "Walang ibang daan sa bahay kundi sa front yard lang saka sa garahe. Alam mong walang backyard sa hilera ng bahay nila."
"Oh shit." Napatakip ng mukha si Laby at napatalungko agad. Nanlambot ang mga tuhod niya gawa ng panghihina. "This is impossible."
"Wait, I'm gonna call Cas," sabi ni Melon at tinawagan agad ang pakay niya. Sinulyapan niya si Max na tulala pa rin at halatang shocked pa rin sa nangyari.
"Who's this?" tanong sa kabilang linya. Napansin ni Melon na mariin ang sagot ni Cas at mukhang mainit ang ulo.
"Melon."
"What the hell is happening?" tanong agad nito na may galit sa tinig. "Evari was talking to me a few hours ago and the line was cut after an explosion!"
"Hindi ko alam kung ano talaga ang eksaktong nangyari but their house was bombed."
"Their what?! Where are they?"
"We're not sure. Hindi sila nakalabas ng bahay."
"That's impossible! Imposibleng naiwan sila sa loob!"
"We're still checking the security footage. Missing ang Project ARJO at Zone 2.0. Nakausap ko yung Guardian sa HMU, pina-transfer na raw ng Fuhrer ang pangangalaga sa Zone prototype sa facility ni No. 99."
"Where's Max?"
Napatingin si Melon sa lalaking nasa couch at tulala pa rin.
"Shocked," tanging sagot niya. "I don't know about this one, Cas. Two days from now, kailangan na niyang manumpa. And if the Fuhrer's really dead, automatically, kanya na ang posisyon whether he agreed or not."
"Hayaan mo muna siya sa ngayon. Bantayan n'yo muna."
"Do we have a choice?"
***
Isang buong gabi ang lumipas, hindi alam ni Max kung anong oras siya nakatulog. O kung tulog nga ba ang dalawang oras na paputol-putol pa. Hindi rin niya alam kung anong oras siyang nagising. Hinintay lang niyang sumikat ang araw habang nakatulala siya sa kisame ng sala.
Sinabihan na siya ni Melon na matulog sa isang kuwarto sa second floor pero hindi siya nakinig. Si Laby na lang ang pinatulog doon ng lalaki. Iyon nga lang, kahit si Laby, hindi rin nakatulog nang maayos. Kaya nga wala pang alas-singko ng umaga, pagbaba niya sa sala, naabutan niya si Max na nakasandal ang batok sa sandalan ng couch habang nakatulala sa kisame.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Malavegas (Book 7)
Mystère / ThrillerWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na lang ang kanilang common denominator ngayon. Siguro nga, normal na ang buhay nila. Pero hanggang kailan? Walang lihim ang hindi nabubunyag, A...