Pakihanda na po ng utak hahaha
......
"Actually, I tried to analyze the whole situation back then," ani Josef habang nakaupo sa isang ladderback chair sa harapan ni Jocas na naka-indian seat sa kama. Pilit niyang ipinaliliwanag dito kung saan ba galing ang dalawa pa niyang anak.
"Hindi kasi puwedeng magkaanak si Armida. And it was too late for me to know that kasi buntis na siya no'ng nalaman ko."
"Uhm-hmm," tumango naman si Jocas habang pinaglalaruan ang hibla sa dulo ng unan kung saan nakapatong ang mga braso niya.
"Nag-develop si Labyrinth ng regenerator for RYJO. Hindi niya kasi alam yung gamot na iniinom ni Armida before. Si Crimson lang daw ang nagpo-provide n'on sa kanya."
"Uhm!" Nagtaas bigla ng kamay si Jocas na parang estudyanteng sumasagot sa tanong ng guro. "I know! I know!"
Biglang kunot ng noo ni Josef. "You know?"
"Inorganic stem cell population 'yon. Artifical lang siya, ginagamit namin 'yon for faster tendon regenerative potential para maiwasan ang fibrosis. 'Yon ang dahilan kaya hindi ako nagpepeklat kahit anong damage ang matanggap ng katawan ko. Kaso delikado 'yon kasi nakakababa ng mortality rate compare sa natural bone marrow component."
Ang akala ni Josef, si Jocas ang mapapanganga sa ikukuwento niya. Hindi naman niya alam na siya pala ang mapapanganga sa sasabihin nito.
"Wow," iyon na lang ang nasabi ni Josef.
"Pero ano'ng kinalaman n'on kina Arjo at Zone?" pagbabalik ng topic ni Jocas.
"Uh," napatikhim tuloy si Josef at inisip ang isusunod niyang paliwanag, "ano, gumawa si Laby ng artificial regenerator. Yung dugo ng bata ang ipapalit sa dugo ni Armida. Ang paliwanag niya, nagiging lason na ang dugo ni RYJO. Kailangang palitan 'yon ng natural na dugo na kapareho ng genetic formation na meron siya dati. Kaya umaasa kami sa blood transfusion galing kay Arjo. Parang blood donation."
"Uhm!" Mabilis na umiling si Jocas para sabihing hindi siya naniniwala sa sinabi ni Josef. "Hindi makakatulong 'yon! Dapat dialysis procedure ang gawin. Pero kailangan, continuous ang proseso. Ide-drain mo dapat ang dugo ng producer. Siguro naman, alam dapat 'yon ni Labyrinth."
Lalong kumunot ni Josef dahil sa paliwanag ni Jocas.
Ang alam niya, siya dapat ang nag-e-explain at ito ang nalilito. Pero bakit parang baligtad ang nangyayari?
"Matagal na sigurong di ginagawa ni Milady ang proseso. Kasi buhay pa yung bata e. Kailangang ubusin ang dugo niya kahit mga limang litro lang ang maipalit. Ilalagay 'yon sa machine tapos ihahalo sa gamot, ibabalik sa katawan, ipapalit sa dugo. Gano'n!"
Doon na napasandal si Josef sa upuan niya at saka humalukipkip. Hindi niya iyon alam.
"How did you know about that?" nagdududa niyang tanong kay Jocas.
"Because that's how the Project RYJO was made!" proud na sinabi ni Jocas. "Uulitin lang naman niya ang process e."
Biglang angat ng mukha ni Josef. Ang alam niya, inulit lang ni Laby ang proseso ng Project RYJO sa paggawa kina Arjo. Kung totoo man iyon, ibig sabihin, alam ni Laby na kailangang ubusin ang dugo ni Arjo hanggang mamatay ito para lang ipalit sa dugo ni Armida.
Bigla niya tuloy naisip na kaya siguro pinagpipilitan ni Armida na huwag ipaalam at ituloy ang pagpapagamot dahil alam nito ang gagawin kay Arjo.
"Si Zone pala, reserba lang ba?"
"Ha?" Napatingin siya sa kanang gilid at naisip ang bunso nilang anak. "Actually, failed experiment si Zone. Pero naka-tag siya as bioweapon. We're certain about how it works aside kay Laby. Kami lang ang nag-aalaga sa mga bata."
BINABASA MO ANG
Secrets of the Malavegas (Book 7)
Mystery / ThrillerWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na lang ang kanilang common denominator ngayon. Siguro nga, normal na ang buhay nila. Pero hanggang kailan? Walang lihim ang hindi nabubunyag, A...