Namayani ang katahimikan sa mag-asawa habang iniisip ang tungkol sa sinabi ni Max.
Ayaw na nilang magduda pa kung totoo ba ang sinasabi ng panganay nila. Maliban sa hindi ugali ni Max magsinungaling sa isang bagay na hindi naman nito alam, masyado nang accurate ang sinabi nito para pagdudahan pa.
Erah at Jin. Magkapatid. Isang chick at isang parang multo. Ano pa nga bang kaduda-duda roon kung nakita nga talaga iyon ng anak nila. Hindi rin naman nila masabing multo iyon dahil mas nakababaliw pang pakinggan iyon kaysa isiping buhay nga ang magkapatid na Kingley.
"Tingin ko, may anomaly talagang nangyari noon sa laboratory ng Four Pillars," pagbasag ni Armida sa katahimikan habang nakapatong ang magkabilang siko sa mesa.
"Yes, there was," paninigurado ni Josef. "Kung wala, dapat patay na yung magkapatid."
"I died," seryosong sinabi ni Armida habang nakatitig sa mesa. "Habang nangyayari ang experiment, namatay ako. And after that, nagising na lang ako sa isang normal na hospital room, and the rest is history."
"What if you all died?" takang dagdag ni Josef. "Pero gaya mo, nabuhay rin sila."
"But they're disposed," kontra agad ni Armida.
"Disposed how? Disposed because?" balik ni Josef sa mas mataas na tinig. "Because they died? Kung namatay ka rin gaya nila, bakit ikaw ang naging si RYJO?"
Biglang naningkit ang mga mata ni Armida at napasandal sa upuan. Naisip niya noon ang isa sa sinasabing dahilan kung bakit siya naging si RYJO. "What if nabuhay pala kaming lahat pero ako lang ang pinili ng Four Pillars dahil alam nila na anak ako ng mga Superior?" Puno ng tanong ang mga mata niya ng ibaling ang tingin kay Josef. "Kilala ni Madame Qi ang lahat ng candidate sa Isle. Kung kinontrata niya ang Four Pillars para pumili ng batang sasalang sa proseso, malamang na ako talaga ang pipiliin nila."
"Pero conflict of interest 'yon sa panig ni Madame Qi. Superior din siya, and she was a pioneer. Para na rin niyang sinabi na gagawa siya ng makinang papatay mismo sa kanila. Or if she intentionally chose you, that's treason. Tinatraydor niya ang guild."
Lalong napaisip si Armida para kalkalin ang history ng mga Superior kung tama ba ang iniisip niya. "But she was executed bago pa matapos ang project."
"Or maybe it was the other way around. Trinaydor siya ng guild," dagdag ni Josef. "Pero kung buhay pala ang mga alter mo mula pa noon, bakit ngayon lang sila nagpapakita?"
Lalong napaisip doon si Armida.
"And that's not it," dagdag ni Josef. "They knew me. They knew Max. Ibig sabihin, alam nila ang tungkol sa 'tin."
"We talked inside my mind. And I know I told them about that," sagot ni Armida habang tumatango.
"So theoretically . . ." puno ng pagdududa ang tingin ni Josef nang salubungin ang tingin ng asawa. "Your alters are not psychologically trauma-caused problem. They are using your body."
"RYJO is a series of connections," paliwanag agad ni Armida bago pa mapunta sa kung saan ang usapan. "Ang goal ng project is to remove the mind of the host at iba ang kokontrol sa katawan—which supposed to be were the Four Pillars. But they failed."
"So that's explains why you're tagged as failed project kahit pa ni-release ka na. Walang talo sa Four Pillars kahit na hindi ka nila nakokontrol." Napailing na lang si Josef dahil ginawa lang komplikado ng project na iyon ang mga buhay nila.
"Akala ko metaphorical lang ang sinabi nilang babalik sila," dismayadong sinabi ni Armida habang nakatitig ulit sa mesa. "I didn't expect na babalik sila hindi sa katawan ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/25099275-288-k96336.jpg)
BINABASA MO ANG
Secrets of the Malavegas (Book 7)
Misterio / SuspensoWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na lang ang kanilang common denominator ngayon. Siguro nga, normal na ang buhay nila. Pero hanggang kailan? Walang lihim ang hindi nabubunyag, A...