Simula

270 9 0
                                    

Simula


"Asawa mo ako, Rashier! Hindi ako basta babae mo lang! Nakakaya ko ang lahat ang lahat ng pang-gagago mo sa akin. Pero nasasaktan din ako." halos mag-unahan ang aking mga luha sa pagbagsak. Nanatili syang nakatayo sa harapan ko habang nakakuyom ang mga kamao.

"Asawa lang kita sa papel! Baka nakakalimutan mo!" dumagundong ang lakas ng kanyang boses. Ilang beses ko ng narinig yan sa kanya. Yes I am his wife. Asawa pero sa papel lang. Dala ko ang apelyido nya pero hindi ang puso nya. Ako ang dahilan kung bakit hindi nya mapapakasalan ang babaeng mahal nya. Ang matagal na nilang plano ay biglaang nawasak ng dumating ako. I am a destroyer. A storm in their beautiful summer.

"Hindi mo ba kayang pag-aralan ang mahalin ako, Rashier?" halos pumiyok ako dahil sa aking pagluha. I am not like this. Kahit kailan hindi ko binaba ang sarili ko ng ganito. Except for my dad. Ganitong-ganito ang tagpo kapag nagmamakaawa ako noon kay daddy na huwag akong ikulong kapag may kasalanan ako. I'm begging for his love and then now, I'm begging love to someone's again.

"Hindi napag-aaralan ang pagmamahal. At kung napag-aaralan man, ayaw kong matutunan!" mas lalo akong nababasag sa bawat salitang kanyang binabato sa akin. Ramdam ko ang galit sa bawat salita nya. Agad nyang iniwan ang papel sa aking harapan.

Annulment papers. He want to seperate us just to marry her childhood heart. His first and true love.

Hindi ko kaya. Ayaw ko syang pakawalan. Pero hindi sya masaya.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon