Kabanata 1
"1.25? Cumlaude? Ipagmamalaki mo na yan?" halos manliit ako sa aking narinig mula sa aking ama. 1.25? Seryoso Daddy? Hindi ka pa proud sa grades kong iyan? Gustong gusto kong itanong iyan sa aking ama pero hindi ko maisaboses. Alam kong masasaktan nya lamang ako kapag ginawa ko iyon.
"Dad, are you not proud to what I got?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa aking ama habang abala sya sa pagbabasa ng kung anong libro. Hindi nya man inabalang tingnan ang aking card.
"Magiging proud ako kung nasa tuktok ka. Hindi yang pangatlo ka lamang!" pabarag nyang binitawan ang kanyang binabasa at tuluyan akong nilampasan. Hindi ko na napigilan ang aking luha sa pagbagsak.
Nanlulumo akong napa-upo sa sofa habang tinitingnan ang aking grado. Binigay ko naman ang lahat para makuha ito, but he never saw what I did. Kahit minsan hindi nya pinadama sa akin na proud sya.
"May I see, Ate?" agad kong pinunasan ang aking luha ng lapitan ako ni Gio, ang bunso kong kapatid. Itinago ko ang card pero pilit nya iyong kinuha. Malapad syang napangiti ng makita ang aking grado.
"Congrats, Ate. Ang galing mo talaga." hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha. Yan ang gusto kong marining mula kay daddy. Agad syang napatingin sa akin ng bahagya akong napasinghot. Agad na lumapat sa aking pisngi ang kanyang palad para pahirin ang aking mga luha.
"My ate is brave. So don't cry. Someday, dad will become proud to you. But for now, ako muna." hindi ko na napigilan ang hindi sya yakapin. He is my little prince. Kahit na dalawang taon ang agwat ko sa kanya, sya ang naging tagapagtanggol ko. And I am thankful that I have him.
Ginulo ko ang buhok nya dahilan para lumayo sya.
"I am not child anymore!" puna nya. Natawa naman ako dahil nakasimangot sya.
"But you still my baby boy" sabi ko at pinisil ang kanyang tungki. Mas lalo syang lumayo sa akin. Dahilan para mapadapa ako at naging rason yun para makuha nya ang aking kiliti.
--
Maaga akong nagising para pumasok sa aming kompanya buhat sa mababang posisyon. Matapos kong makagraduate hindi na ako binigyan ni daddy ng pagkakataon para makapag-pahinga. Agad nya akong pinadala sa kompanya namin. Hindi nya din ako binigyan ng mataas na posisyon. Kulang na nga lang ay mag-janitress ako.Halos mangawit ang aking paa habang hinihintay ang mga papel na pinipirmahan ng aking ama. Kalahating oras na ata akong nakatayo dito at hindi nya man ako pinauupo. Gusto kong maiyak ng makita kong may pasa na ang aking kanang paa. Nangangalahati pa lang sya sa isang damakmak na dala kong mga papel. Wala man lang tumulong nyan sa akin sa pagdadala nyan.
Hindi ko na nakayanan ang sakit ng aking paa kaya ako na ang nagpasyang umupo. Nag-angat sya ng tingin sa akin. Halos matunaw ako sa kanyang mga tingin. Agad akong ginapangan ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang ibabato na naman nyang salita sa akin.
"Hindi mo ba napag-aralan iyan?" yun lamang ang tanong pero alam kung ano ang nais nyang ipabatid. Kung napag-aralan ko ba ang office etiqutte. Mabilis akong tumayo habang nakatungo.
"I'm sorry, Dad." paghinge ko ng paumanhin.
"Mr. Amistoso, we were in the office not in our house!" hindi ko mapigilan ang hindi mapapikit ng tingin sa kanyang boses. Halos manginig ako sa kanyang pagiging ma-awtoridad na boses.
"I'm sorry, Mr. Amistoso." mahina kong sabi. Hanggang dito ay hindi nya pa rin ako mapakitunguhan ng maayos.
"Leave!" utos nya dahilan para mapa-atras ako. Nanatili ang malamig nyang tingin sa akin kaya madali akong lumabas ng kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
Hurtful Love with Rashier Laxamana
RomanceFilipino/English novel Laxamana Series #1 Icezren Shyre Amistoso decided to marry a man named Rashier Laxamana to make her father's proud. She's intelligent and beautiful but she failed to find a man who love her back fully. Kaya naman ng maikasal s...