Kabanata 14

126 7 0
                                    

Kabanata 14



Love is hard to explained, even the dictionary can't give the exact meaning of love.

Bakit pa nga may pag-ibig?

Hirap na hirap akong paniwalaan kung ano ba talaga ang nararamdaman sa akin ni Rashier. Hanggang ngayon ay litong lito pa rin ako sa ikinikilos nya. Sometimes, gusto ko na lang maniwala, pero bigla na lang susulpot ang pangambang lagi kong dala-dala. Pangambang baka pinipilit nya lang gawin ang mga bagay na iyon dahil hiniling ko.

Minsan naawa na lang ako sa sarili ko. I never imagined myself like this. Begging for attention, begging for love. Na kahit masaktan ako ay kinakaya ko just to made them proud, to made him proud.

Hinabol ko si Bella na palabas ng gate para mamalengke. Total wala naman akong gagawin maliban sa hintayin si Rashier at tanawin ang malawak nilang lupain, mas mabuti sigurong samahan ko na lang sya. I want to explore the places here in Arkansa.

"Bella, wait!" Sigaw ko ng nakapara na sya ng tricycle. Nagtataka syang lumingon sa akin.

"Ma'am, may ipapabili po ba kayo?" tanong nya sa akin at nanatili sa tapat ng sasakyan.

Ngumiti ako sa kanya. Na ikinalito nya naman.

"Can I come with you?" nag-aalangan kong tanong. Mas lalong kumunot ang noo nya ikinatuwa ko.

"Ha?" nakaawang pa ang labi nya. Tuluyan kong kinuha ang basket sa kanyang kamay.

"Pwede ba akong sumama?" ngayon tinagalog ko na ng hindi sya nabibigla.

"Maingay po at madumi sa palengke, Ma'am." paliwanag nya. Ngumiti ako sa kanya at inunahan ko syang sumakay sa tricycle.

"Kaya ko iyon." sagot ko. Nakaawang pa rin ang kanyang bibig habang nakasakay kami. Kita ko pa rin ang pagkalito nya. Marahil ay inaakala nyang hindi ako sanay sa ganung lugar. Well, definitely hindi gaano, but I know how to buy in the market. Uso doon ang tawaran, nakalatag ang mga panindang gulay, prutas, rekados and so on. Ang pinagkaiba lang naman kasi noon sa pamilihan naming mayayaman kung tingnan nila ay mas maayos ang kinalalagyan ng paninda but the product is still the same and also the price is different.

Ilang minuto lang ang naging byahe at tuluyan na naming narating ang palengke. She's right, maingay nga at siksikan. Ako na ang nagbayad sa driver ng tricycle na ikinahiya ni Bella.

Inalalayan nya ako sa paglalakad. Lagi nya akong hawak upang hindi ako matapakan o mabunggo ng mga nadaan. Bagay na ikinatuwa ko. She's over protective.

Narating namin ang bilihan ng mga gulay. All vegetables are fresh, new harvest. Nanatiling hawak ko ang bayong. Inaagaw sa akin iyon ni Bella pero nagpresinta akong ako na ang magdadala, dahil magaan pa naman iyon. Kung sa opisina nga ay tambak na papeles ay nakakaya ko, gulay pa kaya.

Sumunod naman ay rekados kami pumunta, madali lang kami doon. Bago dumiretcho kami sa mga prutas. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang tumpok ng mga mansanas na may tatlong klase. Ngunit ang nakaagaw ng attention ko ay ang kulay berde. I don't know what I feel, biglang natakam ako.

Hindi pa kami tapos mamili ni Bella ay gusto ko ng umuwi at lantakan kainin ang binili kong mansanas.

Tanghaling tapat kaya tagaktak na ang pawis namin habang naghihintay ng sasakyan para makabalik ng mansyon.

Gumuhit na ang pag-aalala sa akin ni Bella ng umupo na ako sa isang bangko. Sumakit kasi ang paa ko sa pauli-uli namin kanina.

"Ma'am, gutom na po ba kayo?" nag-aalingan nyang tanong. Ilang beses na nya iyang itinanong sa akin.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon