Kabanata 8

121 8 3
                                    

Kabanata 8

Mabilis akong napatakip sa aking mata ng tumama sa aking mukha ang sikat ng araw. Hinanap ko kaagad ang kumot upang itaklob sa aking mukha.

I want to sleep more.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagpasyang bumangon. My body is hurts and I feel exhausted. I checked the time.

It's already nine in the morning. Hindi ko na tinangkang pumasok sa opisina. Malalate din naman ako at pagagalitan. Mas gugustuhin ko na lang magpahinga.

Agad rumihestro sa akin ang nangyari kagabi.

Ang ginawa sa akin ni Rashier. At ang hindi ko malilimutang sinabi nya kagabi before he left me.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Ofcourse mas magaling ang babae nya kaysa sa akin. Sa tagal nilang dalawa na magkarelasyon dapat ay hindi na ako magulat. Mas ginalingan lang ng babae nya kaya nasabi nya iyon. Pero masakit pa din. Kasi kahit ako ang kasama nya at katabi nya, pangalan pa rin ni Shantal ang madalas kong marinig sa kanya.

I checked the calendar. Dalawang buwan na kaming kasal. Ibig sabihin apat na buwan na lang at tuluyan na kaming maghihiwalay.

Pinilit kong bumangon kahit masakit ang aking katawan. Wala man akong nakitang bakas ni Rashier. He already left huh?

"Ice!" agad akong nagulat ng isang sigaw ng babae sa ibaba. Boses pa lang ay kilala ko na sya. Haira. Ano na naman kaya ang kailangan nya sa akin? At talagang dinayo nya pa ako sa bahay namin. I grabbed my clothes before I finally face her.

She is sitting pretty in our couch. Nakataas ang kanyang kilay ng makita nya akong mahinang naglalakad pababa sa hagdan. Shit! I can't stand. It hurts.

"What happened?" nanatili ang mataray nyang aura.

"What are you doing here?" balik kong tanong. Pilit kong iniiwasan ang kanyang tanong. Agad syang tumayo habang sinusuri ako na parang may malaking kasalanan akong ginawa.

"Tell me, Ice. What happened?" tuluyan na syang nasa aking harapan. Umiling ako bilang tugon.

Bahagya syang sumilip sa aking mukha.

"Bakit sugat ang gilid ng labi mo?" tanong nya na aking ikinagulat. Mabilis kong nilagay ang aking kamay sa aking mga labi.

Sugat talaga?

Humalakhak sya ngunit alam kong plastic iyon.

"Nagpaubaya ka? Seryoso ka ba, Ice?" hindi ko alam kong matutuwa ba ako o maiiyak dahil alam kong hindi na naman maganda ang maririnig ko sa kanya.

"Paano kung may mabuo? Ice, six month lang ang itatagal nyo. Sa tingin mo ba hindi ka noon hihiwalayan?" halos kita na ang pagkairita sa kanyang boses. Parang kunting higit lang ay sasabog na sya sa inis.

Hindi ko na maiwasang hindi mapahagulhol. What if, may mabuo nga? Apat na buwan na lang ang natitira at tuluyan na nyang puputulin ang pagiging asawa nya sa akin sa papel.

Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Haira habang umiiyak ako sa kanyang bisig. Yes, it hurts me lot. Minsan gusto din makaranas ng mahalin. Nakakasawa na puro na lang sakit na lang ang nararamdaman ko. Ang hirap pa lang ginagawa mo na lahat tapos sa huli hindi ka pa rin sapat. Kulang pa rin.

"I love you, Ice. Kahit tanga ka." hindi ko na maiwasang hindi mapayakap sa kanya. Marahan nyang hinagod ang aking likod. Ilang beses ko na bang sinabi na ang swerte ko pa din kasi may tao pa rin na nanatili sa aking tabi at pagtiyagaan ang mga katangahan ko.

It's only Haira and Gio can accept who am I. Sila lang yung may pagpapahalaga sa akin. Tanging sila lang.

"Thank you." pabulong kong sabi habang nasa kanyang bisig. Ngunit agad din akong napa-aray ng kagatin nya ang tainga ko. Anong problema nya?

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon