Kabanata 13

119 7 2
                                    

Kabanata 13


"I love you, Ice." hindi matanggap ng utak ko ang salitang binitawan ni Rashier. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako o hindi.

Patuloy na tumutulo ang aking mga luha.Maybe it is the tears of joy.

We stayed on that position, enjoying the view of starry night. Ayaw ko ng matapos ang lahat ng ito. Dahil natatakot akong baka bukas bumalik ulit kami sa dati. Maging malamig at malupit na naman sya sa akin.

Mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko para tuparin ang aking hiling. Siguro pagod na ang langit na makita akong nahihirapan. And I am thankful for that?

Ramdam ko ang pag-amoy nya sa aking buhok. I can't stop to smile. Parang lumulutang pa rin ako, hindi pa din makapaniwala. Parang isang panaginip at ayaw ko ng magising pa.

Halos ilang minuto din ang itinagal namin hanggang sa tuluyan na kaming natulog.

Maaga akong nagising ng maramdaman kong wala na akong katabi. Mabilis akong napabalikwas habang bumibilis ang kabog ng aking dibdib. Iniwan na nya ba ako?

Agad kong hinawi ang kumot na nakatakip sa aking katawan ng bumukas ang pinto ng bathroom at iniluluha noon ang topless na katawan ni Rashier. Bahagya nya pang ipinupunas sa kanyang basang buhok ang puting tuwalya.

"Good morning." bulong nya sa akin ng tuluyan syang makalapit sa akin. Halos manuot sa aking ilong ang shampoong gamit nya. He kissed the side of my lips, dahilan para maigtad ako. Nakalayo na ako ng bahagya sa kanya. Ngunit mabilis nya din naukupa ang aming distansya.

Sumilay ang nakakaloko nyang ngiti, hindi ko kayang titigan ang mga mata nyang nakatuon sa akin. Mahina syang humalakhak.

"Ayusin mo na 'yang sarili mo, breakfast is ready." sabi nya habang pumapasok sa kanyang closet. Agad akong nakahinga ng tuluyan na syang nakapasok. Sapo ko ang aking dibdib habang patuloy na pinapakalma ang aking sarili.

Nakasunod lamang ako kay Rashier ng lumabas kami sa aming kwatro. Ngunit agad din akong napahinto ng humarap sya sa akin. Kunot-noo itong nakatingin sa akin. Galit na naman ba sya?

Hindi pa man ako nakakabawi sa aking pag-iisip ng makabalik na sya sa aking tabi at tuluyang hinapit ang aking baywang dahilan para magkasabay kami sa paglalakad. Halos atakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Still you're nervous. Relax, Ice." pagpapakalma nya sa akin. Gusto kong sabihin na kasalanan nya ito kung bakit ako nagkakaganito.

Pababa na kami ng hagdan ng tuluyan na kaming salubungin ng mga katulong ngunit kasama noon ang isang batang babae.

Nakatirintas ang buhok nito na nakalagay sa kanang bahagi ng kanyang balikat.

"Ninong Rash!" iyon agad ang sigaw nito ng makita ang aking asawa. Halos matumba pa sila ng tuluyan na itong yumakap sa binti ni Rashier, nabitawan na rin nya ang aking baywang.

Lumuhod sya sa bata upang makarga ito ng maayos. She is wearing a frozen merch, fan ata ni Elsa dahil kahit ang relo nya ay iyon din ang disenyo. Frozen princess with a frozen heart.

Bumaling ang tingin nito sa akin. Nakakunot din ang noo nito sa akin.

"Ninong who is she?" mataray pa ang pagkakabigkas nito sa kanyang tanong.

"She is Ninang Ice. My wife, Lara." humarap ito sa akin at hinalikan ako nito sa pisnge. Kita ko ang pandidiri sa kanyang pagtingin sa akin.

"Akala ko si Ninang Shantal ang magiging asawa mo po, Ninong?" halos madurog ako sa tanong ng bata. Bumaling sa akin si Rashier, ngumiti na lamang ako upang iparating na ayos lang ako.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon