Kabanata 5

119 8 0
                                    

Kabanata 5


Pinagpapatuloy ko ang pag-eencode ng mga naiwan kong papeles. Halos sunod-sunod pa ang pagdating ng ibang folder. Minsan napapaisip ako kung sinasadya ba talaga nilang ako na lamang ang tumapos o ng trabahong nakaatas sa kanila. Anyway, hindi naman ako nagrereklamo.

"Mrs. Laxamana pinapalinis po ni sir yung office nya sa inyo." sabi ng isang katrabaho ko. Tumango na lamang ako bilang tugon. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. For the first, may isang taong tumawag sa akin habang gamit ang apelyido ni Rashier.

Pero agad din iyong napalitan ng kaba ng maalala kong papasok ako sa kanyang office.

Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. He is sitting in his usual spot while holding a glass of wine. Ngunit agaw pansin ang nagkalat na mga folder sa sahig kasama na doon ang mga laman noong papeles. Hindi ko alam kong sinadya ba iyon o ewan.

Nanatili akong nakatayo habang hinihintay ang kanyang sasabihin.

"What are you looking for? Linisin mo na yan dahil ayaw ko ng makalat!" halos mapapitlag ako sa aking kinatatayuan sa malakas nyang sigaw. Gusto kong umangal at sabihin na hindi naman ito ang trabaho ko kanyang opisina. But I don't have strength to say that. Alam ko sa sarili kong pagdating sa kanya ay mahina ako. Wala akong lakas para timanggi o umangal sa kanyang gusto. Minsan napapaisip ako. Ganun ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal? Ginagawang alipin ang taong nakakaramdam nito?

Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi ng minsang sumagi ang aking kamay na may sugat sa isang folder. Bahagya akong tumigil para panandaliang mawala ang sakit.

Ramdam ko ang pagtayo nya buhat sa kanyang kinauupuan.

"Napakasimple ng pinapagawa ko sa'yo ang bagal mo pa!" nagpanggap na lang akong walang narinig. Nagpatuloy ako sa pagpupulot ng mga papel at inilagay na rin ito sa mga folder.

Minsan nya pang ikinalat ang isa dahil nasa maling folder daw ito. Gusto kong maiyak. Alam kong nasa tama iyon. Marahil ay gumagawa na lamang sya ng dahilan para makahanap ng butas para mapagalitan ako.

Tumayo na ako habang nakahawak sa aking beywang.

"Aalis na ako." mahina kong sabi sa kanya habang abala na sya sa kanyang laptop. Tumigil sya sa kanyang ginagawa at ginawadan ako ng isang malalim na tingin.

"Umuwi ka ng maaga! Tigilan mo yang paglalandi mo sa kubg sino mang lalaki!" halos hindi na ako makaimik sa kanyang sinabi. He's still there. Pinagbibintangan nya na naman ako.

Gusto ko na naman magoaliwanag ngunit hindi ko na nagawa. Mabilis nya din iyon pinutol.

"I don't want to hear your fucking explanation! Leave!" matigas ang kanyang pagkakasabi. Kinuyom ko na lamang ang aking kamao upang doon ibuhos ang sakit na aking nararamdaman.

Kaunti na lamang ang layo ko sa pinto ng muli syang magsalita.

"Kung tinatawag ka man nilang Mrs. Laxamana. Huwag mong tanggapin. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong magdala noon!" hindi ko na nagawang lumingon. Parang kutsilyo ang kanyang mga salita. Ang sakit sa dibdib.

Alam kong ayaw nya sa akin. Dapat matagal ko na iyong tinanggap pero hindi ko magawa. Umaasa pa rin ako na sa loob ng anim na buwan na pagsasama namin ay magagawa kong mabago ang kanyang nararamdaman at alam kong imposible iyon. Napakaimposible!

"Youu don't want to join us?" Art asked me, habang abala ako sa paglalagay ng gamit sa aming bag.

"Hindi na. May kailangan pa akong gawin." pagtanggi ko sa kanya. Nakahanda na rin ang ilan kong kasama para sa dinner nila sa isang bukas na restaurant.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon