Kabanata 2

147 8 0
                                    

Kabanata 2

Ganun ang magiging takbo ng buhay ko. Magpapakasal ako kay Rashier para maging proud ang aking ama sa akin. Kahit kailan naman ay hindi ako tumutol sa kagustuhan nya. Kahit ang kaligayahan ko pa ang kapalit makita ko lang syang natutuwa sa ginagawa ko, walang problema.

"Ikakasal ka kaagad, ate?" halos hindi makapaniwala ang kapatid ko. Nakaupo sya sa kama ko habang ako naman ay nakaharap sa salamin para ayusin ang aking hitsura. This is our second dinner with Laxamana family. Nauna na si daddy sa akin sa venue. Hindi nya man lang nagawang hintayin ako.

"Para lang maging proud sa'yo si Daddy ate? What if, masama ang Laxamana na yun?" hindi ko maiwasang hindi matawa. He show so much concerned on me. At natutuwa ako dun. Kung ibang kapatid, wala lamang iyon pakialam kung ano ang nangyayari sa kanilang mga kapatid, but Gio is different kulang na lang ay pigilan nya si Daddy sa gusto na alam ko namang hindi nya magagawa.

"Mukha namang hindi. Kilala silang pamilya, I'm sure naman hindi sila masama." sagot ko at tuluyan ko ng nailagay ang aking hikaw.

"Hindi ka nun mahal, Ate. Hindi magiging maganda ang takbo ng pagsasama nyo!" kita ko ang inis nya. Humarap ako sa kanya. Naupo sa tabi nya, bahagya pa syang nakanguso.

"Yan ba talaga ang ikinakainis mo?" tanong ko habang nakaakbay sa kanya.

"Aalis kana kasi dito kapag naging asawa ka nun. Mag-isa na akong kakain, wala na akong Ate na paglalaruan sa umaga." maktol nya. Sabi ko na nga ba! May iba pa syang rason kaya ayaw nyang magpakasal ako. Natawa na lang ako na ikinakunot ng noo nya.

"Hindi pa nga ako kinakasal ganyan na hitsura mo. Paano na lang kapag nangyari na?" may bahid ng pang-uudyok ang aking boses.

"Wag kana magpakasal, Ate!" hindi na ako nakaimik. Hindi pa man buo ang desisyon ko pero alam kong doon din ang punta noon. Si daddy pa rin ang masusunod.

Ten minutes before the dinner start. Lahat sila nasa hapag na except Rashier. Wala pa sya. Nasa pag-uusap si Mr. Laxamana at si daddy habang si Mrs. Laxamana naman ay paminsan-minsang nakikihalubilo. Lumapad ang ngiti nya ng makita ako.

"Thanks, hija! Kanina pa akong walang kausap, mabuti na lang dumating ka." sabi nya na sa wakas ay may makakausap na sya ng dumating ako.

"You look like your mother." papuri nya sa akin. Well, hindi na bago. Marami ng nagsabi sa akin noon. Kamukha ko nga si mommy. Sad to say lang na hindi ko masyadong maalala. Namatay sya ng ipinapanganak si Gio habang dalawang taon pa lamang ako noon. Malabo na sa alaala ko ang kanyang mukha.

"Thank you po, tita" sabi ko habang may ngiti.

"Kapag kasal kana sa anak ko, hindi na tita ang tawag mo sa akin." natatawa nyang sabi. Napatango na lamang ako.

Dumating si Rashier sa tamang oras. He had an urgent meeting kaya medyo hagas ang kanyang mukha. Kunot noo syang nakarating pero kahit ganun, magwapo pa rin syang tingnan. Parang bumabalik ako sa dating nararamdaman ko. Yung humahanga pa lamang ako sa kanya ng makita ko sya sa isang magazine. Medyo nagmatured lang sya ngayon kumpara noon. Mas lalong gumanda ang katawan nya kaysa sa picture noon. Hindi ko maiwasan na hindi suriin ang kanyang mukha. May mapupungay syang mga mata, mahabang pilik-mata,mapupulang labi, and pointed nose. Natauhan ako ng kumalampag ang bangko sa aking harapan. Katapat ko na naman sya. Bahagya syang napatingin sa akin ngunit hindi nya ako binigyan man lamang ng pag-ngiti. Suplado!

We all done eating. Pinagpatuloy nina daddy ang usapan nila kanina. Habang ang mama ni Rashier naman ay nakahanap ng kanyang amiga. Kami na lamang ang nasa lamesa. Walang ni isang nagsasalita sa amin.

Napatungo na lamang ako habang kaunting binabawasan ang cake sa aking harapan. Nanatili sa kanyang pwesto si Rashier habang hawak ang isang baso ng alak. Bahagya akong napatingin sa kanya ng makita ko syang uminom nito. Mabagal na gumalaw ang kanyang adam's apple para lunukin ang alak. Ngunit napabalik din ang attention ko sa aking pinggan ng tumingin sya sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang nangatal ang aking kamay. Hindi ko mahawakan ng maayos ang mga kubyertos.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon