Kabanata 3
Nakailang atras ako nang dumating ang kotseng sinasakyan ko sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi magawa ng aking mga paa. What's happening to me?
"Tutuloy ka pa ba?" tanong ni Haira habang inaayos ang aking damit. She's my maid of honor now. Hindi ko mapigilan ang kabang aking nararamdaman. Halos mabitawan ko na ang bulaklak sa aking mga palad.
"Kinakabahan ako" bulong ko. Bakit ganito? Dapat kapag kinakasal ay masaya. Bakit hindi ko maramdaman?
Alam kong ako na lang ang kulang para simulan ang kasal.
"Nagtext na ang papa mo. Where are you na daw?" dito na ako napabuntong hininga. Tutuloy ako. Yan ang desisyong pinanindigan ko hanggang sa tuluyan na ako naglakad papunta sa taong pakakasalan. Rashier Lowell Laxamana is my groom right now. Pero imbis na saya ang makita ko sa kanyang mukha. Tanging pagkamuhi ang laman nito.
Kahit ang mga vows na binitawan nya ay ramdam ko ang pagkadisgusto nya na sa aking harapan habang binibitawan iyon. Hindi ko maiwasang hindi maiyak. Sa munti nyang pagdampi ng kanyang labi sa akin ay ramdam ko ang galit at inis noon.
"Ladies and gentlemen. I prounouce to all you Mr. And Mrs. Laxamana"
Gusto kong tumalon. This is it! Finally I got him. I got his name. I got his attention but I didn't got his heart.
Tuluyan nagpatakan ang aking mga luha ng mahiga ako sa kama. Nahubad ko ang aking damit at nakasuot na ako ngayon ng pantulog. I was in the guest room while he was in his room. Hindi sya pumayag na sa kanyang kwarto nya ako matutulog. As usual hindi talaga. Simpleng pagtulong nya sa aking suot na damit ay hindi nya magawa. I was staring the ceiling habang tuloy pa rin ang patak ng tubig mula sa aking mata. Bumabalik sa alaala ko na asim ng mukha ni Rashier habang nagaganap ang kasal. The way he kissed me, the way he said the vows. Ayaw nya! Ayaw nya sa akin! He hate me!
Sa unang araw ko bilang asawa nya ay ginawa ko lahat. Ipagluto sya, ayusin lahat ng gagamitin nya sa opisina. Damit na kailangan nyang isuot. Lahat lahat. Pero nauwi sa wala.
"Wag mo ng aksayahin ang panahon mo para ipakita at gawin ang pagiging asawa mo. I don't need it!" another isang timba na naman ng tubig ang parang nabuhos sa akin. Hindi nya man inabalang tingnan at tikman ang inihain ko, tapos sinabihan nya pa ako ng ganun. Parang aapaw na naman ang gripo sa aking mga mata.
Isang araw akong napirmi sa bahay nya. Wala akong pasok sa kompanya namin ngayon kundi bukas pa. Nagpasya akong linisin ang bahay mula kusina hanggang sa mga kwarto nya. Hindi sya naghired ng katulong dahil ayaw din ng kanyang mommy. Para daw maalagaan ko ang anak nila. Umasta na parang asawa talaga. Na ginagawa ko naman ngayon. Anak mayaman ako pero maalam ako ng mga gawaing bahay. Since nawala si mommy ng maaga, napag-aralan ko din ng maaga ang mga gawaing ito kahit madamin kaming katulong.
Nangangatog ang kamay ko ng nasa harap na ako ng kwarto ni Rashier. Wala man syang sinabi na huwag ako pumasok pero alam kong ayaw nya na narito ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pinihit ang doorknob. Hindi nakalock.
Nasa pintuan pa lamang ako ay amoy ko na ang pabango nya sa silid. Marahan akong naglakad habang tinitingnan ang kabuan nito. Pilit na pumapasok sa aking ilong ang amoy nya na hindi nakakasawang amuyin.
Kaunting gusot ang kanyang bedsheet. Inayos ko iyon para komportable syang mahiga mamaya. Ang lamesa malapit sa kama ay inayos ko rin. I saw a magazine in the table. He is the front page model. Hindi ko maiwasang hindi buklatin ang magazine. If I am not mistaken this the latest that distributed few days ago.
Hindi ko maiwasang hindi humanga na naman sa kanyang. Parang ang lahat ng nararamdaman ko ay bumabalik na naman sa kanya. I was third year college when I started to like Rashier. Minsan kasing nabanggit ng aking kaklase na sobrang gwapo daw ng Laxamana sa isang magazine. Noong una ay wala akong pakialam doon. I was busy in my study that time. Kung hindi ako nagkakamali ay bagong declared na CEO sya noong panahon na yun. Fresh graduate sya at agad tinalaga ng board na mamahala dahil magaling na sya sa larangan ng business noon. Masyado akong nausisa kaya tiningnan ko ang magazine na patungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hurtful Love with Rashier Laxamana
RomanceFilipino/English novel Laxamana Series #1 Icezren Shyre Amistoso decided to marry a man named Rashier Laxamana to make her father's proud. She's intelligent and beautiful but she failed to find a man who love her back fully. Kaya naman ng maikasal s...