Kabanata 6

121 7 0
                                    

Kabanata 6

Habang papalapit kami sa isla ay lalong bumibigat ang aking pakiramdam. Ilang beses kong pinakalma ang aking sarili ngunit kahit kaunti ay hindi man lang ito nabawasan. Sino ba namang tangang babae ang pupuntahan ang asawa nya habang masayang kasama ang babaeng mahal nito. Walang iba kundi si Icezren Shyre Amistoso lang naman.

Matapos umamin ng sekretarya ni Rashier kung saan isla ito pumunta ay hindi ko alam ang pumasok sa utak ko. Mabilis kong nilisan ang Manila para mapuntahan sya.

"Tanga kaba Ice? Pupuntahan mo sya doon habang may kababalaghan silang ginagawa ng babae nya?" kahit anong sabihin ni Haira ay hindi man lang nakinig.May karapatan pa din ako sa kanya. Ako ang asawa nya.

Kahit alam kong masasaktan lang ako sa makikita ko ay tuloy pa rin ako. Ito ang pagmamahal na alam ko e. Ito na lang ang panghahawakan ko para kahit gaano kasakit alam ko sa sarili ko na mahal ko sya.

"Ice! Wake up! Ayaw kong masaktan ka lang kung ano ang makikita mo doon." halos nasabi na nya ang lahat ng dahilan para hindi ako matuloy sa pagpunta sa isla. Pero sa huli hindi nya rin ako napigilan.

I want to see him. Gusto ko syang tingnan kahit sa malayo man lang, kahit may kasama syang iba. I want to see him, if he is really with Shantal? Pero kahit hindi ko sagutin ang tanong na iyon alam kong masaya sya doon. Masaya sya sa iba hindi sa akin.

"Ma'am andito na po tayo." mabagal akong nakabawi ng makita ang ganda ng isla. White sand, crystal clear water, fresh air. It is a perfect place if you have with someone you loved but I'm with no one. Hindi ko kayang isipin na sa ganito kaganda isla sila pumunta.

"Salamat po sa paghatid." habang iniaabot ko ang bayad ko sa kanya.

Mabibigat ang hakbang ko habang tuluyang tinatahak ang isang hotel na kilala sa lugar.

Hindi pa man ako nakakarating sa hotel ay umuli na ang mata ko upang hanapin si Rashier. Ilang beses ko rin itong ginawa ngunit bigo ko syang makita.

Where is he? Is he....! Shit!

Naiisip ko pa lang ang ginagawa nila ay parang nilulunod na ako sa katutunahanang 'HANGGANG PAPEL KA LANG".

Asawa ka lang sa papel wag ka ng lumampas doon. Ang sakit isipin na ang inakala kong lalaki na magmamahal sa akin ay si Rashier na. Mali pala.

Matapos ang mahaba kong byahe ay nagpahinga muna ako ng papandalian. I want to call Haira but I know what are she going to say. Bumalik kana sa Manila, masasaktan ka lang jan.

Pinilit kong mang itanong sa staff kung andito si Rashier pero mahigpit nilang pinagbabawal ang pagbibigay ng impormasyon sa kahit na sino sa guest nila.

Kulay kahel na ang kalangitan ng makababa ako. I want to start searchin Rashier. Kahit labag at masakit ang kakahantungan still I want to see him. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sobrang naiinis ako kapag nakita ko syang may kasamang iba.

Nagpunta na lang ako sa labas to see how the sun dissappear. Halos lahat ng turista dito ay nakaupo sa buhangin together with their love ones. Andito kaya sya? Sila?

Inuli ko ang aking mga mata sa kagandahan ng lugar. Hindi naman ako nagtagal sa paghahanap doon. But before I continue to walk I heard someone conversation that makes my heart's break.

"I want to see the sunset with you, Shantal. You are my everything my love." gustong kong lumingon. Walang ibang may nagmamay-ari sa boses na iyon kundi si Rashier. My husband.

"I love you, Rashier. I can't wait until we get married." nag-unahan ng pumatak ang aking mga luha. Malabo man ang tingin ko sa paligid ay pinilit kong suyurin ang lugar.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon