Kabanata 15
Tuluyan ng binasag ang puso ko sabihin nyang bukas na bukas din ay kailangan ko ng lumuwas pabalik sa Manila. Hindi man lang nya naisip na kasama nya ang kanyang asawa sa iisang bubong habang dinadala nya ang kanyang babae.
Kumuyom sa galit at sakit ang aking mga kamao. I'm still standing in front of his library's door.
Matapos nyang dalahin sa kanyang kwarto si Shantal ay ipinatawag nya ako.
Bumagsak sa harapan ko ang aming annulment papers kasabay noon ang pagbagsak ng aking mga luha.
"Signed the papers." His voice is full of coldness, ibang iba sa boses na nakasanayan ko habang kasama ko sya.
"I-I can't." buong lakas kong sagot sa kanyang harapan. Yes, I can't signed the papers. I love him, that's why I want to win to his heart. Bukod sa dahilang ayaw kong mawala muli ang pagiging proud ni daddy. I want him by beside. Ayaw kong mapunta sya sa iba. Pagkakataon ko na ng maikasal ako sa kanya bakit ko pa sasayangin?
"Signed the papers, Ice!" halos pasigaw nyang sabi sa aking harapan. Ramdam ko ang galit as bawat salitang kanyang binibitawan.
"Asawa mo ako, Rashier! Hindi ako basta babae mo lang! Nakakaya ko ang lahat ang lahat ng pang-gagago mo sa akin. Pero nasasaktan din ako." halos mag-unahan ang aking mga luha sa pagbagsak. Nanatili syang nakatayo sa harapan ko habang nakakuyom ang mga kamao.
"Asawa lang kita sa papel! Baka nakakalimutan mo!" dumagundong ang lakas ng kanyang boses. Ilang beses ko ng narinig yan sa kanya. Asawa nya ako ngunit sa papel lang.Dala ko ang apelyido nya pero hindi ang puso nya. Ako ang dahilan kung bakit hindi nya mapapakasalan ang babaeng mahal nya. Ang matagal na nilang plano ay biglaang nawasak ng dumating ako.
"Hindi mo ba kayang pag-aralan ang mahalin ako, Rashier?" halos pumiyok ako dahil sa aking pagluha.
"Hindi napag-aaralan ang pagmamahal. At kung napag-aaralan man, ayaw kong matutunan!" mas lalo akong nababasag sa bawat salitang kanyang binabato sa akin. Ramdam ko ang galit sa bawat salita nya. Agad nyang iniwan ang papel sa aking harapan.
Annulment papers. He want to seperate us just to marry her childhood heart. His first and true love.
Hindi ko kaya. Ayaw ko syang pakawalan. Pero hindi sya masaya.
"Kung hindi mo ako kayang mahalin, ano yung mga pinakita mo sa akin? Bakit pinaramdam mo sa akin na mahalaga ako? Bakit nag-aalala ka sa tuwing nasusugatan ako? Bakit pakiramdam ko unti-unti mo na akong minamahal? Bakit Rashier?" halos kapusin ako sa tanong na gumugulo sa utak ko. Patuloy pa rin akong humihikbi at naghihintay ng kanyang sagot. Umaasang babawiin nya ang papel sa aking harapan, yayakapin at sasabihing huwag akong umiyak.
Please say it.
"Lahat ng pinakita ko ay para lang makuha ang loob mo. Para mabilis mong pirmahan ang annulments papers kapag hiniling ko." tuluyan ng nabiyak ang puso sa kanyang sinabi.
"Hindi kita kayang mahalin, Ice. My heart is for Shantal only and she is the woman that I want to be my wife." his words is like a sword. Tuluyan na nyang winasak at sinugatan ang puso ko.
Why? Why I am suffering in this kind of situation? Is this the love? Then why it is painful?
Hanggang kailan ako mananatiling ganito? All the time, I can do my best to made them proud, I can give my love to show him that I am worth it. Pero bakit ganito? Bakit lagi na lang aking nasasaktan?
"Akala ko ba six months tayo bago maghiwalay? Bakit ang dali mo makakuha ng annulment papers?" hinang hina ako habang nakatayo sa kanyang harapan.
Dumaan ang kanyang pagbuntong-hininga sa loob ng silid. Tanging hikbi ko lamang ang nanalaytay dito.
BINABASA MO ANG
Hurtful Love with Rashier Laxamana
RomanceFilipino/English novel Laxamana Series #1 Icezren Shyre Amistoso decided to marry a man named Rashier Laxamana to make her father's proud. She's intelligent and beautiful but she failed to find a man who love her back fully. Kaya naman ng maikasal s...