Kabanata 9

113 8 0
                                    

Kabanata 9


"Thank you." paalam ko kay Xavier habang nasa tapat bahay na kami. Nagpumilit syang ihatid ako kahit ayaw ko.

"Welcome, crying lady." mabilis nyang ginulo ang aking buhok.

"Goodnight" pahabol ko habang isinasara ko ang gate sa pagitan namin. Kumaway na lang sya bago tuluyan ko syang tinalikuran.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay sumalubong na sa akin ang mga mata ni Rashier. Madilim ang kanyang mga tingin. Gumapang ang kaba sa aking dibdib kasabay noon ang takot dahil hindi ko alam kong ano na naman ang gagawin nya sa akin.

"Nakipaglandian ka pa pala! Sana sinabi mo para hindi na ako nakapagsinungaling sa ama mo!." kumunot ang aking noo. Ama?

"Ilan beses ba akong magpapaliwanag sa'yo na hindi ako nakikipaglandian." gusto ko na namang maiyak. Ayan na naman sya sa kanyang paniniwala. Ako pa ang nakikipaglandian kahit sya ang gumagawa nito.

"Sinong niloko mo! Kita ko ang paghahatid sa'yo ng lalaki mo!" parang kulog ang kanyang boses. Halos mapapikit ako dahil ramdam ko ang galit sa kanyang boses.

He is pointing Xavier.

"Hindi ko lalaki si Xavier. He's a friend" halos magmakaawa na ako para paniwalaan nya ako. But I failed, he still remain in his accusation. And it hurts. I am his wife, pero hindi nya ako magawang pagkatiwalaan.

Mabilis na kumalabog ang pinto sa aking harapan. I try to open it but it was locked. Tuluyan na akong umiyak. Nagtungo din ako sa back door para tingnan kong bukas iyon but it still locked. Nangingilig na ako sa lamig at wala akong pagpipilian kundi ang matulog sa labas ng bahay namin.

Hinipan ko ang aking mga palad para maibsan ang lamig. Ngunit hindi iyon sapat dahil kahit ang buong katawan ko ay namamanhid na din sa lamig.

"Rashier open the door." sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pinto. Pinapahid ko ang luha sa aking mga pisnge. Nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa aking mga luha.

Ilang beses kong tinangkang buksan ang pintuan pero bigo ako.

"Open the door, Rashier, please" pagmamakaawa ko habang hinihintay ko syang pagbuksan ako. Pero paulit ulit lang akong bigo. Walang Rashier na bumaba. Wala ang asawa ako. Walang kahit sino.

"Open the door, please" tuluyan na akong nanghina hanggang sa napasandal na ako sa pintuan. Yinakap ko ang aking dalawang tuhod at doon na lang humaguhol.

Ang gusto ko lang naman ay ang mahalin, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako na lang lagi ang nasasaktan? Bakit ako na lang lagi?

Pinilit kong tawagan sya ng paulit ulit ngunit hindi nya sinagot ang una kong tawag hanggang sa pinatay na nya ito.

Bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay ang pagtulo ng aking mga luha. Halos hampasin ng hangin ang mga kahoy sa hardin dahilan para mabasa ako sa aking kinatatayuan. Pilit kong sinusuksok ang aking sarili sa gilid ng aming bahay para lang hindi ako mabasa.

Nakakapanghina dahil ang inakala kong lalaking magmamahal sa akin ay sya rin magparanas ng sakit tulad ng aking ama.

"Hija gumising ka" boses ng isang matandang babae ang gumising sa akin habang masakit pa rin ang aking mga mata.

Hindi pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Mabilis akong napatayo mula sa aking pwesto. Nasa tapat pa rin ako ng bahay namin. Pero sino sya?

"S-Sino po kayo?" halos mamalat ang aking boses.

"Katulong sa bahay na ito. Ikaw sino ka? At bakit dito natutulog sa labas?" sunod sunod ang kanyang tanong tila hindi nya ako nakikilala.

"Asawa po ni Rashier." nag-aalinlangan kong sagot. Hindi ko alam kong tama ba ang pagpapakilala ko.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon